Chapter 13

36.9K 1.4K 345
                                    


Nissan's POV

Ang tahimik ng bahay parang walang taong nakatira lamang nasa loob lang ng kwarto nya lang ang may ari nito.

After a week naging tahimik na ang bahay. Walang nagpapatugtog ng classic song, walang kalat sa sala, walang nag-uutos at walang Left na nagpapakita. Pagkatapos nung nangyaring katangahan ko ay hindi na ako kinakausap or inuutusan man lang ni Left. Lagi syang nasa kwarto nya buong araw. Dinadalhan ko lang sya ng pagkain kapag naluto na ang pagkain pero iiwan ko lang yon sa tapat ng pinto nya at kukunin nya na lang kapag naisipan nya.

Hindi halatang galit sya sakin. Napabuntong hininga na lang ako.

Tumingin ako sa buong bahay. Ang tahimik talaga. Wala si Kris ngayon dahil binisita nya ang mga magulang nya kaya nasa probinsya sya ngayon hanggang bukas.

Napabuntong hininga na naman ako. Hindi ko na nga mabilang kung ilang buntong hininga ang ginawa ko sa araw na 'to. Kasi naman, ayoko ng ganitong tahimik na alam kong hindi ayos ang lahat. Mas okay yung tahimik na ayos ang lahat at least komportable, hindi na ganito.

Napatingin ako sa labas nung may mag-doorbell. Sino naman kaya yon?

Tumayo ako at lumabas. Binuksan ko ng gate. Takang nakatingin ako sa lalaking kahawig ni Left.

"Hi, I'm Legend, weird but that's my name. Si Ate?" kapatid siguro 'to ni Left. Natandaan ko na may Legend syang kapatid.

Nagsulat ako sa whiteboard at pinakita sa kanya.

"Pipe ka?" nailing ako, binasa nya ang nakasulat sa whiteboard. "May glossophobia ka?" wala sa sinulat ko na tanong nya.

Sinabi ko lang na nasa kwarto si Left pero ang layo ng tanong nya.

Tumango ako.

"Bakit hindi ka man lang natatakot na makasalamuha ka ng ibang tao? I mean ganon ang may glossophobia sa pagkakaintindi ko. Nanginginig, ayaw mahawakan, at yung heartbeat daw ay sobrang bilis."

Nung una ganon ako but I can handle now.

"Mabuti kung ganon. Puntahan ko lang si Ate." tumango ako at nag-give way para makapasok sya. Isinara ko ng gate at pumasok sa loob.

Dumeretso ako sa kusina para magtimpla na juice.

"Excuse me." napatingin ako kay Legend. "Ano bang pangalan mo? At tsaka pwedeng magdala ka ng maligamgam na tubig at towels? may lagnat si Ate." sabi nya tapos umakyat sa taas.

May lagnat si Left? Pero parang hindi man lang sya nag-aalala kay Left. Napailing ako at nagmadaling kumuha ng maligamgam na tubig at towels.

Pagkatapat ko sa pinto ng kwarto ni Left ay kumatok ko bago pumasok.

"Damn it Legend! Go away!" lumapit ako kay Legend at ibinigay ang planggana na may maligamgam na tubig at towels.

"Shut up Ate nagiging isip bata ka na naman dyan." pupunasan na sana ni Legend si Left na basang towel pero umiwas si Left.

"I don't need you! I want maid!" nagulat ako sa sinabi ni Left. Napatingin sakin si Legend at ngumiti. Yung ngiting nang-aasar.

Nakapikit si Left kaya siguro hindi nya alam na nandito lang ako.

"Why her Ate?" tanong nya tapos binalak na punasan ulit si Left pero iniwasan ni Left.

"I want maid! Maid! Maid! Maid!" sabi ni Left. Nagtaklob pa sya ng kumot si Left. "I want maid." rinig ko pang sabi nya.

"Magluluto ako ng lugaw, ikaw na bahala, bihisan mo na din sya." sabi nya at umalis.

Pansin ko kung makapagsalita 'tong si Legend parang hindi matanda ang kausap. Sa tantsa ko, fourteen or fifteen years old lang sya pero kung makapagsalita. Nailing na lamang ako.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon