Day 11

2.4K 80 5
                                    

 DAY ELEVEN

I WOKE UP feeling like my head is going to break in two. Napahawak ako roon at paulit-ulit na huminga nang malalim. Pero maging ang mga kamay ko ay hindi nakisama. Nanginig ang mga iyon at halos mabaliw ako dahil hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin.

Kumawala ang mga luha ko umaasang mapawi non ang sakit na bumabalot sa akin. I screamed so loud while hysterically crying asking for help.

Bumukas ang pinto at sa nanlalabong paningin ko ay nakita kong humahangos na pumasok ang doktor ko. Kinakabahan ako dahil baka bumalik na ang anak ko at si Seth.

Mabibilis ang kilos niya na inutusan ang nurse. Hindi na malinaw sa pandinig ko ang sinasabi niya. Pero ang malinaw sa isip ko ay hindi ako pwedeng makita ni Sera na ganito. .

"T-They can't see me like this...p-please..." nanginginig pa rin ang mga kamay kong hinawakan siya.

Tumango siya at narinig ko ang pag-utos niya sa Nurse na isara ang pinto at huwag magpapasok.
Naramdaman ko ang pagturok nila sa akin. Sa ikalawang turok ay unti-unting nawala ang sakit hanggang sa unti-unting kumalma ang mga kamay ko. Pero kahit nawala na ang panginginig ng mga 'yon bumuhos pa rin ang luha ko. So this is what it feels like.

Death is really coming to me. But why does it have to be like this?

"Are you okay now, Rykki?"

"Gaano kadalas a-akong magkakaganito?"

He looks at me like he doesn't know what to say. Isa-isang lumabas ang mga nurse at nang makitang wala pa rin sila Sera kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag.

"It will happen often, the tumor is growing Rykki, that's the reason why you had that headache and shaking hands..."

"What will happen next?"

"Soon, you'll have seizures..."

Napalunok ako at pinagmasdan ang kamay ko. "Is t-that the worst?"

Huminga siya nang malalim at mapait akong napangiti nang mapagtanto na hindi pa iyon ang worst na mararanasan ko. "In worst cases, you'll lose your memory and eyesight."

Sa narinig ay muling tumulo ang mga luha ko. "Then why bother having that chemotherapy? You c-can't save me right? I'll still die. You'll just prolong the pain. I can't even have an operation..."

Hinawakan niya ang kamay ko at kahit hindi komportable ay hindi ko magawang hilahin iyon. "I'm a doctor but not a God. I can't say that I can save you because I'm not sure if I can.  Pero gugustuhin mo bang matapos na lang ang lahat nang hindi lumalaban?"

"Para saan pa?"

"Para kay Sera. Ilang buwan o pwedeng taon ang maidudugtong mo sa buhay mo kung lalaban ka, Rykki. Hindi mo ba gugustuhing makasama nang mas matagal ang anak mo?"

"Pero unti-unti akong mauubos sa harap niya. She'll suffer because she'll lose me little by little. I'm scared, Doc. I don't want her to be in pain. I don't want her to suffer because of me...A-Ayokong magaya siya sa akin."

Umiling siya. "Don't think that way, Rykki. She will get hurt because she loves you but you'll break her heart more if you easily give up because of her. Hindi mo maitatago ang bagay na ito sa kanya Rykki. She's your daughter at may karapatan siyang malaman 'to."
Tumayo siya at tinapik ang balikat ko. "I'll cancel your therapy later. I'm afraid it will be hard for you if we continue today. If you decide to push through, go back here on Saturday. I'll discharge you tomorrow. Tataasan ko rin ang dosage ng gamot mo so make sure to eat well. Pilitin mo kahit mahirap Rykki."

Tumango ako. "Thank you, Doc..."

Nang maiwan akong mag-isa ay pinagmasdan ko ang kamay kong nanginig kanina. Hindi mawala sa isip ko ang naramdaman ko kanina. Ang pakiramdam na nawalan ako ng kontrol sa sarili kong katawan. Ang pananakit ng ulo ko na pakiramdam ko mababaliw ako sa sakit.

