Chapter 46

25.7K 958 222
                                    


Left's POV

Dali-dali akong pumunta ng room na tinext sakin ni Ate Yani kung nasaan sila, hindi ko na nga hinintay pa sila Mama sa kakamadali ko. Tinanong ko si Ate Yani kung ano bang nangyari pero wala na akong nakuhang reply mula sa kanya kaya labis labis ang pag-aalala ko. 

Pagbukas ko ng pinto ng kwartong sinasabi ni Ate Yani, gumuho ang mundo ko na makita ang taong nakahiga sa hospital bed. Hindi ako makagalaw o makapagsalita man lang. Naninikip ang dibdib ko. Hirap na hirap akong huminga.

"Left.."

Pinagmasdan ko sya habang mahimbing syang natutulog. Napansin ko na may mga pasa sya sa katawan. Dahan-dahang akong napaluhod habang natulala akong nakatingin sa kanya.

"Left!"

"Left tumayo ka dyan!"

Napaawang ang bibig ko, pilit kong binabanggit ang pangalan nya pero walang boses na lumabas, kundi ang mga luha ko.

Hindi ito maaari...bakit?..bakit ang taong pinakamamahal ko pa? Hindi, hindi ito totoo. Hinding totoo na si maid ang nakahiga sa hospital bed na madaming pasa sa katawan.

"Maid.." halos wala ng boses na sambitin ko ang pangalan nya.

Nahihirapan akong huminga. Parang lahat ng lakas ko ay bigla na lamang nawala nung makita ko ang kalagayan ni maid. Dinurog nito ang puso ko.

Bakit, bakit nagkaganito si maid? anong nangyari sa kanya? may kinalaman na naman ba dito si lolo? pero kasa-kasama lang namin sya sa bahay pwera na lang kung si Butler Kim ang gumawa nito kay maid. Hindi ko talaga sila mapapatawad kapag nalaman kong sila ang may gagawan nito kay maid.

"Left tumayo ka dyan." sabi ni Kuya at itinayo ako. Wala akong lakas pero pinilit nila akong maupo sa tabi ng higaan ni maid. Lalo akong nahihirapan makita sa malapitan ang kalagayan ni maid.

"What happened Cyrus?"

Pinagmasdan ko ang kamay ni maid. May bagat na kamay sa braso nya at may mga sugat din bukod sa mga pasa. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay ni maid tila natatakot na masaktan sya.

"Rich Cyrus sumagot ka...bakit...bakit nagkaganito si Nissan?"

Umangat ang tingin ko sa mukha nya. Napakagat ako ng labi ko at pilit na wag mapaluha. Putok ang ibabang labi nya, may pasa din sa gilid ng labi nya at sa gilid ng mata nya.

Maid...

"Naabutan namin syang...pilit na ginagahasa."

Tila napantig ang tainga ko sa narinig ko mula kay Papa kaya napatingin ako sa kanya.

"Ohmygod." gulat na sabi ni Mama. Miski ako nagulat pero mabilis din nakabawi at nanaig ang galit ko sa taong nagtangkang gahasain si maid.

Kaya ba may mga pasa sya sa katawan dahil nakuha nya ito sa taong pilit syang gahasain?

Napayukom ang mga palad ko. Napakahayop ang gumawa nito sa kanya. Pagbabayaran nya ito.

"Si..sino may gawa nito sa kanya?"

Hinawakan ko ang mukha nya.

I'm sorry maid kung wala ako sa oras na kailangan mo ako. Sana hindi na lang kita hinayaang sumama kay Ate Yani na hindi mo naranasan ang ganito. Kung alam ko lang...

Maingat ko syang hinalikan sa noo nya.

"Isa lang sya sa mga tauhan ni Papa."

Lumayo ako ng konti kay maid at pinagmasdan sya. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa din akong makita syang ganitong kalagayan.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon