(Author's Note: Hellooooooooo guyssssss! May bago akong short story, Strawberry Lies yung title. Basahin niyo din ah. Maganda yun promise XD Lakas makaplug eh lels)

Epekto na rin siguro ng beer at sobrang kaantukan kaya nakatulog ako agad. Yung katabi ko naman hindi din natitinag sa pagtulog at mukang hindi rin malikot sa pagtulog. Payapa na sana ang pagtulog ko ng biglang may nararamdaman akong tumutulo sa mukha ko. O______o Teka naulan ba? Pero teka bakit may tulo sa unit ko?!? Anak ng, hindi naman sa rooftop condo ko ah!

O____O

O____________O

TT_________________________TT

X_____________________________________X

Bigla akong naparalyze sa kinahihigaan ko. Nararamdaman ko pa rin ang pagtulo ng tubig sa mukha ko. Hindi ko alam kung hihinga pa ba ako o isasara na ang mga mata ko.

Nakalutang sa ibabaw ko ang isang babaeng may mahabang buhok with matching dripping water pa. Nakaitim siya at solid na solid yung figure niya. Yung mga mata niya ay umiiyak ng dugo at papalapit siya ng papalapit sa kin. Hindi ako makasigaw. Kahit kalabitin si Yela hindi ko magawa. Anong gagawin ko?!?! Papalapit na siya ng papalapit sa mukha kooooooooo TT________________TT

"Huwag kang sisigaw. Mawawala din yan."





Naramdaman ko ang kamay ni Yela na pinantakip niya sa mga mata ko. Nanginginig na ako at nararamdaman ko yung buhok nung babae na nakadapo na sa mukha ko. Matagal tagal din bago inalis ni Yela yung kamay niya sa mga mata ko at binuksan yung lampshade sa tabi. Tinulungan niya kong tumayo at dinala ako sa sala.

"Teka lang, ikukuha lang kita ng kape. Nanginginig ka pa rin kasi."

My Eerie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon