Chapter 29: DESPERATION

Start from the beginning
                                    

"Ikatlong dimensiyon? Ano po 'yon?  Hindi ko po maintindihan."

"Masyado ka pang bata para maintindihan mo kaagad ito. Pero para magkaroon ka ng ideya ang mundo ng mga elemental ay ang mundo ng mga diwata, engkanto, ng mga diyos at diyosa na nakilala lamang ninyo sa mga libro at mga mitolohiya. Marahil ang ilan sa mga ito ay napag-aralan na sa inyong mga paaralan..."

"Tulad po ba ng mga aswang?!" ang pagsabat ni Blake sa diwata.

"Tama ka,  sila ay mga kampon ng dilim at tinatawag silang mga anak ng buwan." ang tugon ng diwata.

"Sila po ang mga lumusob at nangain ng mga tao sa Maynila. Mga manananggal, wakwak, at tiyanak."

Tumango lamang si Mariang Makiling kay Blake at umupo sa harapan niya. "Kaya kailangan namin ang iyong tulong para mapigilan sila sa pagsakop sa sanlibutan. Iligtas ang mga tao at ang mga nilalang ng ikalawa at ikatlong mundo."

Nanatili lamang nakatingin si Blake sa diwata. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dahil sa naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari.

"Umaasa ako na sana matulungan mo kami. Tulungan mo kaming maisakatiparan ang propesiya Blake."
Ang pagsusumamo ng magandang diwata.

"Bakit ako? Isa lamang po akong bata." ang tanong ni Blake.

"Dahil sa iyong taglay na kapangyarihan Blake. At ang sinasabi ng propesiya tungkol sa'yo."

"Propesiya?"

"Hindi ako ang nararapat na magsasabi sa'yo tungkol sa propesiya. Si Daniway ang siyang may karapatang sabihin at ipaliwanag sa'yo ang lahat."

"Sino si Daniway?" ang muling tanong ni Blake sa diwatang si Mariang Makiling.

"Makikilala mo rin siya sa pagsama mo sa akin sa kanya pagkatapos mong kumain ng iyong almusal. "

"Sige po." ang tugon ni Blake.

Ngumiti ang diwata at naalala ang inihanda nitong inihaw na manok sa kusina.

Mabilis na tinungo ni Mariang Makiling ang kusina at kinuha ang litsong manok. Pagkabalik niya sa bata ay kaagad na ibinigay iyon kay Blake.

Namilog ang mga mata ni Blake at napanganga sa napakasarap na litsong manok na iniabot sa kanya ng diwata. Buong gahaman niya itong kinain dahil na rin sa nararamdamang gutom.

"Salamat po!"

Ngumiti si Mariang Makiling at nakuntento na lamang itong pagmasdan ang bata.

Kahit na abala sa pagkain si Blake ay maya't-maya ay tumitingin ito sa diwata. Mayroon sana itong gustong itanong sa diwata pero minabuti na lamang niyang huwag na muna. Ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang almusal at sinigurado niyang mabubusog siya bago ang kanilang paglalakbay. 

Pagkatapos makakain ay desidido ng sumama ni Blake kay Mariang Makiling para na rin maisama niya ang kanyang lola at dalawang kapatid kung saan siya naroroon ngayon. Labis na rin ang kanyang pag-aalala sa kanila simula ng makarating siya sa lugar. Ni hindi na rin niya alam kung nakakakain pa ba sila gayong napakabata pa ng mga ito para maghanap ng makakain na sila-sila lamang. Paano nga ba siya nakarating sa lugar na ito gayong ni pumasok man lang sa isip nito ang lugar ay hindi niya magawa?

Marahil isang misyon ang ibinibigay sa kanya ng Diyos kaya nakarating siya rito at binigyan siya ng kapangyarihan para makatulong din sa kanyang kapwa. Paano siya nagkaroon ng ganong kapangyarihan na kailan lang niya nadiskubre? Bakit siya lang ang mayroong kapangyarihan? At sino ang tinutukoy ng diwata na kanyang tunay na magulang? 

Napakaraming katanungan ang patuloy na nagpapasakit sa kanyang ulo dahil ang lahat ng ito ay wala pa ring kasagutan.

"Nakahanda ka na ba Blake para lakbayin ang papunta sa kaharian ni Daniway?" ang biglang tanong ni Mariang Makiling sa kanya.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now