Hindi ko alam kung bakit dahil kakasakay ko pa lang naman hanggang sa magsalita yung isang lalaking maraming tattoo at may hikaw pa sa ilong.

"WALANG GAGALAW!" tapos itinaas nila ang mga kamay nilang lahat, maliban sa akin at sa isang babaeng nakaupo sa tabi ko"May baril ako! BABARILIN KO KAYO!" 

Natakot ako kaya itinaas ko rin ang kamay ko, pero katulad kanina, hindi pa rin nakataas ang kamay nung babaeng katabi ko. Tapos nagsalita siya.

"Natural! may baril ka, babarilin mo kami. Alangan isaksak mo 'yan samin?"

"HAHAHAHHAHA!" tawang-tawa ako sa sinabi nung babaeng katabi ko, at napahawak pa nga ako sa tiyan ko. Oo nga naman! Tanga rin 'tong holdaper na 'to eh.

Habang tawa ako ng tawa, nakita kong nakatingin yung mga kasama naming nakasakay rin sa bus samin at takot na takot pa rin sila. Nawala na yung takot ko dun sa holdaper bigla. Hahahaha"Hoy ano ba, BILISAN MO!" sabay hatak nya sakin. Astig huh!



Tandang-tanda ko ang mukha nung lalaking yun! Dahil bukod sa duwag sya, eh hindi ko naman maikakaila na gwapo nga ang isang 'to! "Ay! Ikaw yung lalaking takot sa holdaper diba? hahahaha! OO IKAW NGA YUN! Drake pala pangalan mo?"

Kumunot naman ang noo niya. Shetmax! ang gwapo! "Anong takot sa holdaper? hinde noh!" napatingin tuloy yung mga taong nasa paligid namin. Nakalimutan ko, nasa gate palang nga lang pala kami. Kung ba't ba kasi ang daming nakaharang na tao!

"Omg! That girl and our prince is magkakilala?"

"Im gonna die!"

"NOOOO! IT CANT BE!"

Nabilga naman ako nang hinatak ako netong si Drake papuntang CR. Oh my gosh!

Pagkarating namin sa CR, bigla kaagad akong sumigaw.

"Kyaaah! RAPE! RAPE!" 

"Hoy ang kapal mo ah! Kahit ikaw na lang natitirang babae sa mundo, wala pa rin akong gagawin sayo!" inirapan ko na lang. Heler! ang ganda ko kaya!

"Sinong sinasabi mong takot sa holdaper, HUH?"

"Edi ikaw! Sino pa ba sa tingin mo?"

"Hoy Miss Wonderwoman, kilala mo ba ang kinakausap mo?"

"At sino naman si Miss Wonderwoman?!" di naman sya nag-react. "Oo kilala kita, ikaw si Drake Evans diba? Yung lalaking sikat dito sa Evangelista University pero takot sa holdaper? DIBA? HAHAHHAHAH!"

"Aba't——"

"Hay. Sinasayang mo ang oras ko. Tabi!" at lumabas na ako ng CR. Syempre kailangan kong magpa-pretty noh! Anong akala nya may gusto ako sa kanya? Hah! Ang angas nya huh! Tignan natin.

"TUMABI NGA KAYO DIYAN!" narinig kong sigaw nya.





—END OF CHAPTER ONE—

He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now