Mission #10 Substantiating That Them Chickens Is Ash And I'm Lotion

1.9K 85 213
                                    

Tee's POV

Na-carried away lang ako ng emotions ko kanina. Hindi pa ako ganun ka desperado para mang-gayuma ng isang tao.

Naniniwala din ako na hindi dapat ipilit ang love. Kusa yan dadating.

Kung magkakagusto sya sakin, dapat by his own will. Gusto ko mainlove sya sakin... bilang ako at hindi dahil sa kung anong sorcery.

Atsaka 2017 na.

May naniniwala pa ba sa gayuma?!

Hindi naman ako uto-uto no! I know my Lola very well, hindi naman sya mambabarang.

Yun na nga. So paano naman matututo gumawa ng gayuma si Lola? Ramdam ko pinagtritripan nya lang ako eh.

Wag tayong basta-basta maniwala sa kanya. Kung bully ako, si Lola naman ang original certified bona fide bully of her time. Sya ang source ng 'bully genes by Michael Jackson' na namana ni Mommy at naipasa naman sakin.

Atsaka kahit anong isip ang gawin ko, 'di ko na talaga kailangan ng gayuma. Alam ko naman na madadaan ko si P'Tae sa charms ko. 'Di ba?!

So ayun na nga. 10PM na pala. Hindi nanaman ako makatulog dahil sa kanya. Ganito ba talaga pag inlove? 'Di na makakain? 'Di na makatulog? Tigyawat sa ilong nalang ang kulang.

P'Tae ano bang ginawa mo sakin? Sa umaga ikaw ang gustong makita. Sa gabi ikaw pa rin yung laman ng isip ko. Ang matindi sa lahat, hanggang sa panaginip ko ikaw ang laman.

Obsessed na ba ako?!

Mukhang ganun na nga.

'Di na maganda 'to. Pero ang sarap sa feeling.

Kung kailan naman tumanda ako, atsaka ako nag-feeling teenager.

Masisisi nyo ba ko? Iba talaga ang kamandag ng nagiisang Tae Darvid ng Thailand.

How can I reverse the chemistry?  Coz this love is taking all of my energy.

Sigh.

Kailangan ko na matulog. May event pa kaming kelangan puntahan bukas.

Ayoko mag mukhang puyat na panda sa harap ng mga fans at syempre sa harap ni P'Tae.

Sinubukan ko pumikit. Walang nangyari.

Nag-online ako sa Twitter at IG para i-check kung may bagong post si P'Tae kaso wala. Tinignan ko na din yung weibo nya, wala talaga. Mukhang hindi sya nag online ngayong gabi.

Tulog na ba sya?

Hindi ko namalayan tinatawagan ko na pala sya para i-confirm kung tulog na sya.

Pangalawang ring palang nun sinagot nya.

"Khun Ying?"

"Khun Luang? Gising ka pa ba?"

Ay hindi Tee. Tulog na sya. Astral projection nya yang kausap mo ngayon.

Pero kahit sabaw yung tanong ko, ngising ngisi ako ngayon dahil sa bagong endearment namin.

Kanina lang namin naisip yan.

Mukha kasi syang Khun Luang sa mga historical na Thai Lakorn.  Syempre dahil ako ang wifey kaya sakin napunta ang title na Khun Ying.

"Haha, sinagot ko nga yung tawag mo 'di ba? Bakit pala hindi ka pa natutulog?"

Dahil sayo. Pero syempre 'di ko aaminin.

"Hindi nga ako makatulog Khun Luang, gusto mo mag laro tayo ng Garena ROV? Pampaantok?"

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Oct 04, 2017 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Subtle Invitation (2Moons Cast FanFic) (Make It Real Book 1.5)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin