Chapter 32: Last Task.

Magsimula sa umpisa
                                    

Paglingon ulit namin nawala na yung lalaki. Nakakatakot talaga hah!

Pag-akyat namin sa condo niya tanging maid lang ang nandun at yung baby dahil may pagkachismosa ako tinanong ko "Asan si Stephanie?" natigil tuloy siya sa pag-aayos nung pinamili niya.

"Pumasok sa trabaho niya." tapos ngumiti na siya. At some point naiinis at nagagalit ako sa kanya pero alam ko naman sa sarili ko na may reason si Cyron.

Ayokong magpaka makitid ng utak at basta ko na lang siya sapakin without hearing his side kahit wala naman siyang obligasyon sakin dahil hindi naman ako ang Legal Wife. Lakas maka TLW.

Nakakatuwa din yung Stephanie na yun pinaglaban din karapatan ng anak niya para magka-ama.

Kahit saang anggulo natin ngayon tignan agrabyado bestfriend ko. Mas kailangan niya ngayon si Cyron.

"Ang cute cute ng baby." sabi ni Jizika habang nilalaro yung baby. Tinitignan ko din yung bata. Parang ma--

"Ate I'll pee." singit ng kapatid ko. "Saan CR niyo?" tinuro naman ni Airo na nasa kabilang ibayo ng unit.

Dapat pala talaga kapag mangangaliwa ka marami kang pera the more money the more girls you have. Pucha.

-

Matapos namin mag lunch sa kanila ayun super kwentuhan hanggang mapadpad na naman ang atensyon sakin.

"Kamusta kayo ni Carl?" tanong niya sakin. Hindi pa niya alam?

"Wala na Cyron." pinilit ko ngumiti niya. Sumisikip na naman yung dibdib ko at may mga luhang namumuo sa mata ko.

Nagulat ako nung lumapit si Cyron sakin at hinagod ang likod ko kaya napasandal ako sa kanya "Iiyak mo lang kung gusto mo. Naiintindihan naman kita Ysh. Ganyang-ganyan din naramdaman ko kay Saab."

Ayoko na nga lang din kasi pag-usapan. Paano ako makakalimot kung bawat tao na lang ng nakapalibot sakin related sa kanya at bawat minuto pinapaalala nila sakin.

"Hindi ko man alam kung anong dahilan mo Ysh alam ko maiintindihan ka din ni Carl. Baka isang araw magkita na lang kayo mag thank you pa siya sa'yo." patuloy yung pagcomfort sakin ni Cyron.

Yun yung kinatatakutan ko na dumating yung araw na maka move on si Carl tapos ako hindi pa pero ayoko rin maging selfish. Ayokong ipagdamot kay Carl yung saya na pwede niyang mahanap sa iba.

Makakalimot din ako.

-

After ng madramang kwentuhan na yun ay gumabi na rin kaya kailangan na naming umuwi. "Salamat Cyron. Kamusta mo na lang kami kay S--"

*EEEEEEEEEEEKKK*

Biglang bumukas yung pinto at nagulantang ako sa babaeng pumasok si Stephanie. Tumaas yung presyon ko at gusto ko siyang sabunutan hanggang maubos lahat ng buhok niya.

Ngumiti lang siya samin at pumasok sa loob pero nakayuko siya. Dapat lang mahiya siya. Punyeta.

Hinatid kami ni Cyron hanggang sa baba. "Okay na kami dito Cyron." sabi ko sa kanya. "Nag-iintay na din yung driver namin."

Pero may kanina pang bumabagabag sakin "Jizika mauna na nga kayo ni Sean." baka makapunta na ako ng France pero binabangungot pa rin ako ng mga tanong ko.

Umuna na sila Jizika sa sasakyan "Cy-" naputol yung sinabi ko dahil bigla siyang hinablot ng isang lalaki at sinimulang gulpihin. Taenang yan.

"Kuya tama na!" hindi ako makasingit potek ayoko masapak. Ito namang si tanga ayaw lumaban. "Hayop ka! Diba sabi ko alagaan mo si Stephanie! Pati ang anak ko! Hayop ka! Ibang babae na naman kasama mo!" pagmumura nung lalaki.

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon