Chapter Eight - 2

9.6K 192 112
                                    

"Kanina mo pa ako tinititigan, nako-conscious na tuloy ako," sita ni Kimi kay Sloane. Ibinaba niya ang inihiwalay na ulo ng sugpo sa mesa. Hindi siya makapag-concentrate sa in-order nitong seafoods para sa kanila dahil panay ang tingin nito sa kanya.

Hindi bale sana kung iyong klase ng tinging humahanga ang ipinupukol nito sa kanya. Kaso, nababasa niyaang disgusto sa mga mata nito.

"You can use utensils in eating," sabi nito.

"Mas masarap kumain nang nakakamay. Ang hirap kumain ng seafoods kapag may gamit pang kutsara't tinidor," depensa niya.

"Ikaw lang angnakakamay rito sa restaurant." Inilibot nito angtingin sa paligid.

Iginala rin niya ang kanyang paningin. Siya nga lang ang nakakamay, pero wala namang pumapansin doon dahil busy ang lahat sa pagnamnam ng kanya-kanyang pagkain. "Ikaw lang ang apektado sa pagkain ko. Silang lahat, busy sa kanya-kanyamg pagkain."

Nagsalin siya sa plato niya ng aligi ng alimasag. Sweet and chili ang sauce niyon base na rin sa narinig niya kaninang um-order si Sloane.

Kumuha siya ng pwersa para pukpukin ang talukap niyon. Pinigil ng binata ang kamay niyang may hawak na kutsara. Bahagya itong tumayo, dumukwang para mailapit ang bibig nito sa mukha niya. "Sa cottage na lang tayo kumain."

"Pero—"

Hindi nito pinakinggan ang protesta niya. Tinawag nito ang waiter at ipinabalot ang mga pagkain nila. Wala na siyang nagawa kundi pumunta sa washing area para hugasan ang kamay. Bitin na bitin siya sa pagkain. Paborito niya ang seafoods, ngunit bihira siyang makakain niyon dahil nanghihinayang siya sa presyo. Kaya nga kaninang tanungin siya ni Sloane kung ano ang gusto niyang kainin, seafoods agad ang isinagot niya. Sasamantalahin na niya ang panlilibre nito sa kanya.

Pagbalik niya sa mesa nila, nakabalot na lahat ang pagkain nila.

Walang imik si Sloane nang maglakad na sila pabalik sa cottage nila kaya hindi na rin siya kumibo. Wala siyang makitang masama sa pagkakamay niya kanina habang kumakain. Gustuhin man niyang magpakasosyal, hindi niya inia-apply iyon sa pagkain.

"Sa cottage mo na langnatin ituloy ang pagkain," anito nang iabot sa kanya ang paper bags ng mga ibinalot na pagkain.

Kinuha niya iyon mula rito. Pagkatapos ihain iyon sa mesa, tinawag na niya ito. Wala siyang kibo habang kumakain.

"Ako na'ng magliligpit," pagboboluntaryo niya nang makitang tapos na ito.

"Bakit parang nawalan ka na ng gana? Lumipat lang tayo ng venue, nabawasan na ang appetite mo."

Nakataas ang kilay na tiningnan niya ito. Kung makapagsalita ito, animo talagang inosente ito. "Sa susunod, kung ikakahiya mo rin lang akong kasabay sa pagkain, bigyan mo na lang ako ng food allowance para kanya-kanya na tayo ng kain."

"That's not what I meant—"

"Alam mo, jologs talaga ako. Mas magmumukha naman akong tanga sa restaurant kung gagamit ako ng pantanggal ng shell sa sipit ng alimasag, eh, hindi naman ako marunong gumamit n'on." Iyon ang nakita niyang ginamit nito kanina. "Saka bakit ba napaka-big deal para sa'yo kung nakakamay man ako? Hindi bale sana kung kamay mo ang ginagamit ko sa pagkain, eh."

"Gusto mong makapangasawa ng mayaman, di ba?"

Nakabusangot pa ring tumango siya. "Ano naman ang koneksyon n'on sa pagkakamay ko?"

"If you want to have a rich husband, dapat, matutuhan mo kung paano gumalaw sa mundong gusto mong pasukin. You should learn table manners, etiquette and the likes."

"Kailangan pa ba yon? Ganda lang, pwede na. Bakit naman yong mga kaibigan ko, hindi naman nila pinag-aralan kung paano magpakasosyal, nakapangasawa sila ng mayaman," nakairapna sabi niya rito. Nilalansi lang siya nito. "Aminin mo na lang na ikinahihiya mong kasama ako dahil jologs ako. Dapat kasi, hindi mo ako isinama rito sa umpisa pa lang. Binigyan mo na lang sana ako ng all expense-paid trip kung talagang gusto mong tuparin ang—"

Natigil ang bibig niya sa pagrepike nang selyuhan nito iyon ng halik.
——————————
——————————
Thanks for reading!

Vote and Comment.

Twitter&IG: @aphrophire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang