60

5.7K 90 16
                                    

BEA

Its been 3 months na simula nung umamin ang baby ko sa kin, 3 months na rin ang "no label" relationship namen ni jhoana ko. So far so good naman ang lahat, napagkasunduan namen ng baby ko na wag na namen sabihin sa team kung ano meron sa ming dalawa para iwas sa pagkalat ng tsismis, di naman sa di mapagkakatiwalaan ang girls naninigurado lang kame, tutal no label pa lang naman ang sa min ni jho. Siguro....Pag naging official na kame.😜

"Beh?...." si jho.

"Yes, baby." sigaw kong sagot sa kanya.

Nasa loob ako ng cr ng room namen ni kat at naliligo, wala kameng training for today. Kagagaling lang namen sa pampanga for tune up games doon ng dalawang araw kaya napagdesisyunan ng coaching staff na pahinga muna kame. Sunday ngayon pero di na muna ako uuwi sa min, naglambing kase ang baby ko na tulungan ko sya sa math problems nya, sakto din na wala ang parents ko dun kaya okay lang.

"Ay. Sige balik na lang ako maya." sigaw din neto sa kin.

"Dyan ka na lang, malapit na kong matapos." sigaw ko din sa kanya.

"Okay." si jho.

Binilisan ko na lang din ang pagligo ko baka mainip pa ang baby ko, sa totoo lang kase halos kakaumpisa ko lang din at talagang matagal akong maligo lalo na pag alam kong walang training and di naman ako nagmamadali. Tinapos ko na ang shower ko, nagpapatuyo na ako ng katawan ay saka ko lang nalaman na di pala ako nakapagdala ng shirt ko.

"Oh shoot!" napa face palm na lang ako. Buti na lang din shirt lang ang nakalimutan ko. Hehehe....😅

"Baby ko?...." nilambingan ko ang pagtawag sa kanya.

Makikisuyo na lang ako sa kanya na pakikuhaan ako ng damit sa closet ko tutal andyan naman sya sa loob ng room. Alam naman nya kung san ang closet ko eh. Muli kong tinawag si jhoana pero walang nasagot kaya dahan dahan akong sumilip sa pinto. Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto pero ni anino ni jho ay wala.

Tuluyan na akong lumabas sa cr. Nakasarado naman ang pinto ng room at saka ang wala lang naman na saplot sa kin ay upper pero naka sports bra and shorts naman ako noh. At saka eh ano naman kung makita nilang nakaganto lang ako, sanay na sila, actually kameng lahat na makita ang isat isa na nakasports bra and shorts lang. Madalas kayang ganto ang mga itsura namen lalo na sa dug out pagkatapos nameng maligo every game.

"May nakalimutan na naman sya." bulong ko habang ikinikiskis ang tuwalya ko sa buhok ko. Pinatutuyo ko ang buhok ko kase natulo pa ito.

"Ano?" sigaw ni jho na biglang pumasok sa room.

Di nya ako napansin kase nakatungo itong biglang pumasok sa room namen, ako naman ay napaharap sa kanya dahil sa gulat.

"Tapos ka....." at nag angat sya ng tingin. Nang magtagpo ang mga mata namen ay napatigil sya sandali. ".....Na.....Ba?" naging dahan dahan ang kanyang pagsasalita habang unti unti ring bumababa ang tingin neto.

Para namang napako na sa kinatatayuan nya si jhoana na nakatingin lang sa kin---sa katawan ko pala.✌😊
Alam kong sa katawan ko sya ngayon nakatingin kaya naman biglang may naisip na naman akong kapilyahan ngayon.
Pagtripan ko kaya ang baby ko. Hihihi....😁

Nagpaka seryoso ako para mas epektib.😉 Tuluyan kong inihinto muna yung ginagawa ko, nakasampay lang yung tuwalya ko sa balikat ko habang dahan dahan akong lumalapit sa kanya ngayon. Sa ginawa kong yun ay saka pa lang nag angat ng tingin si jho na lumanding ulit agad sa mata ko.

Sige lang ang dahan dahan kong paglapit sa kanya and take note guys, di ko inaalisan ng tingin ang napaka gandang nilalang sa paningin ko na bahagyang naka uwang ang bibig neto na nakikipag laban ng titigan sa kin. Huminto ako sa harapan nya kaya naman ay bahagya sya ngayong nakatingala sa kin.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now