Chapter 7

1.6K 91 7
                                    

The cold guy

Chapter 7

"Bumalik ka na dun! Kaya ko naman dito mag-isa eh." hindi makatinging sabi ko sa kaniya. Talaga bang nag aalala yung angry bird na yon? Tss. Assuming!

"What if I dont?"

"Edi okay! Pag natapos ako dito sabihin mo sa angry bird na yun tapos na ang kaso ko sa kaniya ha! Bwiset naman kasi ih!" Napapadyak ako sa inis.

"Wag ka ng dumada pa at bilisan mo nalang, miss." sabi nito.

Hindi ko siya pinansin. Ayoko. Ginugulo nila buhay ko! Aisht! Ang gulo na nga eh!

Nang matapos ako sa paglilinis, nakakain pako ng ilang minuto bago magawa iyon. At hindi nga ako iniwan ng Josh na 'to. Para siyang yelo. Ang cold cold niya tss.

"Tapos na ok? Pwede mo napo akong iwan." Sabi ko dito habang inaayos ang lamesa.

"Hindi ako aalis hanggat hindi ka lumalabas." sabi ulit nito.

Ang kulit ng lahi neto ba! Ang sarap ingudngod dito sa naipon kong alikabok!

"Ha-ha-achu!" napahatching nalang ako ng wala sa oras. Waaah! Kainis naman eh! Pisting alikabok yan!

"Ayos ka lang?!" napatingin ako sa kaniya ng mabilis agad siyang nakalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa dalawa kong balikat habang nasa tagiliran ko siya.

Ako naman ay pinupunasan ang ilong ko dahil sa mabantot na alikabok na aking nasinghot! Pwe!

"A-a-ayos lang ak- - hachu!!" napabahing na naman ako.

"Eto kasi gamitin mo wag yang madumi mong kamay!" inabot niya ang panyo niya na t initigan ko lang.

"Ayaw mo? Oh edi ako nalang ang magpupunas. Tss, arte mo miss." magsasalita na sana ako ng bigla niyang pinunasan ang ilong ko at dinamay narin ang pisngi ko. Siguro ay sa sobrang dumi ko na.

Nakatingin lang ako sa maputi niyang mukha. Gwapo rin pala siya.. Ngayon ko lang napansin. Mabait naman pala to, dinadaan pa sa payelo yelo, tss.

"Oh ayan, edi nagmuka kang tao. Bilisan mo na at umalis na tayo dito!" Sigaw niya pero hindi galit.

"T-thank you.." nahihiya kong sabi.Ang bait mo po kuya! Ahihihihi!

Hindi niya ako pinansin dahil nanatili lang itong nakatalikod at patuloy sa paglakad palabas ng pinto.

Mabilis ko ng inayos ang mga naiwan kong nakatabinging lamesa at mga bangko. Ilang saglit pa ay natapos na ako.

"Tagal mo!" Sigaw nito at naunang naglakad. Ay ganon? Kung tinulungan mo kaya ako edi sana mabilis akong natapos, tss. -__-

*phone ringing*

Agad kong inapa ang bulsa ng palda ko at kinuha ang cellphone ko ng magring iyon.

"Hello?" Pagbungad ko.

(Nasan ka?! /Nazi! Saan ka dinala ni princ- -/ Nazi pupuntahan ka namin! Nasan ka ba?!) Sunod sunod na tanong ng tatlo kong kaibigan.

"Papunta narin ako sa campus.." sagot ko. Napalingon nalang ako kung ano nga bang lugar ang nilinis ko.

[Yuki's Restaurant]

What?! Restaurant yon?! Infairness huh.. Baka ipamana na sa akin yan ni angry bird dahil sa akin niya ipinalinis. Haha! Charot!

(Sige sige! Bilisan mo ha!) At saka na ito pinatay. Si Cloe ang tumawag.

"Tapos ka na?" napatingin ako sa nagsalit ang si Josh. Nakahalukipkip na naman ito sa harapan ko.

"Bakla ka ba?" wala sa sariling tanong ko.

"What?!"

"Lagi ka kasing naka-cross arm. Pambabae lang kaya yan! Dinaig mo pa ko bess! Hahaha!" Pagbibiro ko pero nagsalubong lang ang mga kilay niya.

"Masaya ka na niyan? Tss." Umirap ito at naglakad na ulit. Aba! Nang iirap si bess! Kagulat yon! Hahahha! Charot!

Natigilan ako sa paglalakad ng bigla kong makita si Angry bird. Magkasalubong na naman ang mga kilay niya. Pero hindi sa akin nakatingin at kay bes- - Josh pala. Hihi!

Lumapit ito kay Josh at tila nag usap. Hindi ko marinig dahil malayo na ang agwat sa akin ni Josh. Ang bilis kasing maglakad! Sabagay, malaki kasi bias ng mga lalaki.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng makita kong sa akin naman papunta ng direksyon si Angry bird.

"Bakit ang tagal mo?!" nakahiyaw at magkasalubong na mga kilay na sabi nito.

"Aba aba aba! Kung ikaw kaya ang paglinisin ko ng buong restaurant?! Ano? Mabibilisan ka? Kapal mo naman,angry bird para sabihin niyan! Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung okay lang ako? Sobrang pagod kaya ako! Tignan mo oh! Ang dumi dumi na ng uniform ko! Ilang subjects na rin ang nalaktawan ko dahil sa utos mo! So ayan! Nagawa mo na.. Siguro naman palalayain mo na ako? Angry... Bird?" nakapamaywang na saad ko. Tumaas pa ang isang kilay ko sa huli kong sinabi.

"No. Your not done yet."

Ano?!  

When I Kiss A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon