Chapter 28:Plan and Escort

3.7K 96 13
                                    

Please do VOTES and leave a comment if this chapter will touch your heart.

---
Halos mapanganga ako sa bahay na kinatatayuan ko ngayon. Bawat sulok niya kasi ay may painting at talagang nakakamangha! 3D painting ang uri nito.

Kung sa entrance ng bahay na 'to ay namangha na ako, mas lalo naman na dito sa loob. Sa labas may isang mini fountain, a horse with his rider na may hawak-hawak pang espada, na akala mo ay susugod sa isang digmaan. Yung fountain na 'yun ay nasa gitna na siyang naghahati sa daan papunta dito at papunta naman sa ibang direksyon ang isa. Samantalang dito naman sa loob, akala mo lalapain ka ng mga hayop na nasa wall at kakainin ka ng isang nag-aabang na pating sa sahig. Creepy pero maganda.

"Pasensya na kung natakot ka sa mga painting."Brix apologize.

Nandito kasi ako sa bahay nila. Pagtapos 'kong pumayag kahapon ay hindi na ako nagpakita sa kanila. Inaantok ako kaya natulog na lang ako sa library.

"Have a seat."he offered at nilahad pa niya ang kamay niya sa sofa. Umupo naman ako dito habang naglilibot pa rin ang paningin ko sa kabuuan ng bahay.

"So, ano ng plano mo ngayon?"tanong ko pagkatapos makita lahat ng sulok nitong bahay.

"Gusto ko sana siyang dalhin sa resto pero parang ang cheap naman."sagot niya.

"Yah. Masyadong luma na 'yun. What if gawan mo siya ng scrapbook with all your pictures together."

Sa pagkakakilala ko kasi kay Sam ay hindi siya materialistc na babae. Mayaman naman sila kaya mabibili niya lahat ng gusto niya. Tsaka ang boring naman kung walang effort yung ibibigay mong regalo sa taong minamahal mo. A scrapbook made of effort.

Tsaka ito din ang pangarap 'kong matanggap sa anniversarry namin ng boyfriend ko. Pero ang problema ay......

Wala akong boyfriend! Kaya ayan. Hanggang pangarap na lang ako. Hsst!

"That's a good idea, Agatha!"he exclaimed. "Pero parang ang boring naman. Ibibigay ko lang sa kanya ang regalo ko? Walang thrill?"napairap ako sa dinugtong niya.

Nag-iisip ba talaga 'to? Psh! Mapilosopo nga.

"Thrill ba ka mo?"tumango-tango siya sakin at excited malaman ang sasabihin ko. "Edi, bumili ka ng thrill at ipambalot mo!"sarkastiko kong sabi na sinamaan naman niya ng tingin.

"Ha-ha-ha nakakatawa."wika niya.

"Ha-ha-ha! Edi, tumawa ka!"

"Ha-ha-ha! Talaga ba?"

"Ha-ha-ha! Gusto mo ng suntok?"sabay amba ko sa kamao ko.

"Oyyy, joke lang yun. Ito naman hindi mabiro."inirapan ko na lang siya dahil sa sinabi niya.

"Ha-ha-ha, ito na po ang meryenda niyo, sir."singit ng katulong nila na sinamaan naman namin ng tingin. Pero imbis na peace sign ang gawin niya ay nag-oppa sign siya. Aba, nakikiuso si lola! 😅

Umiling na lang ako dahil sa katulong nila Brix. Yung totoo? Matanda ba ito o teenager?

Umalis yung maid nila at hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin ang paningin ko.

"Pagpasensya mo na si Lola Bet ha."wika ni Brix. Tumango lang ako sa kanya, tsaka kinuha ang isang basong juice. Grabi si lola! Updated? "So,saan na tayo?"

"Ha? Nakaupo pa lang? Bakit, nasa HongKong na ba tayo?"wika ko at simaan naman niya ako ng tingin kaya nagseryoso na ako. Kahit maganda pa siyang asarin ay kailangan ng magseryoso. "Why don't you go to amusement park? After niyong magdate doon ay saka mo ibigay ang gift mo."

Clashmate1:Clash With Love✔Where stories live. Discover now