Nagbaba ako ng tingin habang nilalaro ang mga christmas balls na hawak nang naintindihan ang kanyang pinupunto. But then she held my chin before I could do this so she's looking directly at my eyes.

"Sa totoo lang, natutuwa ako sa tuwing nagkukuwento ka tungkol sa mga kakulitan niyo ng mga kaibigan mo. I thought, finally, you were able to connect to the other kids. I thought that somehow your involvement with them could open up your eyes that there's a lot of possibilities for you."

I didn't want to disappoint her but I didn't want to lie to her either. I needed to tell her that the gang and I have stopped being friends since summer. That I turned my back on them and he, in return, turned his back on me.

"I'm sorry Mi--"

"And maybe in the future, you wouldn't be as much of a burden to Gene as you are now."

I froze as I was handing her over a new set of accessories to hang on the tree. Kinuha niya ang mga iyon nang hindi nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tumingin siya sa akin at muli na namang ngumiti. She still looked the same as that sweet girl Gene introduced to me as his wife on that day he told me of his plans to adopt me.

Namali lang siguro ako ng dinig.

"Aya?"

I heard her call and realized that she was waiting for me to fetch some more accessories. Mabilis akong kumilos para dumampot. Nang iaabot ko na ang mga ito ay narinig namin ang iyak ni Gun mula sa labas.

"Ano na namang nangyari roon?" Bulong ni Mimi sa sarili habang mabilisang sinasabit iyong kabibigay kong mga bola.

As she was doing this, I've noticed the dark lines under her eyes. Ngayon ko rin lang napansin ang nangangayayat nitong pangangatawan. Malayong-malayo sa dating tindig nito bago sila umalis patungong Japan. She glanced at me and I could see how tired she looked even when it's still eight in the morning.

"Okay lang bang iwan ko muna sa iyo ang pagde-decorate ng Christmas Tree natin?"

Mula noong lumiit ang funds ng pamilya, hindi na kumuha ng mga yaya si Mimi para makabawas sa gastusin. Tumango ako bilang kasagutan. She smiled again before climbing down the stairs and proceeding to our yard.

"Rei, ipahiram mo kay Gun iyang isang laruan. Paano kayo makakapaglaro kung nasa iyo ang lahat ng toys?" I heard her say as I ascended the mobile stairs to finish decorating this 7-foot green tree.

"Lady Aya."

Muntik kong mahulog ang hawak na bola sa biglaang pagtawag ni Kuya Milo. Kaagad niya naman iyong sinalo.

"Nagulat naman ako sa inyo, Kuya Milo."

"Pasensiya na po. Hindi ko po sinasadyang gulatin kayo pero kung pwede ay ako na ang tatapos ng pagsasabit nito. Baka kasi mahulog pa kayo riyan at madisgrasya," sabi nito bago inabot ang kamay ko.

"Kaya ko naman po, Kuya Milo. Madali lang naman ito--"

"Sige na po, Lady Aya. Ako na pong bahala. Makipaglaro na lang po kayo sa mga kapatid niyo," he insisted.

Napalingon ako sa labas ng bahay at nakita ang naghahabulang kambal habang pagod namang nakasunod dito ang kanilang mama.

"Okay lang po ba? Baka kasi mayroon pa kayong ginagawa--"

"Wala na po akong ginagawa, Lady Aya. Tapos ko na pong linisin iyong kusina."

Tumango pa ako nang ilang beses bago dahan-dahang bumaba. Agad naman akong inalalayan ni Kuya Milo para masigurong hindi ako mahuhulog.

"Salamat po, Kuya Milo."

"Wala pong anuman."

Isa pang tango ang iginawad ko rito bago ako tumuloy sa aming bakuran.

Paper Stars (Self-Published)Where stories live. Discover now