"Oh Sam bakit nandito na kayo agad?" sabi ni kuyang guard.

"Good morning kuya! Naisipan lang po kasi namin na pumasok ng maaga eh. Para maiba naman."

"Ah ganon ba? Hindi pa nabubuksan lahat ng rooms eh. At saka di pa nila binubuksan yung kuryyente sa dalawang building. Baka mga after 5 minutes."

"Ganun po ba kuya? SIge dun nalang po kami sa grounds." sabi ko.

Pumunta nalang muna kami ni Joe sa may grounds. Medyo malawak dito kasi dito ang PE for Soccer. Naupo nalang muna kami sa isang bench.

Tahimik lang kaming dalawa. Hindi pa naman masyadong maliwanag. Wala pa nga yung araw eh.

Nakita ko naman na humikab si Joe.

"Inaantok ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

"Konti." sabi niya. Kita naman kasi nga tahimik siya kanina pa. Ganyan kasi yan.

"Higa ka muna dito." pinapatong ko naman yung ulo niya sa may lap ko tapos humig siya sa bench.

" Nagpuyat ka ba?" I traced his eyebags.

"Yep." sabi niya habang nakapikit siya. 

" Anong ginawa mo? "

" Project sa English. "

" Wow sipag. Tagal pa ng deadline nun ah. " sabi ko nalang. Totoo naman kasi. After pa yun ng Christmas break.

" Para date lang tayo ng date sa Christmas break. " sabi niya.

" Loko. Di ko alam kung uuwi yung kambal ngayon eh. Busy sila masyado. "

" Uuwi yan. Sam, 5 minutes. Tulog lang ako saglit ah. "

" Sige. Dream of me. " tapos kiniss ko siya sa lips.

Ngumiti naman siya kahit nakapikit pagkatapos ko siya i-kiss.

Napatitig nalang ako sa kawalan. May kuryente na rin sa dalawang building kasi nakita ko na may nanggagaling na na ilaw mula dito. Malapit na rin lumabas ang araw.

Nakatingin lang ako sa langit ng may napansin ako sa peripheral view ko kaya napalingon ako agad dito. Halos manigas yung buong katawan ko nung makita kung sino yung taong nakatingin din sakin ngayon. Pinikit ko nalang ng madiin yung mata ko kasi baka namamalikmata lang ako. Pagkabukas ko naman ay wala na siya.

Kinakabahan ako. Natatakot ako. Maya-maya tumunog na ang bell. Ibig sabihin 6am na. Lumabas na ang araw at nakikita ko ngayon ang paligid. Ang ganda. Napangit ako.

Napagising naman si Joe dahil sa bell. Namumungay pa yung mata niya. Parang gusto pa niya talagang matulog. Ang cute niya!

"Anong oras na? " tanong niya sa'kin.

" 6 am. Tara na. Akyat na tayo. May kuryente na sa buildings. " sabi ko nalang.

Bago kami pumunta sa room, dumaan muna kami ng cafeteria. Di pa kasi kami nagbe-breakfast. Buti may lugaw nang ready ngayon.

" Say ahhhhh. " sabi niya sa'kin.

" Joe, di na ako bata " sinusubuan niya kasi ako ngayon ng lugaw.

" Tss. Say ahhh. " Nagpasubo nalang ako. Wala naman kasi akong magagawa eh.

After naming kumain, umakyat na din kami.

"Oh shoot, may quiz pala sa Physics. Wala akong kabisadong formula. " sabi ko. Nilapit naman ni Joe sa'kin yung upuan niya.

" Ano ba kasing ginawa mo kagabi? " tanong niya sa'kin.

" Natulog from 6 to 4. Hehehehehe. " Oo. wala kasi kaming hw. Nakalimutan ko lang na may quiz.

" Tara review tayo. " sabi nalang ni Joe.

Kasi naman major tong Physics. Nakakatakot ibagsak.

" Wow! Pwede pala yun?! " Manghang-manghang sabi ko kay Joe. Natawa na lang siya.

" Ibig sabihin all this time, kinakabisado mo lahat ng constant? " tanong niya sa'kin/ Tumango lang siya sakin.

"Haahahahah!" tawa niya. Totoo naman kasi. Nakakamangha. Alam niyo yung gianagawa sa sci cal? Yung pwede kang maglagay ng constant para di mo na kabisaduhin yung mahabang atomic mass kunyari? Pwede palang ilagay yun! Nakakamangha!

Natapos na ang klase.

"Sam, may meeting daw tayo with Class Presidents sabi ni Abi. " sabi yan sa'kin ni Caitlyn.

"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko. Sige susunod na kami ni Joe. " sabi ko nalang.

" Joe! SSG Meeting. " tawag pansin ko kay Joe. Lumapit nalang siya sakin tapos naglakad na kami papaunta dun sa room kung saan magmi-meeting.

" Joe, PDA tayo. " bulong ko sa kanya habang naglalakd.

" Bakit ba? Proud ako na idisplay eh. " sabi niya.

" Joe. " tawag ko sa kanya. Agad naman niyang binitawan yung kamay ko at naunang maglakad.

Hala nagtampo na naman siya.

"Joe! Tek-! " Bigla nalang akong napaupo sa sahig kasi may nakabangga ako.

Tumayo ako agad.

" Sorry! Di kasi ako nakatingin sa-. "

Natigilan ako ng makita ko kung sino ang nakabangga ko.

Siya na naman.

First Love Never Diesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें