Chapter Three.1

10K 193 2
                                    

Nasa library si Margaux noong araw na iyon upang ibalik ang nariham niyang libro. Balak din niyang tumambay muna dahil mahaba pa ang bakanteng oras niya. Broken schedule kasi siya sa kasalukuyan. May advanced subject siya pero may mga binabalikan din.

Nang maibalik ang libro ay saka siya nagpasyang humanap ng bagong libro. Sa history section siya nagpasyang maghanap. Kailangan niya ng masusing research dahil period ang setting ng kasalukuyan niyang project.

Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang bawat librong nakahanay. Spanish colonial period ang napupusuan niyang panahon. Maraming mahahalagang pangyayari ang naganap sa panahong nasakop ang bansang Pilipinas. Maraming tao ang nakilala at maraming lugar ang naging makasaysayan.

Nang makapili ay kinuha niya mula sa shelf ang may kakapalang libro saka binuklat iyon. Hanggang sa mauwi siya sa pagbabasa.

"Hi."

"Whoa!" Muntik na niyang nabitawan ang hawak na libro dahil sa pagsigaw niya. Talagang nagulat siya. Kasunod noon ay ang palitaw ng librarian at sinaway siya.

"Sorry po." Aniya sa librarian. Saka isang nagbabantang tingin ang ipinukol ng librarian sa kanya bago umalis.

Nilingon si Jaiden. Naulit na naman. Hindi na naman niya maintindihan ang biglang pag-iiba ang tibok ng puso niya. Naroon na naman ito sa harap niya at nakangiti. Mabilis niyang pinalis ang kakaibang pakiramdam.

"I'm sorry. Hindi ko akalain na magugulat ka." Sabi ng binata. Hindi siya sumagot. Walang salita niyang ibinalik ang libro sa shelf at tinalikuran si Jaiden. Wala siyang panahong makipag-usap dito.

"Wait." Narinig niyang pagpigil sa kanya ni Jaiden at sinabayan pa iyon ng paghawak nito sa braso niya. Mabilis naman gumana ang reflexes niya at binawi ang sariling braso. Hindi nasisiyahan niyang nilingon ito.

"Ano bang kailangan mo?" mahina ngunit puno ng diin at inis niyang tanong. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Dahil sa paghawak ni Jaiden sa kanya ay may kakaibang init na gumapang sa kanya. At hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.

Mula sa bulsa ng binata ay nakita niyang umangat ang kamay nito sa harap niya. Muli siyang nagulat.

"Ibabalik ko lang 'to." Sabi nito habang hawak ang gum eraser niya. Kumunot ang noo niya ngunit kinuha pa rin ang pambura. Muli niyang tinalikuran ang binata.

"Sandali lang."

"Ano ba-" pigil na pigil na mapasigaw siyang muling humarap dito. Naiirita na siya talaga. Ano bang nasa isip nito ay panay ang kulit sa kanya?

"Shhh." Hindi naman apektadong saway pa nito sa kanya. Nasa may labi pa ang hintuturo nito. Marahas siyang nagbuntong-hininga. Saka ito tiningnan nang hindi maganda.

"I just want to say hi. Masyado ka namang masungit." Sabi nito.

"Nag-hi ka na kanina." Walang ngiti niyang sagot.

"Yeah." Anito. "Itatanong ko lang din sana kung may nagawa ka na do'n sa take home plate natin kay Mr. Perello. Magpapatulong sana ako eh."

"Hindi ako helper." Agap niya at muling tumalikod. Nang maramdaman niya ang pagsunod ni Jaiden ay kaagad siyang humarap pabalik.

"Wag ka nang sumunod, pwede? 'Wag mo na rin ako tatawagin." Sabi niya at dinuro pa ito. Hindi naman ito tumugon at tila hindi nagustuhan ang sinabi niya.

Tumalikod na naman siya. Humakbang siya palayo kay Jaiden ngunit naramdaman niya ang pagsunod nito.

Pumikit si Margaux. Saka nag-inhale exhale. Talagang sinasagad ni Jaiden ang pasensya niya. Pilit naman niyang iniiwasan ang mga ganoong tagpo na may lalaking lalapit sa kanya para lamang makipag-flirt sa kanya. Dahil ganoon ang tingin ng lahat sa kanya. Na parang nabuhay lang siya upang tratuhing mababang uri. That she was like every man's girl.

'Maybe this model wants some flirt.' Anang isip niya. Isang ideya ang naisip niya. Ibibigay niya ang hinihingi ni Jaiden.

"Tara." Sabi niya kay Jaiden nang muli itong lingunin.

Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo ng binata. "Huh? Saan?"

But she never answered. Naglakad lang siya sa gilid ng library. Alam niyang nakasunod ito sa kanya. Tiyak na curious si Jaiden sa sinabi niyang 'tara' kaya susunod at susunod ito sa kanya.

Narating nila ang pinakadulong shelf ng library kung saan naroon ang mga dissertation at thesis. Madalang ang mga estudyante doon dahil may kadiliman na sa parteng iyon ng library.

At bago pa man makapagtanong si Jaiden ay hinagip na niya ang kwelyo ng polo nito nang humarap siya. Mabilis niyang naisandal si Jaiden sa pader at walang abisong lumapat ang labi niya sa labi nito.

She felt Jaiden was stoned. Kitang-kita niyang ang panlalaki ng mga mata nito dahil sa kapangahasan niya. Alam niyang hindi nito inasahan ang ginawa niya. Kahit naman siya. Hindi niya napagplanuhan ang aksyon niya. Sadya lang nabwisit na siya kay Jaiden dahil sa pangungulit nito.

Hindi inasahan ni Margaux na maaapektuhan siya ng halik na iyon. It was supposed to be a punishment. Na hindi niya isasara ang mga mata para lamang namnamin ang nalasap na tamis ng halik na iyon. Ngunit kaagad na umahon ang ibang klaseng init sa kanya. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang paghapit ni Jaiden sa kanya. Bigla siyang kinabahan.

Naramdaman niya ang paggalaw ng labi ni Jaiden. She tasted his breath as he invaded inside her mouth. Kusa na lang kasing bumuka ang labi niya upang hayaan ang pagtugon na iyon.

She felt his hand rubbed her back. Niyakap na siya ng binata. Hindi niya mapaglabanan ang sensasyong biglang bumalot sa kanya. Dapat ay sandaling halik lamang iyon. Ngunit tila tumakbo na ng ilang segundong magkahinang ang kanilang mga labi.

Ramdam na ramdam ni Margaux ang lambot ng labi ni Jaiden. It was as if she was nibbling a softness. At tila lalo pang dinagdagan ng hiningang umalapas mula sa binata. Bumilis ang tibok ng puso niya.

Tila may sariling pag-iisip ang mga labi nila dahil kusang naglayo ang mga iyon. Nanatili siyang nakapikit at ramdam niya ang tila pamamanhid ang labi niya. She was barely inhaling his breath. Alam niyang hindi pa ito lubusang lumalayo sa kanya.

Saka niya naramdaman ang paghaplos sa kanyang pisngi. Noon siya napamulat. At sa pagbukas ng kanyang mga mata ay nakita niyang nakatitig na pala si Jaiden sa kanya. His strangely pretty eyes were like licking her stare. Na lalong nagpailang sa kanya ngunit hindi naman magawang kumilos ng katawan niya. But she has to. Pinagana niya ang isang nerve ng utak niya at ginising siya. Saka marahas na itinulak ang binata.

She forced herself to went blank. Wala dapat mahalata si Jaiden sa kanya. Ito ang dapat na naapektuhan at hindi siya.

"S-Siguro naman titigilan mo na 'ko." Pilit itinitago ang panginginig ng tinig niyang saad. She was breathing harshly.

Sinamantal niya ang pagkatulala ni Jaiden at tumalikod pagkabuga niya ng hangin. Hindi niya kayang tagalan ang pagtitig sa binata. Kailangan niyang makalayo. Hindi niya gusto ang biglang naramdaman. Kaya lakad-takbo siyang lumabas ng library. Dahil tila biglang nataranta ang puso niya.

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon