Chapter 12: STUPIDONG MONSTER!

172 15 9
                                    

CHAPTER 12: STUPIDONG MONSTER!

 

“Cleandra! Bakit ngayon ka lang umuwi?!”

Uh oh. Lagot!

“Ahhh… eh… Mama, nag-sleep over ako sa bahay ng classmate ko” Wala na akong ibang maisip na palusot eh!

“At bakit hindi ka nagpaalam?!”

“Ah, mama… Surprise?”

“Sinong friend ‘yan?”

“Ah, mama… si Mumurita” Grabe, wala akong maisip na pangalan eh. Naalala ko kasi ‘yung pagpapanggap ni Jairus na pekeng mumu. Mumu+Rita= Mumurita! Oh!

“Sino naman ang Mumurita na ‘yan? At bakit pang-lokaloka ang pangalan niya?” Grabe si Mama ah, pero talaga naman kaseng pang-ewan ‘yung pangalan na Mumurita eh.

“Ah, close friend ko po siya, at nakilala ko dahil kay… Mumurito, ‘yung kambal niya. At mama, weird din ‘yung nickname nila kasi ‘mumu’ ‘yung nickname nila” Para akong baliw magsalita! Mumurita at Mumurito… weird epic names! Hahaha! Tapos mumu pa nickname nila. Haaayy… ang weirdo ko talaga

<><><> 

“Ma, Pa. Sino po ba ‘yang close friend niyo na dadalawin natin? At bakit ako lang ‘yung sasama?” Pupunta daw kami sa bahay ng close friend ni Mama at Papa.

“Sila Dianne at Louis, ikaw lang ang dadalhin namin kasi may ka-age kang anak nila” So that means…

“Ma, pa. Huwag niyong sabihin na ipapa-arrange marriage niyo ako sa isang stranger. Hindi na kaya uso ‘yun” Malay ko ba. Ayaw kong ikasal sa taong ‘di ko kakilala, noh.

“Ano naman ang pinagsasabi mo d’yan anak? Ipapakilala ka lang namin”

<><><> 

Wow ah, ito ang pinakamalaki at pinakamagandang bahay na nakita sa buong buhay ko! Teka, hindi ito bahay…. MANSION! Nakakainggit naman, sana ganyan din kalaki ‘yung bahay namin.

“Oh! And’yan na pala kayo!” May babae at lalaking sumalubong sa amin.

“Ang tagal na nating nagkita!” Sinabi ni Mama.

“Oh, sige pasok muna kayo”

Asdfghjkl….. ANG LAKI!!! Teka… sino nga ba ‘yung anak nilang ka-age ko lang? Sana naman mabait ‘yun.

“Ano nga pala ang pangalan ng inyong magandang anak?” Tanong ng babae. Maganda daw ako? Weh?

“Ah, ako po si Clea” Nagpakilala ako sa kanila.

“Ako nga pala si Dianne at ito naman ang asawa kong si Louis”

“Ah, nice to meet you po”

“Nice to meet you, din… At sandali lang tatawagin ko lang muna ang anak ko---JAIRUS!”

O.O Ano daw ‘yung pangalan ng anak nila? Jairus? Imposible namang siya ‘yun, ang bait ng mga magulang niya tapos siya mala-halimaw! Baka kapangalan lang, ang dami naman kasing Jairus sa mundo!

“Mom! May ginagawa pa ako! Can’t you see? At—WHO IS THAT?! HER AGAIN?!”

\(O.O)/ Siya nga… Si MONSTER JAIRUS! Uwaaaa!!!!

A Stupid Thing Called LOVEWhere stories live. Discover now