76( Bibitawan ka )

3.5K 56 47
                                    

JHO




".......Naisip ko baka nga longing lang ako dun sa feelings kase antagal ko ng walang karelasyon.......Inlove ako dun sa feelings pero hindi dun sa tao......Hindi pala talaga ako inlove sayo....."




Muli kong nasaksihan ang pag buhos ng kanyang mga luha. Alam kong sa sinabe kong yun eh nasaktan ko sya ng husto pero andito na rin naman kame sa sitwasyong ito na kahit kelan ay di ko naisip na hahantong kame sa ganto......ang magkasakitan.



"I-im sorry....." ako at muling nag iwas ng tingin.



"Bakit jho?" narinig kong sabe ni bea. "Ano to ha, gumaganti ka? Ginagantihan mo ko sa ginawa ko sayo? Ito yung way mo para gantihan mo ko sa ginawa kong di ko naman sinasadya?!" buong hinanakit na sumbat sa kin ni bea. "Ang sakit sakit naman ng balik mo sa kin....."



Nag angat ako ng tingin at sumakto yun sa kanya na ngayon ay hilam na sa mga luha ang mga mata netong namamaga na sa kakaiyak. Parang gusto kong bawiin ang lahat ng mga sinabe ko. Gusto ko syang patahanin at yakapin sa mga oras na to pero kelangan akong maging matapang para sa ikakatahimik ng lahat.....Para kay bea.....Kelangan, ako naman ngayon ang magpakamanhid sa harapan nya.......Kelangan.....



Pinatahan kong magisa ang aking sarili. Kelangan ko to. Tumingin ako sa kanya. "Isipin mo na ang gusto mong isipin pero nakapagdesisyon na ko.....Putulin na naten ang anumang namamagitan sa ting dalawa.......Beatriz, Itigil na naten to."



💔   💔   💔



"At para ano?" si bea. "Para maumpisahan nyo na? Para maumpisahan nyo na yung lovestory nyo ng lintek na nico'ng yun?! Ano bang pinakain sayo ng lalakeng yun at nagkakaganyan ka!?"



"Please lang beatriz, wag na nateng patagalin pa. Magkakasakitan lang tayo kung pahahabain pa naten ang relasyon nateng wala namang patutunguhan." ako.



"So ganon na lang yun, ha? Ayawan na kase hindi na masaya......hindi ka na masaya......" si bea.



Tinitigan ko sya sa mata.....



"Kase WALA naman pala talaga....."



Parang eksena lang sa mga pelikula, yun bang matapos mo sabihin yung pinakamasakit na salita na dudurog sa kanya at magkakatitigan kayo sa mata tas makikita mong walang patid ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata habang wala syang masabe, walang mareact basta nakatingin lang sya sayo.



Ganon, ganon ang nasa harapan ko ngayon. Ganon ngayon si bea sa harapan ko, yung inaasahan kong magiging reaksyon nya ay di nangyare. Hindi sya nagpalahaw ng iyak, ni paghikbi neto ay wala akong narinig sa kanya. Tahimik lang sya habang lumuluha sa harap ko.



Walang ganong nangyare sa halip ay dahan dahan itong tumalikod at pinagpupulot muli lahat ng mga bolang nagkalat nung sinipa nya ito kanina. Ang sakit pala nun. Ang sakit lang makita na yung taong wala namang ginawang masama sayo kundi mahalin ka lang pero nagawa mo pa ring saktan sya at ngayon nga ay tahimik na umiiyak. Nag iwas ako ng tingin dahil pati ako ay di ko mapigilan ang di maluha na naman.




Nang makuha ni bea lahat ng bola ay itinulak na nya ang cart patungong storage room at ng tuluyang mawala si bea ay saka naman nagsipaghulugan sa mga mata ko ang mga luhang kanina pang pinipigilan kong wag malaglag habang nagpapalitan kame ng mga salita......habang sinasabe ko sa kanya ang mga salitang alam kong dudurog sa kanya.



Dalawang palad ko ang itinakip ko sa aking bibig para wag gumawa ng anumang ingay ng pag iyak dahil kung hindi ko yun gawin ay magpapalahaw ako ng iyak dito at maririnig yun ni bea na ayaw kong mangyare. Pinilit ko ang sarili kong tumayo, kelangan ko ng umalis sa lugar na to dahil palakas ng palakas ang mga hikbi ko na hindi ko maitago.



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now