Chapter Nineteen

10.9K 149 6
                                    

Dear S_K_A_R

I was 19 when I first wrote to you. It was when the love of my young life dumped me. Noong time na umiyak ako nang todo sa kwarto ko. Hindi ako lumabas. Wala rin akong ganang kumain.

Humingi ako ng advice sa'yo at ang sabi mo, "Mawalak ang dagat. Maraming mas sariwang isda. Bakit hindi mo subukang manghuli ng iba?" Pero kinontra kita. Kasi nga gusto ko nga s'ya. Pero dinugtungan mo ang sabi mo nang. "All things happen for a reason. Makikita mo rin ang taong nakalaan para sa'yo. Si tadhana ang mismong magdadala sa'yo. Ang nangyari sa'yo ay first step para ihanda ka sa araw na iyon. Kailangang prepared ka na kapag dumating na s'ya. 'Yong tipong handa ang puso mo. Because he will offer you one great love that a true heart like yours deserves. Kung nasaktan ka man, hayaan mo lang. Lilipas din 'yan. Wala pa naman akong nababalitaan na na-deads dahil lang sa kaiiyak. At kapag nangyaring masaya ka na dahil natagpuan mo na s'ya, you'll look back on the past and just laugh."

Skar, sinunod ko ang payo mo. I endured the pain. Pero hindi ako nagtanim ng galit. Nag-look forward pa rin ako na makikita ko si Mr. Right. Sabi mo nga, ipag-pray ko ang pagdating n'ya. And he did! He came and conquered my heart. I get it now. Kaya attached with my letter is my wedding invitation for you. Sana, sana lang, makapunta ka. Gusto kong ma-witness mo ang pinakamaligayang araw ng buhay pag-ibig ko. Maraming salamat. At sana ay tulad ko rin, kasama mo ngayon ang kaligayahan mo.

Grateful to you,

Lily Dreamland

Napangiti si Margaux matapos basahin ang sulat na galing sa isang fan ni Skar. Natuwa siya dahil hindi love problem ang naidulog sa kanya. She thanked her for a happy love story ending. It really made her day. Nagbunga ang halos dalawang taong pagpapayo niya sa mga nangangailangan ng kaibigan pagdating sa pag-ibig. Though she doubted the invitation issue. Hindi siya makakarating. Alam niyang alam iyon ng sender niya. Sadya lang masaya ito kaya isinama siya nito sa listahan ng bisita nito. Kaya masayang-masaya siya.

Napapabuntong-hininga siyang sumandal sa couch. Kasalukuyan siyang nasa favorite restaurant niya sa mismong paborito niyang pwesto. Inabot niya ang paborito niyang espresso machiatto saka hinigop iyon. Halos araw-araw siyang naroon sa naturang restaurant. Madalas ay doon siya nagbubukas ng blog niya o kaya'y nagbabasa ng mga sulat para kay Skar. May free wifi naman.

Napatingin siya sa pocketbook sa tabi ng netbook niya. Kasalukuyan niya iyong binabasa bilang pampalipas oras. Kung minsan kasi ay parang nade-drain ang utak niya kapag aabutan na siya ng deadline para sa article niya. Bukod pa sa demanding na trabaho sa ad agency ng daddy niya bilang intern. Balak kasi niyang maging copywriter.

Inabot niya ang libro. Binuklat niya iyon kung saan naipit ang bookmark niya. Nangangalahati na siya sa pagbabasa.

Kinuha niya ang bookmark saka pinagmasdan. Nawala na ang dating kulay pula nitong hitsura dahil naging brown na. Natuyo na kasi ang bulaklak niya. Inis-pray-an lang niya iyon ng stain paint upang tumigas at hindi tuluyang malagas.

"Isang taon na rin." Saad niya na animo'y ang natuyong bulaklak ang kausap. "Kumusta na kaya s'ya?"

Umangat ang tingin niya mula sa bulaklak at tumanaw sa labas ng restaurant. Tulad ng madalas mangyari, naisip na naman niya si Jaiden. Matagal na ring wala siyang balita simula nang umalis ito ng bansa patungo sa New York.

Geoff had made a decision. Pinakinggan nito ang pakiusap niya kaya inilayo nga nito si Jaiden. Marahil naintindihan nito ang totoong hangarin niya nang kausapin niya ito. Alam nitong kailangan niyang ayusin ang kanyang sarili. Na kung nanatili sa tabi niya si Jaiden ay patuloy niyang tatakasan ang katotohanan. Lalo lamang siyang lulubog at marahil ay nadamay pa ang binata.

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon