39

5.2K 82 1
                                    

BEA

"Wala ka bang balak umuwi?" si maki.

Umiling ako tas humiga pa sa sofa. "Parang kararating ko lang kanina ah, pauuwiin mo na ko agad?"

"FYI lang po maam, 9 pm na po at baka lang pong matraffic kayo at maabutan po kayo ng curfew sa dorm nyo." si maki at umupo sa single sofa.

"Nagpapaalala ba yan or pinalalayas mo na ko talaga?" ako at tinungkod ang isang braso ko sa ulo ko para makatingin kay maki na ngayon ay nilalantakan naman ang pasalubong ko sa kanya.

"Both." sabay ngiti at kagat sa hawak nyang slice ng pizza.

"Ang sama naman po pala!" ako at umupo na. "Ikaw nga itong inaalala ko kase alam kong wala si cel at si jans ngayon kaya kusang loob akong pumunta dito para naman may makasama ka......pero parang di ka naman masaya na andito ako." may pa tampo pa akong nalalaman 'no? hehehe.....😜

"Ang sabihin mo......" at nilunok muna ang nasa bibig. "Meron ka na namang problema at gusto mong takasan."

Natahimik ako sa sinabe netong babaeng ito ah. Tama naman eh, meron nga akong problema pero wala naman akong balak takasan yun, sa totoo nga nyan, gusto kong harapin yun......harapin NAMEN, kaya lang parang iniiwasan naman nya ako. ☹

"Ano? Sapol ba?" maintrigang sabe neto na di ko namalayang tumabe na pala sa kin.

Magdedeny pa sana ako kaso wala akong maisip na alibi para makalusot kaya napabuntong hininga na lang ako.

"I knew it!" si maki at tumawa. "And i think parang kilala ko na kung sino yung pinuproblema mo isabel."

"Sino agad? di ba pwedeng dahil sa acads ko or-----"

"Wag nga ako isabel!" putol sa kin ni maki tas lalong tumawa. "Kelanman di ka magkakaroon ng problema sa acads mo,kaw pa? eh ang brainy mo! Isa lang naman ang sa tingin kong dahilan para mamoblema ka ng ganyan........At yun ay sa pagsintang pururut  mo kay beh-stfriend, JHOANA LOUISSE....." with matching pa charming pa na katulad sa mga corny na romantic movies.

Kilalang kilala na talaga ako ng babaeng 'to,kaya pati itong simpleng pagtambay ko dito ay nahalata nya. Kunsabagay 5 days ng sunud sunod na andito ako sa condo nya at umuuwi na lang ako pag malapit ng mag curfew

( kase nga po.....meron kang ayaw harapin. )

"Sige na. Makikinig ako." si maki na ngayon ay naka indian sit pa sa sofa at nakatingin na sa kin.

Muli napabuntong hininga ako, di ko alam kung sasabihin ko ba talaga o hindi na lang pero kelangan ko ng masasabihan at opinyon na rin dahil di na ako makatulog ng maayos pati yung daily routine ko ay di ko magawa lalo na pag alam kong nasa paligid lang si jho.

"Huy!" si maki at nag snap pa ng fingers nya sa harapan ng mukha ko kaya napa tingin ako sa kanya. "Tulala ka na dyan." tas tinawanan pa ako. "Mukhang malala na yata yan ah."

"Maks.......You think.......M-may alam na sya sa.......sa true feelings ko sa kanya?" ako.

"Hmm.....sa tingin ko......Siguro......."  si maki at kumuha ulit ng pizza sa box.

Bigla tuloy akong kinabahan sa sinagot ni maki. "Pa-papano?" tuliro kong tanong sa kanya.

"Ba,malay ko." si maki pa rin na busy sa kangunguya.

"AHHHHH!!!" ako sabay sabunot sa buhok ko.

"Oi oi oi, para ka ng baliw dyan!" sita ni maki sa kin pero wala akong pakelam sa ngayon kase tuliro ang isipan ko. "Anyare ba kase?"

Kinuwento ko sa kanya yung nangyare sa min sa beach side sa ilocos one week ago. "Maks......maniwala ka di ako nag initiate ng kiss. Sya." sabe ko kase makahulugan nya akong tinitingnan.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now