Napaiyak ako sa takot na baka dumating ang araw na makita ako ni Sera na ganoon. Just imagining how painful it will be for my daughter makes me wanted to just die, right now. Iyong pakiramdam na gusto ko na lang maglahong parang bula ngayon. 

I wanted to fight for her...pero gusto ko ring mawala na lang para sa kanya sa takot na masaktan ko siya kapag nakita niya ang magiging paghihirap ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko nang bumukas ang pinto. Paglingon ko ay may umalon na kaba sa puso ko nang makita ang mukha ni Sera.

"Serafina..." nag-aalalang tawag ko sa kanya nang makita ang pamumula ng mga mata niya. 

"Mommy!" 

Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. "Anong nangyari?" 

"Sorry, m-my," tugon niya sa tanong ko at kumawala sa pagkakayapos sa akin. Nang tuluyang tumulo ang mga luha sa mga mata niya ay inalon ng kaba ang puso ko sa dahilan nang ipinagkakaganoon niya.

"P-para saan, baby?"

Lumunok siya na tila hindi alam kung sasabihin sa akin ang problema. "Sera," tawag ko sa kanya nang lumipas ang ilang segundong nakatitig siya sa akin.

"Ano bang problema?"

"Dad found out...about my little brother, Austin.”

Pakiramdam ko ay may sumuntok sa dibdib ko sa sinabi ni Serafina.

Indeed, walang sekretong hindi naibubunyag. It’s been five years. I guess it’s time for him to know about the existence of our little angel.

“Are you angry, Mommy?”

Ngumiti ako at hinaplos ang buhok ni Sera. “No. Austin deserved to know your Dad, don’t you think so?”

“I-I told him where he is, Mommy…”

Hindi na ako nagsalita at niyakap na lang si Sera.
 
Kinabukasan…
 
“MOMMY, okay lang kaya ang Daddy?” bakas ang pag-aalala sa mga mata ng anak ko habang nananghalian kaming dalawa.

Early in the morning, I was discharged from the hospital. Walang Seth na sumulpot. Tanging ang sekretarya niya ang nagpunta para bayaran ang bills ko at ang driver niya para ihatid kami sa bahay.

Katulad ni Sera ay hindi rin maalis ang pag-aalala sa akin para sa dati kong asawa. We’ve been apart for too long, but it doesn’t change the fact that I still know things about Seth. He may seem cold and arrogant but I know how heartbreaking for him finding out about our son, Austin.

“Do you want me to find him?” untag ko kay Sera na natigilan sa pagtitig sa pagkain niyang ni hindi man lang nababawasan.

“But you just got discharged, okay ka na ba, My?”

“I wouldn’t be here if I’m not. Just eat your lunch and do your assignments. Ako nang bahala sa Daddy mo.”
Katulad nang sinabi ko kay Sera ay nang matapos kaming mananghalian ay umalis ako para puntahan si Seth sa lugar na kinahihinalaan kong pinaglagian niya simula kahapon.

Hindi nga ako nagkamali nang makarating ako sa sementeryong pinaglagakan ko ng labi ni Austin five years ago. Sa harap ng puntod ng anak ko ay nandoon si Seth.

Dahan-dahan ang paglakad ko patungo sa kanya. Suot niya pa rin ang damit niya kahapon. Huminto ako sa tabi niya at lumipas ang ilang segundo bago niya ako tingalain.

Pakiramdam ko may pumiga sa puso ko habang pinagmamasdan ang namamagang mata ni Seth.

“W-Why didn’t you tell me?” pumiyok pang tanong niya at pinangiliran na ako ng luha nang makita ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.

“S-Sorry…”

“I should be the one to say sorry, w-what did I do to you, Rykki? Tell me…ano pang hindi ko alam na naging paghihirap mo?”

Napasinghap ako nang mula sa pagkakaupo ay lumuhod siya at hinawakan ang mga kamay ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak nang humahagulgol siya at humigpit ang kapit sa mga kamay ko partikular sa pulsuhan kong natatakpan man ng relo ay alam kong nakita niya na ang peklat ko doon.

“Ry, what happened to us?”

TBC

Her Last Days (COMPLETED)Where stories live. Discover now