Chapter 23

164 4 0
                                    

Chapter 23

Paige's P.O.V. 

"Huwaat? What do you mean na dyan ka natulog kina Kirt? Omaygad bespren, wag kang malandi ha!"

"Timang! Mali iniisip mo. Natulog lang ako, no. Sayang nga e, sa guest room ako pinatulog, hindi sa sarili niyang kwar--"

"Shattap! Naku, bespren. Umaarangkada nanaman yang kagagahan mo ha! Nasaan ka ngayon?"

"Nandito nga! Hoy, ano ka ba bespren, ang sama naman ng tingin mo sakin. Huhuhu"

Insert LE POUT here. 

Ang sama talaga ng ugali ni Julie, oh. Ayaw pa maging masaya sakin. Isang gabi lang naman ako hiniram ni Kirt. Naging masaya kami parehas at nag-enjoy. Naalala ko pa lahat ng nangyari samin kagabi. Madilim non, maraming kandila sa palibot. At kinakabahan ako sa bawat paglapit niya sakin habang nakahiga kami sa--

CHAROT! Hahahahaha. Syempre, hindi. Siguro kung si Phoebe ako, baka ginawa niya yon. Or not. Mga 3am na kami nakatulog ni Kirt. We had a movie marathon kasi. Tapos yon, hinatid na niya ako sa Guest Room. And boom, yon na yon. Siguro sa utak ko, marami nangyari. Sa realidad, wala. 

At ngayon itong si Julie, nago-OA. Naririto pa rin ako kina Kirt. Iniintay ko siya, liligo lang daw siya at ihahatid na niya ako. 

"Tsk, papasundo kita kay Romie. Gaga ka! Umamin ka, may nangyari sa inyo no?"

"Wala no!"

"Sus"

"Di naman ako ganoong babae, Julie no. Di ako kaladkarin na babae"

"I know that. Pero kay Kirt, kamusta? Mukhang kayang kaya ka niya dalhin ahh" Ouch. Ang sakit naman magsalita ni Julie. 

"Di naman. Ang sama mo bespren"

"Masama na kung masama. Iniingatan lang kita. Alam na alam ko kung gaano ka kaadik dyan kay Kirt mo, no. Wag kang aalis dyan, tatawagan ko lang si Romie. Okay?"

"Wag na! Ihahatid na niya ako. Tsaka ano ka ba bespren, pumayag ako kasi alam mo na...icocomfort ko siya. Bespren niya ako, diba? Tsaka di umattend yung palaka niyang girlfriend. Kawawa naman o. Di ka ba naawa don?"

"Hindi"

"Pwes ako, oo. Mahal ko kasi yung tao. Nakakaawa kaya"

"Whatever, Paige. Ikaw babae ka, binabalaan kita ha. Mahal kita pero once na umandar yang kat*ngahan mo, naku. Di ako magdadalawang isip na sapakin ka at isumbong sa Mommy mo ng mapadala ka sa States, ano?"

I rolled my eyes. Daig pa niya si Mommy sa pagiging protective. 

"Hay nako, Julie. Di yon mangyayari. I know my limits, okay? Wag mo na akong ipasundo sa Romie mo. Ako na bahala sa sarili ko. Di naman ako papabayaan ni Kirtbabes ehh"

"Ah ganon? So..Feeling mo na ngayon girlfriend ka niya after spending a night with him na halos wala naman siguro kayong pinagusapan kundi puro si Phoebe, Phoebe, at si Phoebe. Ganon ba?"

"Oo na tama ka. Siya nga pinagusapan namin. Pero alam mo bespren, nagkaroon ako ng hope kasi walang kwenta pala yun palakang katal na yun ehh. Feeling ko talaga, kaunti na lang. Kaunti na lang, mapapasakin na siya. As in, kaunti na lang"

"O'bahala ka. Basta kapag nagkita tayo, bibigwasan kita ng isa. Osha, maglilinis pa ako ng bahay baka magalit si Mamita. Kita tayo sa Monday, okay?"

Invisible: The Player KillersWhere stories live. Discover now