Detectives High Academy

10.5K 339 60
                                    


***

"Ara!"

Napabaling ako kay Mama at ang aking kaibigan na si Jessica na ngayon ay naiwan na pala sa agos ng pila dito sa terminal ng bus. Napakamot na lang ako sa ulo at hinintay silang makalapit sa akin.

"Magpapakabait ka dun sa eskwelahan na papasukan mo ha? Wala pa naman kami doon nitong si Jessica para bantayan ka." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Mama. Habang si Jessica naman ay nakahalukipkip sa tabi ni Mama.

"Opo Ma! Atsaka po hindi ko basta-basta gagamitin ang ability ko kung hindi naman kinakailangan." Ani ko at memorize ko talaga ang pinaka-importanteng hinahabilin ni Mama sa akin.

Napatawa siya, "Buti alam mo."

Pasakay na sana kami nang biglang may nagsigawan sa loob ng bus na sasakyan namin. Nagpalinga-linga ako at may narinig na sigaw.

"Magnanakaw! Hinablot niya ang bag ko!"

Saktong palabas na ang magnanakaw pero nasa tapat kami ng pinto ng bus kaya malamang ay mabubunggo kami nito.

"Ara watch out!" May pag-aalalang sabi ni Jessica.

Hindi na ako nakalakad pa at tuluyang binunggo ng magnanakaw kaya natumba ako sa lupa nitong terminal ng bus. Napasigaw na rin si Mama at Jessica. Parehas nila akong dinamayan sa pagkakatumba ko.

"Nakung magnanakaw na iyan! Wala bang tatawag ng pulis?" Ani ni Mama at napatakip sa bibig habang tinutulungan akong makatayo.

Tsk! Sinasabi ko na nga ba at mangyayari ito. Kanina pa ako may kutob dahil narinig ko ang usapan ng magnanakaw at kaibigan niya sa telepono. Nagpapanggap lang ako kina Mama dahil ayokong masira ang araw nila, pero nangyari na. How did I found out? Well, I have my ability. Hearing sense.

Nandito kami ngayon sa terminal ng bus dahil ihahatid lang ako nina Mama at Jessica dito. Papasok ako sa Detective School na may kakaiba ring mga tao na may ability kagaya ko. Hindi ko nga lang alam kung anong naghihintay sa akin doon.

Irita akong tumakbo patungo sa direksyon ng magnanakaw. Napasigaw pa sa takot si Mama nang makitang hinabol ko ang magnanakaw. Nang maabutan ko ito ay malakas ko siyang tinadyakan sa likod upang tumalsik siya sa gitna ng kalsada. Rinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid.

"You jerk! At talagang sa publikong lugar mo pa talaga naisipang magnakaw." I am smirking habang tinatapakan ko ang likod nito at hindi siya maka-angat sa lakas ng pagsipa ko sa likod niya. Narinig ko ang pagdating ng mga pulis. Tinatapakan ko pa rin ang likod ng magnanakaw hanggang sa naposasan siya ng mga ito. Dinampot ko ang bag ng babae at nakitang nag-aabang siya sa labas ng terminal.

Kita ko ang pagkamangha sa kaniyang mga mata habang nakatingin siya sa akin. "Mag-iingat ka sa susunod, Miss. Huwag kang magpadala sa kamanhidan mo." Ani ko at iniabot ang bag sa kaniya.

"Sa-Salamat po!" Halos maiyak nitong niyakap ang bag at nagpasalamat sa akin.

Mabilis na lumapit sa akin sina Mama at Jessica. Kita ko pa ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. "Nako! Ano ba 'yan Ara! Bakit bigla-bigla mo na lang hinahabol ng ganon ang mga kriminal. Delikado ang ginawa mong bata ka!" Saway ni Mama at natatawa na lang ako sa kanila ni Jessica na ngayon ay nakaismid.

"Well, kaya ko 'yon ginawa Mama dahil ayokong may madamay na naman na isang tao na katulad ng babaeng 'yon. Ayokong may naaapi sa mundong ito, ayokong may naaagaw sa isang tao, lalo na at kung pinaghirapan nila iyon. So, they should learn from my words and get rid of their damn numbness."

***

Detectives High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon