Mission #9 Brewing the Efficacious Love Potion

987 87 215
                                    

Tee's POV

"Tee, totoo ba?" Biglang nagtanong si P'Tae out of the blue.

Nakaupo at naghihintay kaming dalawa dito ngayon sa sofa ng office ni Mae'Janean.

"Huh anong totoo?" Nagtataka yung tono ko.

Ano ba kasi yon? Pakilinaw please.

"Tee.. alam mo yung tinutukoy ko."

Hindi ko alam! Bakit ba ang seryoso ngayon ni P'Tae?

"Hindi ko maintindihan P'Tae kung anong tinutukoy mo."

Pakiramdam ko bumibilis na yung tibok ng puso ko sa kaba. Alam na ba nya? Alam na ba nya na gusto ko sya?

Susuntukin na ba nya ko dahil aware na sya na nagiging bading na ko para sa kanya?

"Isang tanong, isang sagot. Tee gusto mo ba ko?!"

Pakiramdam ko binuhusan ako ng nagyeyelong tubig dahil sa tanong nya.

Fuck!

Anong sasabihin ko? Aamin na ba ko?

Paano nya nalaman?

Shiya.

Kung pwede lang kainin na ko nitong sofa para makatakas sa tanong ni P'Tae.

Napansin ata nya na natahimik ako kaya nagsalita ulit sya.

"Tee, sasagot ka ba o......."

Hindi ko na sya pinatapos mag salita. Sumagot na ako ang pasigaw.

"Oo gusto ko kita. Okay na?!"

'Di ako alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob para aminin yung nararamdaman ko.

Nakatingin lang ako sa kanya ng diretso. Confirming na totoo yung sinabi ko.

Walang nagbago sa expression nya. Seryoso pa din yung mukha nya.

Ni-ready ko nalang yung sarili ko sa susunod na gagawin nya.

Matitikman ko na ba yung kamao ni P'Tae?

Ano ba kasing iniisip ko at umamin ako?

"Bakit 'di mo sinasabi sakin? Sa iba ko pa nalaman. Balak mo ba i-sekreto sakin habang buhay?"

Sinong nagsabi sa kanya?

Ganon na ba ako kahalata? Paano nila nalaman eh wala naman akong pinagsasabihan na ibang tao!

Bahala na nga. Pangangatawanan ko nalang yung pag-amin ko.

"Alam kong straight ka. So what's the point na umamin na may gusto ako sayo? Ayokong mailang ka sakin. Ayokong lumayo ka pag nalaman mo na naging homo na ako dahil sayo."

'Di ko alam kung san ko hinugot yang paliwanag ko. Ang drama eh.

"Bakit ako lalayo? Bakit ako maiilang kung gusto din naman kita? I like you Tee since audition day. Nagkaroon ako ng unknown feeling noong binigyan mo ako ng tubig. Na develop and 1 day na realize ko nalang na gusto na kita. Siguro dahil lagi akong masaya pag kasama kita."

What? WTF? Totoo ba yung narinig ko? Gusto ako ni P'Tae?!

Napanganga nalang ako sa sinabi nya. Pakiramdam ko nilisan na ng kaluluwa ko yung katawang lupa ko dahil sa revelation nya.

Sinamantala nya yung pagkagulat ko.

Ang bilis nyang nailapit yung mukha nya sa mukha ko.

The next thing I know is kinakain nya na yung labi ko. Yes. Kinakain talaga yung term.

Subtle Invitation (2Moons Cast FanFic) (Make It Real Book 1.5)Where stories live. Discover now