Chapter 8: Ano daw?

89 1 1
                                    

Pumasok ako sa classroom nakita kong kausap ni Freeya si JB pero hindi ko sila pinansin, siyempre ang papansinin ko si Kevin kaya lang..

“Eh? Wala si Kelvin sa upuan niya, ah baka may pinuntahan lang” biglang sumagot si Freeya.

“Ang alam ko absent siya”

“Huh? For the first time in history umabsent siya?” Nang sinabi ko yun nakatingin sa akin si JB.

Nakakainis sabi ko sa sarili ko, ayaw ko yung mga tingin niya nakakainis talaga, bakit ba siya ganun maka tingin.

“Teka, baka may ginawa ka sa kanya kahapon ha!”

“Wala ah, itong predator na ito, inggit ka lang”

“Bakit naman ako maiingit? Tignan mo nga nag text siya sa akin na hindi siya makakapasok”

“Weehhhh.. hindi nga, patingin?”

Nag text nga sa kanya bakit sa akin hindi?!!! Ah, nakalimutan ko nga pala nilagay ni Freeya yung number niya sa phone ni Kelvin yung akin hindi ko nailagay. Pag katapos ipatingin sa akin ni Freeya umalis siya hindi ko alam kung saan lupalop ng school siya pumunta.

“Psstttt….” Sitsit sa akin ni Lason ang utak, lumingon ako sa kanya.

“Bakit? Problema mo?”

“Ikaw?”

“Psshhuuu…. Problemahin mo sarili mo”

“Sam look oh”

“Sam ka diyan!!! Adik ka ba? Ano naman titignan ko”

“AHA!!!!!!” nagulat ako ng gumanun siya.

“Alam ko na! nasolusyunan ko na kung ano problema ko saiyo!”

“Huh?”

“Alam ko ng itatawag sayo!!! Kasi pag lagi kita nakikita naka simangot ka, maasim muka mo”

“Paanong hindi ako gaganito eh kagagawan mo”

“Kasalanan ko pa ha, ang itatawag ko sayo ay SAMPALOC!!!!!!!!!!!!!!”

“HHAAA????!!!! Mahal mo ba pa buhay mo!!?? Adik ka?? Diyan ka na nga”

Nang aalis na ako, bigla siyang may sinabi.

“Sana naging camera na lang ako….” Napalingon ako sa kanya, iba ang boses niya nung sinabi niya yun.

“Huh? Camera??”

“Para sa tuwing titingin ako sayo, at titingin ka sa akin, ngingitian mo ko.....” Nakatingin lang ako sa kanya, nagsalita siya ulit.

“… Pero hindi ka tatablan ng camera, SAMPALOC ka maasim ang muka mo”

“Ito!!!!!! Nakakainis ka!!! May Lason talaga ang utak mo! Haayy.. nakakainis”

…………………………

Lunch na kaya pumunta na kami sa canteen, biglang may umupo sa tabi namin.

“Kelvin bakit nandito ka?” tanong ni Freeya.

“Kelvin akala ko ba hinid ka papasok, nagtext ka kay Freeya”

“Ah, may inasikaso kasi ako kaninang umaga kaya hindi ako pumasok ng mga subject ng pang umaga”

“Ah, ganun ba? Ano ba yang dala mo?” tanong ni Mecca.

“Ah, ito para kay….”

Biglang sumulpot si JB at nakiupo sa amin.

“Yo!!”

“Jason andito ka pala, sabay ka na sa amin, teka para kanino ulit ito Kelvin?” Anyaya ni Lena at tanong niya.

“Para sainyo”

“Huh? Sabi mo kanina, kay eh…”

“Para kay Sofia at sainyo rin”

“Kelvin, teka bakit naman?”

“Pinagluto mo kasi ako kahapon pasasalamat lang yan”

Habang kinakain nanamin ang bigay sa amin ni Kelvin, nagkukuwentuhan kami.

“Marunong palang magluto si Kelvin, eh ikaw Jason marunong ka rin bang magluto?” Tanong ni Freeya, tinignan lang kami ni JB habang kumakain siya.

“Hmm.. Marunong…..”

“Marunong ka Jason?”

“……Marunong lang ako kumain” sabay ngiti siya sa amin. Nagtawanan naman kaming lahat.

Habang nagkukuwentuhan kuha kami ng kuha ni JB ng pagkain gamit ang chopstick, nagkasabay nanaman kami.

“Akin ito!”

“Anong saiyo? Sa akin binigay ito”

“Sabi diba para sainyong lahat, ito na lang sayo sampaloc bagay pa yan sayo yan na lang kainin mo kamag anak mo yan”

“Adik ka!”

Habang kami ay kain ng kain puno na ang bibig namin, biglang may sinabi si Emy.

“Guys! Grabe may nakita ako sa library naghahalikan kanina”

“Talaga?”

“Oo.. natatawa na lang nga ako sa kanila, teka sino ba may first kiss dito”

Pagkasabi ni Emy yun, nabugahan ko si JB sa muka nasa harapan ko lang kasi siya, siya naman ay nabulunan.

“Teka Sofie? Okay ka lang ba?” tanong ni Emy

“Okay lang ako…”(sa isip ko) “sa dami dami pa kasing itatanong yun pa ang naitanong.”

“Ikaw Jason okay ka lang?”

“Okay lang” (sa isip isip ko) “Bakit pa kasi yun ang itinanong”

“Kayo talaga, kain kasi kayo na kain”

Ngumiti na lang kaming dalawa sa kanila.

.............................................................................

salamat po sa pag basa^^ comment po kayo^^♥

.........................................................................................

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentally Kiss^3^ [slow update]Where stories live. Discover now