Mission #6 Thou Bein' Candor to Thyself

1.5K 116 265
                                    


Tee's POV

Patapos na yung 3 days break namin before mag start ang shooting ng 2 Moons. 3 days na din akong na-imbak dito sa bahay namin. Walang ganap.

Boring.

Hindi na rin nagparamdam si P'Tae mula noong nag text sya sakin. Okay lang naman, hindi ako nag hihintay ng text or call nya. Promise.

I guess, that's a good thing for me; na hindi na talaga sya nagparamdam.

Medyo na realize ko na 'di naman pala ganun kalala yung pagka- fascinate ko kay P'Tae.

Hindi ko sya namimiss. Hindi ko sya hinahanap-hanap.

Hindi sya kawalan sa sistema ko. 'Di ko hinihintay na isaksak nya sakin yung usb nya at i-update ang operating system ko.

Shiya. Parang iba yung naisip ko dun ah.

Pero masaya talaga ako dahil sa mga realization ko na 'to. Naliliwanagan ako sa true feelings ko.

Straight pa din talaga ako. Bakit ba ayaw nyo maniwala?

'Di ko na nga alam kung ilang beses ko sinabi yang salitang 'straight' na yan mula pa noong chapter 1.

Malakas ang feeling ko na 'straight' ang magiging 2017 word of the year ng Oxford Dictionary dahil sakin. Gamit na gamit ko eh.

Maniwala na kayo. Please?

Pero yun na nga... sabi ko na nga ba, excitement lang ang lahat ng nararamdaman ko.

He didn't get here under my skin.

Uhm teka nga, bakit ko ba jinu-justify yung sarili ko sa sarili ko? May pinaglalaban ang alter ego?

Ewan. Wala lang talaga siguro ako magawa. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama ko.

Inakap ko nalang ng mahigpit 'tong teddy bear ko sa kama. Sarap panggigilan! 'Di pa ako nakuntento, kinikiskis ko pa yung mukha ko sa damit ng teddy bear ko.

3 days ko na din pala lagi inaakap si Teddy.

Lately ko lang na realize na mahilig pala ako sa teddy bear. Teddy bear na suot yung T-Shirt ni P'Tae. Hehehe.

*Vibrate Vibrate*

May tumatawag sakin. Mahihiya si The Flash sa bilis ng kamay ko para abutin yung phone ko.

'Di ko na nga binasa yung pangalan sa screen. Swipe to answer na lang agad-agad.

"P'Tae! Sawatdee krap! Anong ginagawa mo? Kumain ka na ba?"

Ngiting-ngiti ako pagkasabi ko nyan. (Hindi ko sya namiss ah)

"Anong P'Tae? Si Gi 'to, Ai'Shit'Tee."

Agad ko tinignan yung screen ng phone ko para i-double check. Si Gi nga! Medyo na-bisto ako dun na excited talaga ako sa tawag ni P'Tae.

"Oh bakit ka tumawag? Istorbo ka eh.."

Medyo masungit yung boses ko para hindi nakakahiya.

"Punta ka dito sa bahay.. may bago akong laro sa PS4! Laro tayo!"

Kahit na medyo disappointed ako na hindi si P'Tae yun tumawag, medyo na excite naman ako dahil sa sinabi nya.

Mahilig din ako sa video games tulad ni Gi. Pero mas addict sya. Updated sya sa lahat ng bagong laro sa PS4 eh.

"Sige sige! Yung 'Horizon Zero Dawn' ba yan?"

"Oo! kaka-deliver lang kanina. Punta ka na dito!"

Subtle Invitation (2Moons Cast FanFic) (Make It Real Book 1.5)Where stories live. Discover now