Chapter Eight - 1

5.9K 106 8
                                    

Pinagmasdan muna ni Kimi sa salamin ang sarili bago binuksan ang pinto. Niyays siya ni Sloane na panoorin ang sunset. Isa raw iyon sa mga hindi niya dapat ma-miss sa pagpunta niya sa Boracay.

Excited siya, pero hindi dahil sa pamosong Boracay sunset. Ano naman kasi ang kaibahan ng sunset sa Lipa City sa sunset sa Boracay? Iisa lang naman ang araw na lumulubog sa buong mundo.

Excited siya dahil makakasama niya si Sloane. Feeling niya, may kakaiba na silang bonding nito. Hindi na ito masungit sa kanya. Nakita niya ang isang relaxed na Sloane Caldwell doon.

Good luck, girl, aniya sa isip bago tuluyang binuksan ang pinto. Huling araw na nila sa Boracay iyon. Bukas ng umaga, babalik na sila sa kanya-kanyang buhay. Umaasa siyang magiging bahagi pa rin siya ng buhay nito. Kung hindi man, gusto niyang samantalahin ang mga huling oras na makakasama niya ito ngayon. Siniguro niyang matamis ang ngiting isinalubong niya rito.

"Ready to go?" tanong nito sa kanya.

"Ready," sagot niya at saka pasimpleng pinagmasdan ito. Malayo ito sa istriktong Sloane Caldwell na naka-business suit sa Manila. Shorts at simpleng shirt lang ang suot nito roon. Bumata tuloy itong tingnan. Lalong lumabas ang kagwapuhan nito.

Hinawakan nito ang kamay niya habang naglalakad sila papunta sa baybayin. Wala siyang tutol sa ginawa nito. Gusyo niya ang feeling na magka-holding hands sila. Tama lang ang dating nila sa baybayin dahil eksaktong lumulubog na ang araw.

"Ang ganda..." humahangang sabi niya. Naghahalo ang kulay-kahel na araw at ang asul na langit. Dumagdag sa dramatikong senaryo ang payapang dagaty. Binabawi na niya ang naunang isipin kanina. Mas maganda ang sunset sa Bora kaysa sa Lipa.

"I told you. Even the sunset in Hawaii is nothing compared here."

Napangiti siya. Sosyal talaga ito. Napanood na nito ang paglubog ng araw sa Hawaii.

Para sa kanya, hindi naman ang mismong scene ng paglubog ng araw ang rason kung bakit tila espesyal ang sandaling iyon. Nilingon niya si Sloane. Ito mismo ang dahilan kung bakit maganda ang tingin niya sa buong paligid.

"Kailan ka babaliksa Amerika?"

Nabanggit nito sa kanya nang nagdaang hapon na sa Amerika naman talaga ito nakabase. At amg ama nito ang nagtatag ng kompanyang iyon. Nai-imagine niya kung gaano kayaman ang pamilya Caldwell.

"Hindi ko pa alam."

Tama na sa kanya ang sagot na iyon. Ang ibig sabihin, wala pa itong konkretong plano kung kailan ito aalis ng Pilipinas. At ayaw man niyang maging conceited, pumasok talaga sa isip niyang isa siya sa mga dahilan kung bakit dapat mag-stay ito sa Pilipinas.

Ang ganda mo, Kimi!
——————————
——————————
Thanks for reading!

Vote and Comment.

Twitter&IG: @aphrophire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAWhere stories live. Discover now