"Ayokong masaktan ka! Ayokong umasa ka, Seth."

"Pain is part of our lives, Ry. Kung m-mawala ka man, I'll still be thankful if you'll be gone in my arms. I wanted to be with you until the end. Papahalagahan ko ang bawat segundo..." Hinalikan ko si Rykki sa noo kasabay nang pagtulo ng mga luha ko. Hirap sabihin ang mga susunod na kataga na hindi magawang tanggapin ng puso ko. "...minuto, oras at ang mga natitirang araw na kasama ka."

"DAD?"

Mula sa paghaplos sa pisngi ni Rykki na nahihimbing na ay nabaling ang atensyon ko sa anak kong nasa sofa at hindi ko namalayang nagising na pala.
Pilit ang ngiti na lumapit ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. Hindi maiwasang makaramdam ng awa para sa anak kong sinisisi pa rin ang sarili niya sa nangyari kay Rykki. Hindi rin naalis sa isipan ko ang gulat niyang ekspresyon nang maibalik ko si Rykki na tila hindi magawang kontrolin ang emosyon at nagpatuloy sa pag-iyak na kung hindi pa tinurukan ng sedatives ay hindi kakalma.

"What is it, princess?"

"May problema ba ang Mommy?"

Hindi ako nakapagsalita at hindi magawang sagutin ang tanong niya.

"I was a kid then halos hindi ko na maalala ang nangyari noon but this is the first time that I saw her like that."

Inakbayan ko si Sera at hinaplos ang buhok niya.

Not now, Sera...

"She's stressed, probably because of her injuries but she'll be fine."

"H-Hindi sana maaaksidente ang Mommy kung hindi dahil sa akin."

Kumunot ang noo kong ipinaling ang ulo niya sa akin. "It's not your fault. Kung merong dapat sisihin dito, ako 'yon."

"Dad...ano bang mali kay Mommy? Bakit ayaw sa kanya nila Lola? B-Bakit si Tita Divine ang gusto mo at hindi siya?" nangingilid ang luhang magkakasunod niyang tanong sa akin.

Umiling ako. "Walang mali sa Mommy mo, Sera. Kami ang merong mali..." Binalingan ko nang tingin si Rykki na payapa pa ring natutulog. "Maling hindi ko nakita ang mga pagkukulang ko. Pero heto lang ang masasabi ko anak, you're right that at one point I did like Divine but your mom will forever be my love. Walang kahit sino ang makakahigit sa pagmamahal na meron ako sa Mommy mo."

"Dad...w-what do you mean?"

Ngumiti ako at binalik ang tingin sa anak kong tila nagulat sa sinabi ko. "I'm starting to pursue your Mom again. I want her back in my life. I want her to be with us again."

"A-Alam ba ni Mommy?"

Tumango ako at napasinghap si Sera na napahawak pa sa bibig niya. "A-Anong sabi niya?"

Ngumiti lang ako at ginulo ang buhok ni Sera.

Impit na tumili si Sera at niyakap ako. "Dad, promise me this time hindi na kayo maghihiwalay."

"I promise, Sera."

NAGISING ako sa paghaplos sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mga mata ay bumungad sa akin si Rykki na ngumiti. Ang mga mata niya ay naniningkit sa pamamaga.

Babangon na sana ako nang sumubsob si Rykki sa dibdib ko at itinapat ang tenga niya sa dibdib ko.

As she lay her head on my chest, I felt how my heart started beating fast.

"Ry..."

"Have I ever told you before?"

"What?"

Tumingala siya at ipinatong ang kamay niya sa dibdib ko.

"I love hearing your heart beat before...gustong-gusto kong nararamdaman ang pagpintig ng puso mo."

"Why?" anas ko sabay haplos sa pisngi niya.

"Your heartbeat makes me feel wanted, safe and warm...and it's been so long since I've heard it that I almost forgot those feelings."

"What about now? Ganoon pa rin ba?"

Inabot ni Rykki ang kamay kong nasa pisngi niya at itinapat sa dibdib niya. Doon ko naramdaman ang malakas na pagpintig ng puso niya.

"Nakapagdesisyon na ako, Seth..."

Napalunok ako at nakaramdam ng kaba sa susunod niyang sasabihin.

"About what?"

"About us..."

"I don't want to be unfair to you, Seth..."

Bumangon ako at umiling sa kanya. "Rykki, w-what do you mean?"

"Ayokong maging unfair at maging makasarili para hayaan kang manatili sa tabi ko gayong walang kasiguraduhang hindi ako mawawala. Ayokong pahirapan ka sa pag-aalaga sa akin—"

"Huwag mo nang ituloy!"

"P-Pero patawarin mo ko kung hindi ko 'yon magagawa. G-Gusto kong sa huling pagpikit ng mga mata ko ikaw ang kasama ko. Patawarin mo ko kung magiging makasarili ako...I wanted to be with you Seth even if tomorrow is all I have. I wanted to spend my last days with you and Sera."

Kasabay nang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko ang pagtungo ni Rykki at pagdampi ng labi niya sa labi ko.

Please, handa akong isuko ang lahat huwag lang Ninyo siya kunin sa akin...

TBC

Her Last Days (COMPLETED)Where stories live. Discover now