Epilogue

55K 1.5K 602
                                    


Left's POV

"Napakapanganib yung ginawa mo gago ka!" sigaw ni Gia kay Fin. Binatukan pa nga ito habang ginagamot ng isang nurse yung tama ni Fin.

"Aray naman!" sigaw ni Fin. Nailing ako.

Mas na una akong matapos magamot kaysa kay Fin dahil ang gulo nya tapos dinagdag pa ang pagsersermon ng tatlo sa ginawa nya kanina na binato ang remote sa ulo ni lolo. 

"Minsan talaga ang tanga mong mag-isip Fin." sabi ni Veron. Delikado talaga ang ginawa ni Fin dahil walang sinasanto si lolo, kita naman na binaril nya ang sarili nyang apo tapos si Fin pa kaya? mabuti nalang talaga naunahan ni kuya bumaril si lolo kay Fin.

"Hoy!" biglang namula si Fin at pasimpleng tumingin sa nurse. Napataas kilay ko. 

Masasabi kong maganda yung nurse na gumagamot kay Fin kaso mukhang strict. Akala ko ba kay Ms. Dani lang? don't tell me nagmo-move on na sya?

"Tanga talaga, ginawa mo pang minsan." sabi ni Gia. Natawa naman si Veron habang si Fin nakasimangot habang nakanguso.

"Ano bang nangyari sa inyo sa dinning area? bakit sumigaw kayo?" tanong ko sa kanila. Tumingin ako kay maid na nasa tabi ko, medyo nagulat ako ng konti na nakatingin pala sya sakin.

"Well, habang kasi hinihintay naming kayong bumalik bigla na lamang sumulpot si Butler Kim." sabi ni Jade.

"Bwisit." mahinang sabi ko. "At paano naman kayo naka-survive sa kanya? wait nasaan pala sya?"

"Nakatakas sya nung dumating si Kuya History." sabi ni Gia. "At baka nakakalimutan mong may taekwondo tayong kaibigan kaya sya ang naglakas loob kalabanin si Butler Kim." dagdag nya.

"Nagawa mo yon Veron? hanep!- aray!" napangiwing sabi ni Fin.

"Wag ka kasing malikot." cool lang na sabi nung nurse.

"Sorry.." paumanhin ni Fin.

"Mabuti na nga lang patalim ang dala nya, kung baril yon nauna pa akong nagtago sa likod ni Ate Yani." sabi ni Veron.

"Buti naman walang nangyari sa inyo." sabi ko sa kanila tsaka tumingin kay maid. Ngumiti sya sakin. Hinawakan ko ang kamay nya at gumanti ng ngiti.

"Pa.." tawag ko kay Papa na nasa labas ng emergency room kasama si Ate Yani na hanggang ngayon ay umiiyak pa din.

Lumapit kami ni maid sa kanilang dalawa. Tinignan ko si Ate Yani tapos kay Papa. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung ano nangyari kay Kuya.

"Left." tawag ni Papa. "Bantayan mo si Yani at hintayin mo ang doctor kung ano ang kalagayan ng kuya mo. Kailangan ko lang asikasuhin si Papa." sabi nya at bumuntong hininga. "Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang lahat." huli nyang sinabi bago tuluyan na umalis na parang pasan pasan nya lahat ng problema.

Bigla naman akong nalungkot na mapantantong wala na pala si lolo. Siguro kahit na gaano kasakim si lolo at balak nyang patayin ang taong mahal ko na si maid, hindi ko pa rin maiwasan na malungkot na mawala na sya. Naging mabuting lolo naman sya samin kahit paapano.

Pero ang tanong na hindi pa rin nasasagot, bakit nagawa nyang pumatay ng mga tao? ano bang kasalanan nila para gawin yon ni lolo? palaisipan pa rin yon sakin.

"Si Butler Kim.." bigla akong napatingin kay Ate Yani. "Ku-kung hindi sa kanya...wala sana sa lo-loob si History.." napakunot ang noo ko. Hinintay kong magsalita ulit si Ate Yani pero umiyak na lang ito. Tumingin ako kay maid. Niyakap nya si Ate Yani.

"Bumalik si Butler Kim at nabaril nya si kuya History." sabi nya. Napayukom ang palad ko. Yung taong yon! "At bandang dibdib sya natamaan."

"Left!" sigaw ni maid nung sinuntok ko ang pader. "Kakagamot lang-..Left.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon