ISY3

32K 656 2
                                    

I SEE YOU 3

"Hoy!"

"Ano ba naman,Maggie? Ba't ka nanggugulat?" naiinis na baling niya sa kaibigan na nakataas-kilay lamang na nakatingin sa kanya.

"Pano kasi ang aga-aga tulala ka na naman bes! Hay naku! Parang alam ko na kung anong dahilan ng pagkakatulala mo." Naupo pa ito sa harapan niya at pinitik ang kaniyang noo. "Mali pala ako. Hindi pala ano kundi sino."

"Bakit may kasama pang pitik sa noo ha bes Maggie? Ang sakit kaya! Kaltukan kita diyan eh." Inirapan pa niya ito at napahalukipkip na lamang.

"Ang taray mo ngayon ha?" natatawa ng sabi nito bago siya pinakatitigan sa mukha.

Napaiwas tuloy siya ng tingin dito. Ang galing pa naman nitong magbasa ng mukha.

"O, umiiwas ka? May nangyari ba?"

"Anong nangyari ang ibig mong sabihin bes? Wala ah!" Napailing-iling pa siya habang nanlalaki ang mata na nakatingin dito.  Inosente pa ako."

Napahagalpak naman ito ng tawa.

"Tangenge ka talaga noh,Belice? Masyado kang green!"

"Bakit? Mali ba ako? Linawin mo kasi.."
Alam mo na, minsan may pagkaslow talaga siya.

"Ewan ko sa yo. Kwentuhan mo nalang ako kung anong nangyari sa date niyo ni Bench nung Sabado."

Kagat- labing napatitig siya sa kaibigan.

"Ano na namang ginawa mo Belice huh? Di mo sinipot?" Grabe. Maggie is really a face and mind reader. Alam agad nito eh!

"Ano kasi..". Namumula ang mukhang napabaling siya ng tingin sa labas. Dagling gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi nang mamataan ang papadaan na si Brian.

"Yan naman pala eh..si Brian ang dahilan bes?"  Malditang pinaharap nito ang mukha niya dito. "Na love struck ka na naman oh!"

"Sorry bes," nakanguso niyang saad.

"Ba't sa akin ka nag so sorry? Di ba dapat kay Bench?" Tumayo nalang ito at bumalik na sa upuan nito dahil dumating na ang propesor nila.

Napalingon nalang siya sa upuan ni Bench sa bandang gilid. Bakante ang upuan nito. Malungkot ang mukhang nakinig nalang siya sa pagdi discuss ng propesor nila sa Marketing.

























"Do you know where Ashton is?" tanong niya agad sa kabarkada at kaibigang si Kenzo pagdating niya sa tambayan nila. Nasa likod ito ng gymnasium at medyo tago. Ayaw kasi nilang magpaistorbo sa ibang estudyante kaya naisipan nilang dito tumambay.

"Ewan ko ba dun sa isang iyon. Lagi nalang MIA eh," sagot naman nito bago humithit sa hawak na sigarilyo.

"Baka may chix pare," natatawa namang sabat ni James habang nakadekwatro.

"Tss.." Torpe nun tapos may babae? Not a chance.

"Mukhang nagsimula ka na sa pagporma kay Belice ha,Brye," anang Kenzo. " Naunahan mo pa kaming dalawa eh." Natatawang tinapik pa siya nito sa balikat.

"Not my fault though that she likes me." Prenteng naupo siya sa tabi ni James.

"Siguradong- sigurado eh noh? Nagsisimula palang nga tayo eh." Kevin smirked while texting.

"You say so." Kibit- balikat na sumandal siya at pumikit ngunit dagli ring nagmulat nang makita ang nakangiting mukha ng dalaga.

"Sh!it!" Napatayo nalang siya at umalis sa tambayan nila. Ni hindi niya pinansin ang pagtawag ng dalawa sa kaniyang pangalan.

I SEE YOUWhere stories live. Discover now