Bulaklak

1.1K 7 2
                                    


Mabagal ang pag-andar ng oras. Bahagya siyang napabuntong-hininga habang nakatingin sa mga kamay ng orasan at saka muling humarap sa salamin.

Inayos niya ang kanyang kwelyo at bahagyang ngumiti. Inayos ang buhok upang maging mas lalong maging presentable. Napasilip siya sa bulaklak na nasa tabi ng salamin.

Agad niya itong kinuha at saka inamoy.

Pagkatapos nito'y umalis na rin siya. Bitbit ang bulaklak na paglalaanan niya sa taong mahal niya. Napasulyap siya sa kanyang palasingsingan, hinawakan niya ito at nakatingin sa malayo.

Agad siyang napangiti noong mapatingin siya sa isang lugar. Nandoon ang taong pupuntahan niya. Animo'y laging naghihintay sa kanya.

Bahagya siyang lumuhod saka inilagay ang bulaklak sa lapag. Sa harap ng isang puntod. Puntod kung saan nakahimlay ang kanyang asawa. Saka nagsalita...

" Happy 5th Anniversary. "

Dagli (Compilation)Where stories live. Discover now