Chapter 37

30.4K 1.1K 236
                                    


Left's POV

"Left baby!" nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Ate Yani at hinalikan ako sa pisngi. Naramdaman ko naman na mahigpit na pagkahawak ni maid sa kamay ko. Natawa ng mahina si Ate Yani bago nya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. 

Nagulat ako sa ginawa nya. Mabilis na lumayo sya sakin hindi dahil gusto nya putulin yung halik kundi inilayo sya ni maid sakin. Nagtataka akong tumingin kay Ate Yani kung bakit nya nagawa yon. Sanay ako na hinahalikan nya ako sa pisngi, sa noo at sa ilong pero yung sa labi? ngayon nya lang yon ginawa lalo na nasa mataong lugar kami.

"Selosa talaga." sabi ni Ate Yani. Matamaan naman akong tumingin kay maid na masamang nakatingin kay Ate Yani. Teka, okay na ba sila?

"Bakit mo ginawa yon Ate Yani? mamaya makita tayo ni Kuya, magtaka pa yon." sabi ko. Kinawit nya ang mga braso nya sa batok ko.

"Ano naman kung makita nya tayo? sa kanya naman din ako eh." sabi ni Ate Yani. Lumapit sya sakin. "Nakita mo na bang magselos ang isang Nissan?" bulong nya. Napatingin naman ako kay maid na hindi nakatingin samin pero nakasalubong ang dalawang kilay nya. "Please take care of her." bulong nya pa. Tumango ako kahit nagtataka ako kung bakit nya yon sinasabi sakin.

Lumayo sya sakin at hinarap si maid. Hindi pa din nakatingin samin si maid. Natawa si Ate Yani ng mahina bago yakapin si maid na ikinagulat namin parehas ni maid. Ako naman yung napaiwas ng tingin.

"Ang selosa mo talaga." sabi ni Ate Yani. Tumingin ako sa kanila. Akala ko ako ang tinutukoy ni Ate Yani na selosa pero si maid pala. Lumayo si Ate Yani dahil magsusulat sa whiteboard si maid.

Hinalikan mo sya!

Medyo natawa ako dahil may exclamation point pa sa sinulat nya. Halatang gusto nyang isigaw yon.

"Inggit ka? halikan mo din sya." natatawang sabi ni Ate Yani. Sinamaan ng tingin ni maid si Ate Yani tapos tumingin sakin. Ako naman naghihintay kung gagawin nya nga yon.

"Girls, kanina ko pa kayo hinahanap." napatingin kaming lahat kay Kuya. Agad naman yumakap sa braso ni Kuya si Ate Yani. Ganyan naman talaga sila.

"Si Ate Yani lang naman hinanap mo." sabi ko. Napangisi si Kuya.

"Buti alam mo." napairap ako kay Kuya. "Nagkakasayahan na sila don bakit nandito kayo?" tanong nya pa. Nandito kasi kami sa tabing dagat na malayo sa lugar maingay. Nagulat na nga lang ako nung biglang sumulpot si Ate Yani dito.

"Gusto ko kasing kausapin si Left baby kaso next time na lang siguro." sabi ni Ate Yani. May sasabihin pala sya kanina. "Tara na? magpakalasing tayo ngayon araw!" masayang sabi ni Ate Yani habang nakataas pa ang dalawang kamay nya. Nakatanggap naman sya ng kurot sa tagiliran kay Kuya.

"Manahimik ka nga dyan! hindi ka iinom ng alak." seryosong sabi ni Kuya. Napangisi naman ako kay Ate Yani.

"What?! No way! iinom ako at hindi mo ako mapipigilan." mataray na sabi ni Ate Yani at nauna na pumunta sa party. Agad naman sya sinundan ni Kuya, habang naglalakad sila nagbabangayan sila. Lagi naman.

"Tara na?" aya ko kay maid. Tumango sya at hinawakan ang kamay ko. Napangiti ako, sabay kaming bumalik sa party.

Mas malakas kumpara kanina yung tugtog at maganda yung pagka-remix ng kanta dahil mapapasabay ka talaga sa beat ng tugtog kahit nga yung mga bartender napapasayaw eh.

Pumunta kami ni maid kanila Right at Johan na nagD-DJ. Binigyan kami ni Right na shot glass na may laman na alak. Hindi ko alam kung anong alak yon pero ininom ko ng straight. Biglang may gumihit sa lalamunan ko pagkainom ko pero ayos lang sanay naman ako eh. Tumingin ako kay maid na nakatingin lang sa shot glass. Kinuha ko yon at ininom din ng straight. Ayokong uminom si maid baka malasing pa 'to.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon