Chapter Eleven

8.3K 134 2
                                    

Naramdaman ni Margaux ang mga palad ni Jaiden sa kanyang mukha. Iniangat nito ang kanyang mukha. Umiiyak pa rin siya. Her pain was like an avalanche. Tila bagyong bumulusok ang lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay. Muling nanumbalik ang sakit. Isang taon na niyang dinadala iyon kanyang dibdib. Pilit niyang kinakayang mag-isa.

"Tapos na ang lahat. Wala na si Paul. He doesn't deserve your tears." Sabi ni Jaiden. Pinahid nito ang luha niya. "Tama na. 'Wag mo nang pagurin ang sarili mo. Maging masaya ka naman."

She said nothing. Tinitigan lamang niya ang malamlam na mga mata ni Jaiden. Hinawakan niya ang kamay nitong hawak siya. Saka dahan-dahan iyon inilayo sa mukha niya. Huminga siya ng malalim. It was as if her breathing went short.

"Ano ba 'yan? Birthday mo 'tapos nagdrama ako. Sorry." Sabi niya na pilit ngumiti. Pinahid niya ang kanyang luha.

"Gamitin mo 'to." Ani Jaiden at iniabot ang sarili nitog panyo. Tahimik niyang tinanggap iyon.

"Sorry talaga." Aniya habang pinapahid ang luha. Nilingon niya si Jaiden. Tiim itong nakatingin din sa kanya. Napabuntong-hininga siya saka isinandal ang ulo sa sofa.

Naramdaman ni Margaux ang pagdikit ni Jaiden. Pareho silang kibo. Naroon lamang siya at tahimik nang umiiyak habang tila pinakikinggan lamang nito kung huhupa ang sakit sa kanya.

Hanggang sa tila may sariling isip ang kanyang katawan at kumilos. Ipinilig niya ang ulo sa balikat ni Jaiden. Saka nagiginhawang pumikit.

"Bata pa lang kami ni Kuya nang iwan kami nina Mommy. Iyon ang pinakamasakit na araw sa buhay namin." Sabi ni Jaiden matapos ang ilang sandaling tahimik sila. "Mula noon, si Kuya na ang nag-alaga sa'kin. Alam ko na hindi madali para kay Kuya ang ginagawa n'ya. Tumigil s'ya ng pag-aaral para magtrabaho. Para masuportahan ako. Tinupad niya ang pangako niya kina Mommy na hindi n'ya ako pababayaan. Kahit na nasa ibang bansa s'ya hindi s'ya nagkukulang sa'kin. He always checks on me. Sinisiguro ang lahat ng kailangan ko. That's why I love him so much."

"Masuwerte ka." Sabi niya.

Kumilos si Jaiden at iniangat siya. Umangat ang kamay nito at dumapo iyon sa batok niya. He held her firmly. Titig na titig ito sa kanya.

"Ang daming dahilan para maging masaya, Margaux. Lahat naman tayo dumadaan sa masasakit na pagkakataon eh. Basta wag ka lang susuko. Dahil meron at merong magpapahalaga at magmamahal sa'yo. 'Wag mong iisipin laging mag-isa ka." He said softly.

Tumango siya. Nagbaba siya ng tingin ngunit muli nitong iniangat ang mukha niya at pilit siyang pinatingin dito.

"Kahit hindi mo sabihin. Alam kong apektado ka ng mga masasamang sinasabi nila tungkol sa'yo. Nagtatapang-tapangan ka lang. Minamaliit mo ang sarili mo. Feeling mo wala kang kwenta dahil sa ginawa sa'yo ni Paul. Tama ba?"

Hindi na naman nakatugon si Margaux dahil muling namuo ang luha niya. Kung alam lang ni Jaiden ang totoong pinag-ugatan ang lungkot niya. Kung paano niya sinubukang patunayan ang sarili dahil sa illegitimate siyang anak. Kung paano niya tinaggap na ibinigay ng sarili niyang ina dahil sa hindi siya nito kayang buhayin. At kung paano niya sinisi ang sarili na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya.

"Pinipilit ko namang maging okay, Jaiden. Sinusukan kong ayusin lahat. Kaso lang-"

"Stop it. Di'ba sabi ko 'wag mo nang pagurin ang sarili mo." Agap ni Jaiden. Nagbaba siya ng tingin.

Hinalikan ni Jaiden ang noo niya. Kaagad niyang naramdaman ang kakaibang haplos dahil sa halik na iyon. At tila nadagdagan pa nang bumaba ang labi nito sa kanyang pisngi. Wiping away her scattered tears. At bumaba pa iyon hanggang sa gilid ng kanyang labi. Noon na siya napapikit. His lips were hot but soft. At hindi na niya napigilan nang tuluyan nang angkinin ni Jaiden ang nakaumang niya labi. She was stoned though she expected that blissful kiss.

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon