17

4.7K 71 0
                                    

*AFTER 3 WEEKS*


JHO


Excited akong magbalik training. Namiss ko ang girls, namiss ko ang volleyball, namiss ko ang dorm, namiss ko ang ateneo, na miss ko ang coaching staff at si bundit!


At syempre miss ko na ang BEH ko!
Miss na miss ko na si beatriz!
Marami akong kwento sa kanya.
At sa tingin ko may kailangan syang malaman.


Natapos na ang morning training namen pero ni anino ng "damulag" na yun WALA!


Alam kaya nya na ngayon ang start ng training?
Eh, bago pa man kame maghiwa-hiwalay ay sinabihan na kame ni ate ly kung kailan ang balik namen tas nag group message pa nung isang araw bago ang training.


Sabe nya 5 days lang sya sa Cali. Nag text pa nga sya na nakauwi na sya ng manila. Gusto pa nga sana nyang sundan ako sa batangas pero pinigilan ko lang. Kase nga bes bakasyon namen dapat lang na i-spend namen yun sa mga family namen since minsan na lang kame umuwi sa mga bahay namen. Di ba may point ako dun, mga bes?


Nagtampo siguro ang "damulag" kase di na sya nag text or tumawag sa kin Simula nun. Sinubukan ko sya kausapin sa twitter tas ini-stalk ko na rin sya pati sa IG nya pero walang paramdam! Naloloka na ko sa kakaisip ha!


ASAN KA NA BA, BEATRIZ?












Wala daw kameng afternoon training ngayon kaya naisipan ng team na mag gala since na miss daw namen ang isat isa kaya
Go-mora ang lahat pero ako wala akong balak sumama.
Para kaseng ang bigat ng katawan ko tas nanghihina ako.
Sinabihan ako ni ate ly na ipahinga ko na lang daw ito baka nabigla lang daw ako sa training since 3 weeks kameng napahinga tas kanina semi-hard ang pinagawa ni bundit.


( akala ko ba na miss mo ang volleyball at si bundit? )


Ay, hindi na pala! Binabawi ko na!


"Siguradong ayaw mong sumama?"si kim habang nagpaikot ikot sa harapan ng salamin sa room namen.


Tumango ako. "Ipapahinga ko na muna 'to bes."matamlay kong sagot. Pinanonood ko lamang syang magpaikot ikot sa harapan ng salamin. "Uy tama na yan. Baka mabasag na yan." natatawang biro ko pa sa kanya.


Natawa rin sya sa sinabe ko. "Basta uminom ka na ng gamot para di na lumala yan."paalala pa neto bago tuluyang lumabas ng room.


Di na ako lumabas pa ng room para ihatid sila sa labas. Sumilip na lang ako sa bintana ng isa isa ng nagsi-alisan ang mga kotse nila.


"Anuna?"sabe ko bigla.


Nahiga na lang ako sa bed ko pero almost 30 minutes na kong ganto pero di ako dalawin ng antok! Umupo ako tas biglang umilaw ang phone ko kaya kinuha ko yun tas binasa ang isang message galing sa unknown number.


FR: UNKNOWN NUMBER

Punta ka Moro field, hihintayin kita.

"Sino naman 'to?"tanong ko talaga sa sarili ko.

Di ko pinasin yun. Wrong send lang yun for sure. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag aayos ng mga gamit ko.

( Akala ko ba masama ang pakiramdam mo? Eh, ano yang ginagawa mo? )

Masama naman talaga pakiramdam ko pero kaya ko namang kumilos. Siguro more on tinatamad akong gumala ngayon kaya di ako sumama sa kanila.

( If i know....tinatamad ka kase di pa nagpaparamdam ang BEH MO.)

Hindi 'no! Kung ayaw nyang magparamdam eh di wag! Tsss...

Muling umilaw ang phone ko kaya kinuha ko ulit yun. Galing na naman kay unknown number.

Best thing i (N)EVER hadΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα