"Sir dito lang po muna kayo. Mag iigib lang po ako ng tubig sandali." Napatigil sa pagkain si Sir.Jake. Napatingin sya sa timbang hawak ko kasabay ng pag kunot ng noo nya.
"San?" Kunot noong tanong nya
"Sa may kanto lang po Sir. Mag iigib lang ng tubig para may pampaligo po kayo Sir." Mahirap kasi dito ang daluyan ng tubig sa amin. Tulad na lang ngayon, wala na naman. Palaging nawawalan ng tubig dito lalo na pag ganitong katanghaliang tapat.
"Sama." Tumayo sya at kinuha ang timbang hawak ko.
Tumango na lang ako. Nauna na syang maglakad palabas. Tinakluban ko muna ang pagkaing kinakain nya dahil baka langawin ito. Mag dadalawang araw na nga pala syang namamalagi dito sa amin. Kapag naman tinatanong ko kung bakit nya ginagawa to ang palagi lang nyang isinasagot ay 'Trip'. Kapag naman tinatanong ko kung hanggang kelan sya dito, ang isinasagot naman nya ay 'Baket? Hanggang kelan mo ba gustong mag stay dito?' Hays! Ang galing kausap. Kaya sa huli, itinigil ko na ang pagtatanong dahil ako lang din naman ang napupurwisyo.
Sinarado ko na ang pinto ng bahay namin at inilock ito. Wala kasi ang dalawa kong kapatid dahil mamaya pang alas kwatro ang tapos ng eskwela nila. Malayo layo din kasi ang pagkukuhanan namin ng tubig. Usong-uso pa din naman dito ang nakawan sa lugar namin.
Magkasabay kaming maglakad habang ang hawak nya sakaliwang kamay ang timba. Pansin kong pinagtitinginan sya ng mga taong makakasalubong namin lalo na ng mga kababaihan. Hindi ko maiwang mainis. Dapat pala ay hindi ko na lang sana sya sinama sa pag iigib! Kahit kasi simpleng puting T-shirt at short lang ang suot nito ay lutang na lutang pa rin ang kagwapuhan.
Pumila kami sa pinaka dulo ng makarating na kami kung saan ang kuhanan ng tubig. Mahaba ang pila sabayan pa ng init ng panahon kaya naman sobrang pawis na pawis na ako. Napatingin ako sa katabi ko na diretso lang nakatingin sa unahan nya. Buti pa tong isang to, kahit na pawis na pawis na din ay fresh na fresh pa din.
"Mariel!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig kong may tumawag sa likuran ko. Nakita ko naman si Angelo na tumatakbong papalapit sa akin.
"Sabi na nga ba eh! Ikaw yan! Kamusta ka na?! Ang tagal nating hindi nagkita. Ang ganda mo!" Bigla akong niyakap ni Angelo. Napangiti ako ng dahil sa sinabi nya. Si Angelo ay kapit bahay namin. Isa sya sa mga kaibigan ko dito sa baryo namin.
Magsasalita na sana ako nang maramdaman ko ang paghapit ng bewang sakin ng katabi ko. Bigla kong naalala na may kasama ako. Kasabay ang pagalaalang iyon ang pag alala na ginagawa nya sakin tuwing may lumalapit sa aking lalaki.
"Sino sya?" Kumunot ang noo ni Angelo ng makita na may kasama pala ako. Samantalang ako naman ay nanlalambot na ang tuhod dahil sa takot. Natatakot akong baka kaladkarin ako ni Sir pabalik sa bahay at saktan na naman ako. Hinihiling ko sa Diyos na sana ay umalis na lang si Angelo sa harap namin para tapos na ang gulo ngunit hindi nito tinupad ang dasal ko. Nakatayo pa din si Angelo habang iniintay ang isasagot ko.
YOU ARE READING
A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)
RomanceSi Mariel ay isang simpleng babae lamang na walang ibang hangad kundi ang makakabuti sa kanyang pamilya. Sya ang nagtataguyod at nagpapaaral sa kanya dalawang kapatid dahil may iba ng pamilya ang kanyang ama at wala na ang kanya ina, tatlong taon n...
