Mission #1 Isolating The Breath of Life

1.9K 133 405
                                    

My FB Page: The QueenMother Hateu

Tee's POV

"Aray!!!!!!"

Anong nangyari? Ahh! Hinampas ako ni Lola ng hawak nyang insenso para gisingin. Ganito nalang palagi ang scenario dito sa bahay tuwing umaga.

Ang ganda pa naman ng panaginip ko, nagsasayaw daw kami ng idol kong korean actor na si Park Bo-Gum.

Mahilig maniwala si Lola sa Feng Shui at kailangan maniwala din kami dito. Bawal kaming magising ng late dahil hindi daw namin aabutan yung swerte? Chinese-ancestry problem.

Halata naman na may lahi kaming chinese diba? Sa pangalan ko palang alam mo na.

Tee ang palayaw ko, na ang ibig sabihin ay maputing lalake na may chinese-descent. (Chinito)

"Andito na yung bestfriend mo para sunduin ka!"

Fuck! Nakalimutan ko na 1st day nga pala ng workshop namin ngayon. Nakuha kami ni Copgi(bestfriend ko sa agency) sa bagong TV show, 2Moons the Series.

'Di ko naman akalain na makukuha ako. Wala nga ako sa final pick ng author ng novel.

Si Kavin(Jo) ang akala namin na makakakuha ng Beam role.

Nagulat nalang kami ni P'Tae (partner ko sa series) na kasama kami sa final pick ng production team.

Swerte diba? Effective yung lucky charm ko. Pinagsuot kasi ako ni Lola ng pulang briefs para daw swertehin ako sa audition. Minsan maganda rin pala sumunod sa mga Feng Shui na yan.

"Sige Granny bababa na ko."

Dali-dali akong bumaba para kausapin si Copgi.

Pagkakita sakin ni Gi, nanlake yung mata nya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkakita sakin ni Gi, nanlake yung mata nya.

"Hindi ka pa nakakaligo!? Hindi kapa nakakapag-ayos!?"

Medyo malakas yung boses nya. Malamang nagulat sya dahil malalate na talaga kami.

"Kakagising ko lang Gi! Hintayin mo na ko okay?"

May kotse naman ako pero napagdesisyunan namin ni Gi na yun kanya nalang ang gamitin namin kasi nadadaanan din naman nya 'tong bahay namin. Hati nalang kami sa Gas para makatipid.

Unang lead role namin 'to. Kaya mahalaga pa din samin ang makapag ipon at huwag maging one-day millionaire.

Nagmadali ako naligo at nag-ayos. Ang gwapo ko talaga. Kinindatan ko pa yung poster ni Park Bo-Gum sa kwarto ko bago lumabas.

Hindi ako bading ha. Talagang idol ko lang sya, pati na rin si Mario Maurer.

Pagbaba ko sa salas namin, nakatabi na si Granny kay Gi at pinagdidiskitahan nya yung dimples nito.

Grabe naman kasi si Gi, dimples na tinubuan ng mukha? O dimples na pinaglihi kay Gi? Ewan. Basta nakakainggit yung dimples nya.

"Granny aalis na po kami ni Gi"

Subtle Invitation (2Moons Cast FanFic) (Make It Real Book 1.5)Where stories live. Discover now