Chapter 24

1.4K 64 5
                                    

📷❕PHOTO BABA❕📷

Double Date 0.1

Nazi's POV

Nanlaki nalang bigla ang mga mata ko sa ginawa ni Angry Bird. H-hindi ako makagalaw na tila na-istatwa ako sa kinatatayuan ko.

Ilang saglit pa ay kumalas na siya pero tulala parin ako. Hindi ako makatingin sa kaniya. Napakapit ako ng mahigpit sa dress na suot ko.

Napatiim ang bagang ko. ANGRY BIRD!!!!

"S-sorry.. H-hindi ko napigila- -" pinutol ko ang sinasabi niya at sinuntok siya balikat dahilan para magulat siya.

"Shemay ka!! Bakit moko hinalikan?! Akala ko ba fake date lang to?! Pero bakit parang tinototoo mo?! Ano? May sapi ka? O abnormal ka lang talagang angry bird ka ha?!?" gigil na sabi ko.

Napakunot nalang ang noo ko ng ngumiti siya at tumawa ng mahina, "Tss.. Tara na nga! ... Lalo ka lang nagiging cute eh.." hinila niya ako at may parang sinabi pa siya sa huli na hindi ko naihtindihan.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"Wala. Sabi ko ang panget mo." nakita ko ulit ang pagngiti nito kahit nasa likod niya ako.

"P-pangit ba ang suot ko?" hindi makatinging sabi ko sa kaniya.

"Wag mo ng itanong dahil alam kong alam mo na kung anong sagot." sambit niya. Napanguso ako.

Edi panget nga? *pout*

"Maglalakad lang tayo?!" kunot noo at nakataas ang isa kong kilay ng sabihin iyon ng makalabas kami ng gate at makita kong wala siyang dalang sasakyan.

"What if I say yes?" sarkastikong sabi niya.

Napatingin ako sa buo kong katawan. Napanguso ulit ako sa iniisip ko.

Maglalakad lang kami ng ganito ang suot ko? What the sheems- -!

"Ano ko tangang katulad mo? Siyempre may dala akong sasakyan noh! Ayun!" itinuro niya ang sasakyan na ikinasunod ng tingin ko.

Namilog ang mga mata ko sa ganda no'n. Isang simpleng kotse pero may dating.

"Hindi bagay ang katulad mo para maglakad, tss.." sambit niya na hindi ko naintindihan. Hinila niya ulit ako.

"Anong sabi mo? Wag mong sabihing wala dahil narinig ko yun kaso nga lang hindi ko naintindihan, hehe!" sambit ko.

"Tss. Wag ka ng madaming dada, okay? Basta yung plano ha? Umayos ka!" sambit nito.

"Yes, boss angry bird!" sumaludo pa ako kahit na kaladkad kaladkad niya ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Doon ako naupo sa tabi niya. Magsi-seatbelt na sana ako ng pangunahan niya. Napasandal ako sa upuan at napalunok. Napasinghot rin ako dahil sa naamoy ko. Ang bango niya.

"Umayos ka nga!" tinapik niya ako sa noo na ikinapikit ko. Hinimas ko naman iyon.

"Ang saket ha!" sinamaan ko siya ng tingin.

"I don't care!" sumbat nito. Nanlaki ang ilong ko sa sagot niya at nagsalubong ang mga kilay.

"Then fine! Ayoko na!" tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko na ikinabit niya ng pigilan niya ako gamit ang paghawak niya sa kamay ko.

"It's a deal, stealer." seryosong sabi niya.

"Hmp! Ewan ko sayo!" humalukipkip ako. Sinusi na niya ang kotse para paandarin.

"Medyo malayo ang venue kasi naman ang layo ng bahay niyo." sabi niya. Hindi ko siya pinansin.

"Lola mo lang ba ang kasama mo don?" tanong naman niya. Hindi ko siya ulit pinansin at nanatiling sa bintana ako nakatingin at nakahalukipkip.

"Galit ka?"

"Hinde!" agad na sagot ko. Napatawa niya.

Nakita ko rin ang mga ilaw sa labas. Ang gaganda nilang tignan lalo na't ngayong gabi na.

"Malapit na tayo, stealer.." sambit niya.

Stealer! Puro nalang stealer! Eh siya rin naman nang-agaw ng halik! Tss. Abnormal ka angry bird! -,-

Someone's POV

"Babe, where are they?" tanong ni Babe sa akin.

Napatingin rin ako sa labas at sa relo ko. Late na sila ng 2 minutes. Sabi niya kasi dito raw kami magkikita kita.

"Just wait, Babe. I think malapit na sila." sabi ko na ikinatango niya.

Bakit ba kasi ako pumayag sa imbita niya? Pero, okay lang naman para makapag paalam na rin ako sa kaniya. Im so sorry for him... Really..

"Ma'am, Sir.. Can I have your order?" tanong ng isang waitress. I sighed.

"Can you please wait a little bit? We're just waiting for them. Please?" she shook her head as an answer.

"Yes, Ma'am. Call me if you have already an order." tumango nalang ako at saka siya umalis.

Gosh! Why are their so late?!

"Ang tagal naman nil- -" naputol ang sinasabi ni Babe ng makita kong nagbukas ang pinto di kalayuan. May tunog kasi iyon kapag magbubukas.

Then I saw him.. But wait.. Who's that girl?

I caught his hand holding to that girl hand. HHWW huh? What the he- -

"Sorry we're late." nakangiting sabi niya.

"It's okay." si Babe ang sumagot.

Katabi ko si Babe at nasa harap naman namin sila. Wow, this is the first time I attend a double date.

I stared the girl who's beside him. She's beautiful but I'm the perfect, ofcourse! Her dress is blue.. But mine is red. I think my dress is also beautiful than her, tss.

Pinagpalit niya agad ako sa isang tulad niya? It's so cheap.

Si Dwight ang kaharap ko at kaharap naman ni Zierre si... I don't know her name.

"Meet Nazi.. My girlfriend." nakangiting sabi ni Dwight.

Wait, what?! Girlfriend?!




















Siya si ELLA MAE PEREZ... Ayos ba? Ahihihi! [Krystal Jung]

 Ayos ba? Ahihihi! [Krystal Jung]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When I Kiss A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon