Chapter 31: Love Drunk.

Start from the beginning
                                    

"Kelan ba alis nila?" hindi ko na nakita ni anino ng magaling kong Kuya kaya wag niyo na kong abalahing tanungin.

"In two weeks daw." kaninong daw naman nanggaling yan?

"Kanino mo naman nalaman?" - Ako.

"Kay Jairo." isa't-kalahating chismoso din yun pero di mo mahagilap sa oras ng pangangailangan.

"Galit ka pa ba?" tanong ni Bela. Hindi ako nag dalawang isip sa sagot ko dahil yun naman talaga ang totoo.

"Hindi Myel never akong magagalit. Labas yung issue na to sa ating dalawa. Nagkataong bestfriend natin sila pareho at pareho nating ayaw silang saktan." - Ako.

"But Ysh just did." konti na lang magseselos na ko kay Carl mas inaalala pa siya 

Hinawakan ni Bela yung kamay ko "Promise me kahit ano pang mangyari we'll stick together?"

"Promise." walang dahilan para iwanan ko siya alam kong kailangan din niya ko ngayon.

"Matatapos din to Myel." pwede bang aminin kong kinikilig ako sa aming dalawa kahit parang napaka wrong timing.

*RIIIIIIIIIIIING*

"Sagutin mo." sabi ni Bela kahit nakita niyang si Zharm ang tumatawag. Bakit nga ba hindi ko sasagutin wala naman akong ginawang mali.

"Hello?"

(Sumagot ka rin Madrigal asan ba kasi kayong dalawa?! Nag-aalala na din ako. Ano bang nangyayare?)

"Uso kumalma Zharm. Magkita na lang tayo sa bahay nila Ysh. Antayin mo kami dun."

*TOOOOOOT*

Di ko na inintay yung sagot niya. Tinignan ko si Bela para makita ang reaksyon niya pero nakayuko siya.

"Okay ka lang ba?" nag-iintay ako ng sagot niya.

"Nakakaawa si Carl. Hindi ko talaga sinasadya Lewis. Hindi ko na rin alam anong tumatakbo sa utak ni Ysh." mangilid-ngilid yung luha niya.

"Myel wala kang kasalanan. Si Ysh ang may malaking problema." pagtatanggol ko sa kanya.

Si Kuya at si Ysh lang naman ang puno't dulo nito. Out of nowhere pupunta ng France. Walang malinaw na eksplanasyon. Kung ano mang tumatakbo sa utak ng dalawang yun isa lang nasisigurado ko wala sila sa matinong pag-uutak.

Labas naman dapat kami dito. Wala dapat kaming pakialam dito.

--

Matapos kaming makabili ng pagkain ay dumiretso na kami kina Ysh syempre kasama ko si Bela. Mga limang metro ang layo ng matanaw ko si Zharm.

"Carl! Carl! Carl!" pagbalik namin ay nakahandusay na si Carl sa may bermuda. Pucha anong nangyare?

"Carl look at you!" sabi ni Zharm habang ipinipilit itayo si Carl.

"Anong nangyare?!" kamuntik ko pang mabitawan ang supot ng pagkain. Baliw na talaga to si Carl.

Pupungas-pungas ang kanyang mata "Carl you look wasted." dagdag ni Zharm. Wasted talaga mukha na talaga siyang basura.

"Ang OA niyo mag react nakatulog lang ako kakaantay kay Lewis. Pre ba't ang tagal mo?" kinikilabutan ako sa lalaking to konti na lang bakla na siya.

Umupo naman si Bela sa tabe niya. Parang wala ako dito ah "Carl di ka pa ba napapagod? Walang nakakaalam kung nasaan si Ysh."

Isa-isa kaming tinignan ni Carl habang inaayos ang sarili at saka ngumiti "Hindi niyo alam kung nasaan si Ysh?" lalo pang lumaki ang kanyang pag ngiti "Andito oh." sabay turo niya sa dibdib niya.

Nagawa niya pang magpaka corny ha. Ayos din talaga.

"Pare isang linggo na tayo dito kahit bulong nga ni Ysh wala. Walang sign ni Ysh. Wala pare wala!" tumayo siya at nilapitan ako.

Kwinelyuhan ako ni tanga "Pare babalik siya! Babalik si Ysh!" pilit siyang pinipigilan ni Bela at Zharm. Subukan niya lang suntukin talaga ako babawian ko tong gagong to.

"Sige lang paniwalain mo sarili mo sa kasinungalingan. Iniwan ka na pre. Wa--"

"Lewis tama na!" sinigawan na ako ni Bela.

Hanggat di niyo kasi to ginigising sa katotohanan eh magbubulag-bulagan talaga yan. Paka martir siya dyan puta ang daming babae dyan.

"Kung ikaw di ka napapagod sa ginagawa mo punyeta ako pagod na." ibinato ko yung supot ng pagkain kaya kumalat sa daan.

"Bitawan mo na ko." pinilit kong tanggalin yung kamay niya.

Manigas na siya dyan kahit abutin pa siya ng ilang taon dyan lumuwa man mata niya hinding-hindi na magpapakita yung malandi niyang girlfriend.

Lasing na lasing siya sa pag-ibig niya. Mabusog ka sana ng pagmamahal mong yan. Love drunk ang puta. =____________=

A/N: DAMN I'M BACK LOLOLOLOLOLOLOL :3

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Where stories live. Discover now