"Buti pa si bei, sa cali ang bakasyon."si Kim

"RK, eh!"sabat ni gizelle. Tas nagkatawanan pa.

"Oi, 5 days lang kame dun."depensa ni bea. "A-attend lang kame ng kasal ng pinsan ko. Pagkatapos nun, uuwi rin agad kame 'no.
May mga maiiwan pang trabaho ang parents ko dito."

"Eh di magpaiwan ka na lang."si jia habang nanguya. "Tutal bakasyon na naman saka may 3 weeks tayong break before mag training ulit. Dun ka muna."

"Ayoko nga."mabilis na sagot ni bea tas kay Gizelle naman dumukot ng cheetos.

"Eh kase nga po......"pabiting sabe ni jamie.

"May mamimiss sya."si Kim na ang dumugtong sa sinabe ni jamie.

Nagsitawanan ang lahat maliban sa min ni beatriz. Binato naman ng unan ni bea si kim, pero tawa pa rin ito ng tawa kaya natawa na rin si bea. Ako naman, eto clueless.

"Baliw!"si bea.

Lumipat ng pwesto si bea at syempre tumabe sa kin. Nasa kabilang bed kase ako
Actually, bed ko 'to dito sa dorm at kung tatanungin nyo kung sino ka-roommate ko ay walang iba kundi si............. KIM!😄😄😄

Ay naku mga bes. Ang epic ng reaksyon ni beatriz nung sinabeng si kim ang roommate ko at si jia naman ang kanya.
Parang bata itong nagco-complain kay ate ly tas ng di pumayag ay nagmamaktol itong umakyat sa room na nila ni jia. Ang cute di ba?😁

"Tahimik mo."si bea ng makaupo sa tabe ko sabay alok sa hawak nyang cheetos. "Masakit pa ba?"may himig pag aalala sa boses nya.

Tumango ako tas nag pout. Masakit pa rin talaga ang puson ko. Ibinaba neto ang hawak nyang cheetos tas iginiya nya ako para humiga tas ipinaunan sa kin ang lap nya.

"Punta na kaya tayo ng hospital?"si bea pa rin. Naka kunot noo na nag aalala sa kin.

"Hospital agad?!"exaggerated na sabe ni gizelle.

"Ang OA mo, bei, ha."si jamie.

"May i remind you Miss De Leon, sakit sa puson lang ang drama ni jho, ha. Wag OA."si jia tas umirap kay Bea. "Napaghahalataan, eh."

Tama ba yung pagkarinig ko? Binulong kase ni ju, eh. Binato naman ni bea ng unan si jia pero nakailag kaya si Jamie ang tinamaan.

"Sige batuhin nyo ko! Pag yan tumama kay jho, yare kayo sa kin. Wala kayong pasalubong!" banta ni bea.

Dahil gusto nila ang pasalubong ni bea ay ibinaba na nila ang mga hawak nilang unan na ipinambato rin sa kanila kanina ni beatriz. Sinamaan na lang nila ng tingin ito. Pati ako na may dinaramdam ay natatawa sa inaasta ng mga ito.

"I-hot compress mo lang, bes."suggestion ni kim.

"Hindi. Cold compress,jho."suggestion naman ni gizelle.

"Oi, tama na, ha."sumingit na ko baka sila na ang magkapikunan. "Gusto ko ng ice cream."

"Gusto mo? Wait mo ko dito."si beatriz tas dahan dahan nyang inalis ang ulo ko sa lap nya tas mabilis na lumabas ng room.

"Ano yun? Bibili talaga?"takang tanong ni jamie. Nagkibit balikat naman kame.

"Iba ka talaga jho!"si kim na nakangiting naiiling.

"Ikaw na, girl!"duet nila jamie at gizelle.

"Pag ikaw talaga ang pinag uusapan,ang bilis ni de leon."si jia.

"But of course, MAHAL kaya ko nun!"mayabang sabe ko sa kanila tas umupo na.

Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si bea na may dalang half galloon
na ice cream! Yay!

"Di ba, beh?"ako na nakatingin sa kanya.

Napakunot noo naman ito." Ano ba yun?"

"Sabe ko sa kanila na MAHAL MO AKO! Di ba nga BESTFRIEND tayo. Kaya mahal naten isat isa."

KATAHIMIKAN......



"I'm like a statue,stuck staring right at you...."biglang kanta ni jia.

"Wag mo ng uulitin yun, bes. Maawa sa song."Biro ko sa kanya. "Huy! Beatriz!" Pukaw ko naman kay bea na di na nagalaw sa kinatayuan nya.

"O-oh! H-ha?"si bea tas lumapit na sa kin.

"Oi, San mo kinuha yan?"tanong agad ni gizelle.

"Sa fridge."

"Luh ka! Kay ate ly yan bigay ni ate den kanina."si kim.

"Oi beatriz, balik mo 'to dun."utos ko sa kanya.

"Don't worry, beh. Naitawag ko na 'to kay ate ly at pumayag sya. Sila actually ni "mommy den" and get well soon daw."

Binuksan na ni bea ang ice cream at nagsalin ito sa mug na dala rin pala nya kanina.

"Kame rin bei, penge."si jamie.

Nag angat kame ni bea ng tingin at yun nga, ang tatlo ay nasa harapan namen at may dalang tig iisang baso at spoon.
Bakit di namen napansin na kumuha pala sila ng baso?
At bilang sya si Bea de leon na di madamot pero bully ay binigyan nya sila at sya pa mismong naglagay sa mga baso ng mga ito.

"Di man lang kayo nagdala ng para sa kin?!"si bea.

"Kuha ka na lang, bei."si jia habang sarap na sarap kumain ng ice cream.

"Ah ganun?"si bea tas inilayo na sa kanila ang ice cream." Di na kayo makakaulit!"

Natatawa akong panoorin ang apat na 'to na nagkukulitan. Nawawala ang sakit ng puson ko.
Habang natatawa akong pinanonood sila ay biglang umilaw phone ko indication na may message akong natanggap.

FR: unknown number

Hi.😊











AN:

UUUY..... May nag message!


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now