Chapter Seven - 3

7.2K 138 15
                                    

Parang ayaw pang tapusin ni Kimi ang pagdye-jet ski nila ni Sloane. Sarap na sarap pa siya sa pagkakayakap sa likod nito. Kahit malamig ang tubig sa dagat, para siyang sinisilihan dahil sa init ng balat nito.

Habang nasa tubig sila kanina, nagawa niyang aminin na may damdamin siya para dito. Kasi kung wala, bakit siya mag-e-enjoy sa pagdidikit ng mga katawan nila?

Pinagsasamantalahan mo siya, Kimi! Kahit sa sarili ay hindi niya nagawang i-deny iyon. Kunwari ay natatakot siya sa mabilis na pagpapatakbo nito kaninakaya todo yakap siya rito. Para siyang baklang matrona sa ginagawa niya.

"Gutom ka na ba?" tanong sa kanya ni Sloane pagkatapos nilang isauli ang susi ng Jet Ski sa pinagrentahan nilang shop.

"Hindi pa."

"Doon muna tayo sa mga chaise lounge," yaya sa kanya nito.

"Sige."

Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kamay niya. Saglit siyang napatingin doon. Magpaprotesta ba siya?

Of course not! Bakit siya magpoprotesta gayong masarap sa pakiramdam na magkahawak ang mga kamay nila? Holding hands sa Bora? Saan pa siya?

Pinagtabi nito ang dalawang chaise lounge kaya nang humiga sila roon ay magkatabi sila. Kinilig na naman siya sa pagkakalapit nila. Pumikit siya. Sa distansya nilang iyon, madaling mag-ilusyon na may relasyon silang dalawa.

"Ano'ng iniisip mo?"

Ikaw. Ang ideya na magkasama tayo sa romantikong lugar na ito. Ang lapit-lapit mo, ang gwapo-gwapo. Gusto kitang salakabin. Bago pa sumilay ang pilyang ngiti sa kanyang labi, nagtanong na siya rito. "Bakit mo nga pala ako isinama rito?"

Matagal bago ito sumagot. "I thought I owed it to you. I felt guilty na may nabiting pangako sayo ang kapatid mo."

"Ows? May konsiyensya ka pala. Kailan pa tumubo iyon?" Nag-peace sign siya para ipakitang nagbibiro lang siya.

Matagal siyang tinitigan nito. Nako-concious na siya dahil parang tumatagos ang tingin nito sa kanya, pero hindi niya nagawang magbawi ng tingin. Gusto niya ang pakiramdam na magkahinang ang mga mata nila. Kinikilig siya.

"I can't believe that one can sacrifice so much for her family, just like what you did," sabi nito. "I can't imagine that you put your life on hold just to give way to your brother."

"Talaga namang ganoon ang magkakapamilya. Nagtutulungan. Sigurado ako, kung ikaw ang nasa posisyon ko ay ganoon din ang gagawin mo para makaahon ang pamilya mo."

"I'm not sure if I could do that."

Tiningnan niya ito. Para na rin nitong inamin na may pagka-selfish ito. Pero sa halip na ma-turn off siya, nadagdagan pa yata ang paghanga niya rito. Bakit ba mahirap umamin ng kahinaan sa ibang tao?

"Nagkataon lang kasing mayaman kayo. Pero kung mahirap din ang pamilyang pinagmulan mo kagaya ko, siguradong makakaya mo ring magsakripisyo para sa kapatid mo."

"Wala akong kapatid."

"Bakit naman? Ang yaman-yaman ng parents mo, bakit pa sila nag-family planning?"

"I don't know. I didn't ask," nagkibit-balikat na sagot nito.

"Kung mayaman ang mapapangasawa ko, gusto ko ng maraming-maraming anak."

"Mahihirapan kang mag-alaga ng maraming anak."

"Hindi naman siguro. Kukuha naman ako ng maraming-maraming yaya. Tigdadalawang yaya sila. May day shift, may night shift. Sosyal, diba?" Bumungisngis siya. Ngunit gusto naman niyangmagpa-impress nang kaunti kay Sloane, kaya bumawi siya. "Pero syempre, ako pa rin ang magsu-supervise sa pagpapalaki sa kanila, no? Iba ang touch ng nanay, may malasakit." Pwede na siyang model ng Johnson's Baby Powder. "Kapag marami silang magkakapatid, sigurado akong magtutulungan sila. Magdadamayan sa mga problema. Masaya pa sa bahay dahil maraming bata. I love kids..." Pwede na siyang maging ambassadress ng UNICEF.

"Gusto mong makapag-asawang mayaman?"

Tumango siya. "Oo naman. Sino'ng may ayaw? Iharap mo at sasampalin ko. Impokrita siyang bruha siya. Sino bang babae ang ayawnmag-shopping nang walang konsiye-konsiyensya pagkatapos?"

Nagulat ito.

"Huwag kang ma-shock," natatawang sabi niya. "Ambisyosa ako. Galing na ako sa hirap kaya gusto ko naman sanang maalwang buhay ang ibigay sa akin ng asawa ko."

"Paano kung sa isang mahirap ka ma-in love?"

Sumimangot siya. Kahit kailan, hindi niya in-entertain sa isip niya iyon kaya siguro nahihirapan siyang sagutin ang tanong nito.

"Nahihirapan kang sagutin ang tanong ko," komento nito.

"Oo," pag-amin niya. "Hindi ko kasi na-imagine ang sarili ko na sa isang dukha rin magpakasal."

"Dukha," umiiling na ulit nito sa sinabi niya.

Iyon kasi ang terminong palagi nilang ginagamit na magkakaibigan para tukuyin ang pagiging mahirap nila. Kapag nagkakabiruan sila tungkol sa kung ano ang hinahanap nila sa magiging asawa, ang nagkakaisang sagot nila ay: "Kahit sino basta hindi dukha."

"Dukha is 'foor' in English."

Tumawa ito bigla. "You're crazy."

"Hindi ko iyan itatanggi. Pero in case ma-in love ako sa gaya kong mahirap, sisiguruhin kong marunong siyang magbanat ng buto para naman umasenso kami in the future."

"Pero mas preferred mo talagang makapangasawa ng mayaman?"

Kung psych test man iyon o ano, bagsak na siguro siya. Pero wala nang paraan para bawiin pa niya ang unang sinabi niya. Hindi bale nang magmukha siyang ambisyosa at oportunista, huwag lang magmukhang sinungaling sa paningin nito.

"Oo naman. Kahit siguro sinong babae sa lugar namin, may ambisyong makapangasawa ng mayaman."

Hindi niya alam kung na-turn off ito sa kanya; hindi na kasi ito uli nagsalita. Tumitig na lang ito sa dagat.

Nagtaas siya ng kilay. Well, ano ba sa kanya? Kiber niya.

"Masyado nang mainit ang tama ng sikat ng araw sa balat. Mag-shower muna tayo, then let's have lunch," kapagkuwan ay yaya nito sa kanya.

"Sige."

Ayaw niyang ipahalata ang panghihinayang niya.

Nagkaroon na siya ng tsansa na maka-bonding ito at makausap nang masinsinan para magpa-impress, pero inilaglag pa niya ang sarili niya rito dahil hindi niya nagawang magpanggap na okay lang na makapangasawa siya ng "dukha."

Pero wala siyang dapat na ika-guilty roon. Hindi naman krimen ang mangarap na makaahon sa kahirapan. At pinakamadaling paraan ang makapangasawa ng mayaman.
——————————
——————————
Thanks for reading!

Vote and Comment.

IG&Twitter: @aphrophire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAWhere stories live. Discover now