Secret Relationship : Lay Fanfiction

185 4 0
                                    

Yixing Fanfiction - Secret Relationship

SEONGYI'S POV

"Luhan!!" sigaw ko.

Tatakas ka pa ah. Lumapit ako sa kanya at nakita ko siyang may hawak na libro.

"Papasok ka na sa klase mo?" tanong ko sakanya

"Ah oo eh. Ano ba kailangan mo?" tanong niya sa akin

Tss tanong tanong pa siya kung ano kailangan eh alam naman niya yun.

"Si Lay nasaan" tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang namutla. Tinatanong ko lang naman kung nasaan si Lay eh.

"Akala ko sinundo ka sa dorm mo?" tanong niya

"Kung sinundo ako bakit ko siya hinahanap ngayon sa yo at tsaka bakit niya ako susunduin eh secret nga lang yung relationship namin eh!" pagtataray ko sa kanya.

Hindi tumagal napansin kong pinagpapawisan si Luhan.

Ilang araw na simula nung nag start ang paglayo sa akin ni Lay.Mag fa-five months na kami, mag fa-five months na rin sikreto tong relasyon namin, bakit? ayaw niya daw na maraming nangengealam.

Alam mo yung nakakainis dun, minsan na nga lang kami magkaroon ng oras sa isa't isa tapos parati niya ako tinataguan, hindi ko alam kung bakit.

"Andito ka pala Ms. Uk" bati sa akin ni Lay.

Uminit yung dugo ko dahil tinawag niya ako sa surname ko. Wala naman tao dito harapan ng building nila bakit kailangan niya akong tawagin sa apelyido ko?

"Yun lang sasabihin mo?" tanong ko sakanya na may halong pagkainis.

"May kailangan ba akong sabihin sayo?" tanong niya na lalo pang uminit ang ulo ko.

"Pasok na ako" paalam ko na lang at nag walk out.

Hindi ko na siya matagalan, bakit kasi ang cold niya this past few weeks? Baka hindi niya na ako mahal.

Imbes na pumasok ako. Bumalik ako sa kwarto namin sa dorm dahil nawalan ako ng gana mag-aral. Tinext ko na lang si Mei na biglang sumama yung pakiramdam ko.

"BAKIT KA BA GANYAN ZHANG YIXING? BAKIT ANG COLD COLD MO SA AKIN THIS PAST FEW WEEKS?" kinakausap ko yung sarili ko at bigla na lang bumagsak ang mga luha ko. Nahiga ako agad at niyakap ang malaking teddy bear na bigay sa akin ni Lay.

Si Hyeonlee at Luhan lang ang nakakaalam na kami ni Lay at wala ng iba.

"AMPANGET PANGET MO TALAGA KAHIT KAILAN, KUNG AYAW MO NA SA AKIN MAKIPAGBREAK KA, HINDI YUNG PAGTATAGUAN MO AKO!" sigaw ko habang hinahagis ang mga unan sa pader.

*beep beep*

Sino ba tong demonyong to na nagtext at sinisira ang moment ko?

Tinignan ko ang text.

From Lay: I love you so much <3

Love you love you. Love you mo yan panget mong mukha!

Pumatak nanaman ang luha na kanina ay tumigil na at tinatanong ang sarili ko

"Mahal mo ba talaga ako?"

LAY'S POV

"Ano nag-reply na ba?" tanong sa akin ni Luhan

"Hindi pa nga eh, galit yata?" sagot ko kay Luhan

"Ano ba kasing pumasok sa utak mo at lumalayo ka sakanya? Pwede mo naman gawin yung surprise kahit na hindi ka lumalayo sa kanya. Hindi ka naman madaldal kaya sigurado hindi ka madudulas." sabi ni Luhan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot -EXO Collection-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon