3 - Suhol pa more, Pressure pa more

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano ka ba? Si Richard 'to, the one and only. Bakit di ka maniwala?"

"Dahil sa mahigit na limang taon na magkaibigan tayo, ngayon mo lang ginawa 'to. Natandaan mo yung pinababa mo ko ng kotse dahil ihahatid mo yung nililigawan mong hindi ko na maalala ang pangalan ngayon?"


A/N: O aritmetik tayo. Tatlong taon agwat nila. 21 si Tisoy. Minus 3, 18. Heartbreak ng Grade 6, 12 years old siya. 18-12=6. Mahigit ngang limang taon. Tama? Tama. You may continue.


"Wait! Hindi kita pinababa, ang sabi ko sa likod ka sumakay. Not the same. At Trixie ang pangalan niya."

"Forgettable name. At naalala mo rin ba nung freshman year ko? Unang araw ng pasukan. Sabi mo ito-tour mo ko sa campus dahil binilin ako ng nanay ko sa yo. Ilang oras akong nganga? 3 oras lang naman dahil nalibang kang maglaro ng basketball kasama ng mga kabarkada mo."

"Natuloy pa rin naman tayo diba?"

"Oo kaya lang sarado na lahat ng offices at puwedeng puntahan! Muntik na rin tayong pagsarhan ng gate! Alam mo minsan, iniisip ko na sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ikaw pa ang naging best friend ko? Tingin mo? Never mind."

"Never mind ka dyan! Dahil aminin mo, kahit ganito ko, ako lang ang nagtitiyagang makinig sa mga kuwento at mga pangarap mo. Ako lang ang matiyagang one call away pag nasa angst mode ka."

"May point ka diyan, pero kilala kita. Hindi mo gagawin 'to kung wala kang motibo. Nangangamoy ulterior motive 'to. Spill it."

"Ang sakit naman no'n! Mukhang motibo na ba ko? Kumusta na pala yung project ko? Sabihin mo lang kung may kailangan ka pa. Typewriter, bond paper, printer. Name it, hahanap ako!"

Inalis niya ang balot ng tinapay. Hmmm... Spicy tuna sandwich. Gawa ni Tita. "At lumabas din ang totoo! This is all about your project. Huwag kang mag-alala Ricardo, tumutupad ako sa usapan. Kahit walang mga ganitong suhol."

"Suhol talaga? Hindi puwedeng nagmamalasakit lang sa 'yo? Speaking of which, sabay ka na rin pag-uwi mamaya. Para relax ka pa rin pagdating ng bahay at relax ang isip mong magbasa at gumawa ng book review."

"See? That's precisely my point! Pressure pa more! Suhol pa more!"


Biglang nagseryoso si Richard. "Meng, dadating si Papa sa graduation ko. Kaya kahit ano pa hilingin mo, gagawin ko. Makasiguro lang na magmamartsa ako. Kung kaya ko lang sulatin yan, ginawa ko na."

Pagkarinig nito, biglang kabig ang Menggay. Alam niya kung ga'no kamiss ng kaibigan ang tatay niya. "Talaga? Dadating si Tito? Bakit 'di mo sinabi agad? Madali naman akong kausap. Excited ka? Five years kayong hindi nagkita. Alam mo, masaya ko para sa 'yo. Promise! Cross my heart."

"Patingin ng masaya." Tiningnan niya ang dalaga.

Binigyan siya ni Meng ng ngiting grade two. Na walang palyang nakakapagpatawa kay Ricardo.

"Hahaha! Don't ever change Meng. Promise mo, huwag kang magbabago."

"Promise. At dahil sa good news mo, ika-career ko 'to bukas para sa Monday nasa 'yo na. With days to spare sa deadline mo."

"At sasabihin mo na rin yung sinasabi mong request mo na kapalit?"

"Ah, sinabi ko ba 'yon? Makakaintay naman but I'll think about it."

"Bakit hindi pa ngayon? Sabihin mo anong gusto mo? Perfume, chocolates, baka may gusto kang pabili sa Italy. Sasabihin ko kay Papa."

"Huwag kang mag-alala darating tayo diyan. Maiba ko, may balita ka na ba kung kailan ang graduation mo? Ayan ha, confident ako sa pagpasa mo." Maganda nang baguhin ang usapan at baka biglang masabi niya ang hinihingi niyang kapalit, maaksidente pa sila.

Ayun na nga. Ito naman ang masasabi mo sa magkaibigang 'to, hindi nauubusan ng pag-uusapan basta magkasama. Kahit ano pang traffic yan! Hindi nila namalayan, bumungad na sa kanila ang gate ng campus.

Si Meng ang unang nakapansin. "Andito na tayo. Thank you sa sandwich at sa paghatid bestfriend. Text text na lang mamaya."

Binuksan niya ang pinto ng kotse at lalabas na nang biglang pinigilan ni Richard ang kamay niya. "Menggay..."

"Ano na naman?"

"Boyfriend gusto mo?"

...........

A/N: Mga kaibigan, kalma lang. Ikatlong kabanata pa lang 'to.

"Boyfriend? Tigilan mo ko Ricardo." Luminga linga siya at baka may nakakakita. Hinila niya ang kamay niya at akmang tatalikod na.

"Wait! hear me out. Gumawa kasi ako ng resolution kagabi."

"And?"

"Hindi ako mag-gigirlfriend ulit hanggang hindi ka nagkakaboyfriend."

A/N: Boom, basag! Anong resolution yan Tisoy? 'Yan ba ang solusyon sa pagkabasag ng puso niya nung Grade 6. Ano ba kasi talaga nangyari?



Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon