Chapter 5: Talk To Each Other

2.2K 97 10
                                    

Dedicated to boy_rebound

Matagal na walang UD.

Shemay ang gwapo ni Manolo Pedrosa! Akin lang siya ah. XD 

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

    *Nicholas

     Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming sumisid sa tubigan. Sabay kaming lumangoy habang nakikita ang mga iba't-ibang korales, isda. Tila nasa isa kang tahimik at magandang paraiso sa karagatan. Hindi ako makapaniwala na sireno nga ang kaharap ko. Magkahawak pa kami ng kamay at lumalangoy ng sabay.

     Umahon kaming sabay at tinanaw ang isang isla. Isla na tila walang tao. Naupo kami sa may puting buhangin ng dalampasigan habang sinisilayan ang mga ibong lumilipad. Mukhang pamilyar sa akin ng lugar na ito subalit hindi ko lang matandaan. 

     "Natatandaan mo pa ba ang lugar na ito?" Sabi ni Marius at binigyan niya ako ng ngiti.

     "Mukha nga eh, mukhang pamilar pero hindi ko matandaan." Sagot ko sa tanong niya.

     "Huh? Dito kita dinala nung nalunod ka. Umalis lang ako nung nakita mo na ako at pinabayaan na lang kita dito."

     Natandaan ko na ang lugar na ito kung saan una kaming nagkita.

     "Teka nga lang, di ba taga-dito ka sa lugar na ito, Sa Bahamas. Bakit mo naman ako naiiintindihan? Kung ibang wika naman ang sinasalita nila rito?" Tanong ko kay Marius.

     "Kasi kaming mga nilalang sa mundong ito, may kakayanan kaming umintindi ng iba't ibang wika. Isa yan sa mga pinakaimportante naming kakayanan naming mga sirena. Kaya naiintindihan kita. Bukod sa pagintindi ng iba't-ibang wika, may mga kakayanan pa kami." Sagot naman niya. Kaya pala naintindihan niya ako. Buti pa sila may ganung abilidad. Siguro may mga kapangyarihan pa sila. Pero may isa talagang katanungang sumagi sa isipan ko, ang tungkol sa Atlantis na sinasabi niya kanina kung saan siya nagmula.

     "Saglit, totoo ba talaga ang Atlantis na sinasabi mo?" Tanong ko uli. Kung sirena nga, totoo at kaharap ko pa. Ang Atlantis pa kaya? Hindi naman ako maaaring managinip.

     "Ang Atlantis ba? Alam ko na nananatili itong alamat sa kasaysayan niyo. Sa totoo lang, ang Atlantis ay totoo. Ayun sa aming kasaysayan, ang Atlantis ay isang maliit na kontinente sa may karagatan ng Atlantiko. Masagana at mapayapa ang pamumuhay ng mga Atlanteans sapagkat masagana kami sa ginto, kristal, o anu pang kayamanan. Masasabing paraiso ang dating Atlantis. May pagkakatulad ang kultura namin sa mga Griyego. Maayos ang ugnayan namin sa isa't isa. Subalit, sa kabila ng kasaganahan ng siyudad, naging gahaman ang mga tao. Lahat ay nadadaan sa kayamanan. Palagi ng may mga alitan, digmaan. Nawawalan na ng galang ang mga tao sa mga Diyos at Diyosa ng Olympus, hindi na sila nag-aalay sa mga templo. Naging makasarili ang mga Atlanteans. Dahil sa galit ni Poseidon, ang Diyos ng Karagatan ay tinuruan niya ng leksyon ang mga Atlanteans. Nagkaroon ng mga malalakas na delubyo. Sa isang iglap lang, lumubog ang Atlantis sa malalim na parte ng karagatan. Lahat-lahat, nawasak, lahat-lahat namatay. Sa kagustuhang buhayin uli ni Poseidon ang Atlantis, nabuhay ang mga Atlanteans subalit hindi na bilang tao, kundi mga sirena na at ginawa niyang pinuno ang anak niyang si Triton bilang tagapag-alaga ng Atlantis. Simula noon, tahimik na kaming namumuhay ng masaya, at naisip namin na hindi kami magkakaroon ng koneksyon sa lupa. Kaya nananatili lang kami, bilang isang alamat."

A Boyfriend From Atlantis (boyxboy) (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon