Plan

6.7K 183 8
                                    

Marg POV

Nagising ako sa pamilyar na kwarto. Ng maimulat ko na ng tama ang mga mata ko, na kumpirma kong nasa kwarto ako. Ang kwarto na binigay sakin ni Black. Agad akong napapikit ng maramdaman ko ang pamilyar na kirot sa ulo ko. Pagkatapos ay na alala ko ang mga panahong iyon. 

Ang mga panahon na nilooban ang bahay. Kung paano at kung sino ang pumatay kay Daddy. Pero bakit ? Anong dahilan ni Tito Argus para patayin kame ? Ang alam ko matalik silang magkaibigan ng mga panahong iyon. 

Isa pa, Sangkot si Tito Argus sa mga gustong pumatay kay Black. At sya ng leader ng Double A Organization. Kung totoong matagal nang nag ooperate ang organization niya may alam ba si Daddy sa ginagawa ng kaibigan nya.? 

Kung meron man, Bakit sya pinatay ? Bakit ako gustong patayin ni Tito Argus ? Anong dahilan nya para gawin iyon.? Bakit kami ?

Aahhhhhh !! Mababaliw na ako sa dami ng tanong sa utak ko ! Pero kailangan kong makahanap ng sagot.  At isang tao lang ang makakasagot ng mga tanong ko. Kailangan kong gumawa ng paraan para makausap sya. Kailangan kong maka alis dito. 

Mabilis akong tumayo at pumasok sa banyo para magbihis. Paglabas ko ng banyo, Nakita kong nakatayo si Black malapit sa mga gamit ko. Nakatingin sya sa mga ito. May bago pa ba sa kanya ? Baril, magazine, bomb, at kung ano ano pa. 

"Anong ginagawa mo ?" Tanong ko. Lumapit ako sa mga gamit ko at nilagay ang mga iyon sa bag ko. Hindi sya sumagot, pero ramdam ko ang mga titig nya sa akin. "Kung wala kang sasabihin, pwede ka ng lumabas." Simpleng sabi ko. Ng mailagay ko na lahat sa bag ang mga gamit ko. Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang mga sapatos ko. Sinuot ko na rin ito para agad maka alis.

"And where do you think you're going ??" Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Kung totoong ang Double A organization ang nasa likod ng mga pagbabanta sa buhay nya, malaki ang posibilidad na mas lalong malagay sa peligro ang buhay nya kung nasa malapit lang ako.

Kung tama ang na aalala ko, ako ang dapat papatayin noon. Pero dahil kay Daddy nakaligtas ako. Sjnalo nya ang bala na para sa akin. Kung totoong ako ang pakay nila. Hindi dapat nila ako makitang kasama sila.

Agad akong lumabas ng kwarto ng matapos akong maghanda. Kailangan ko syang makausap. Kailangan kong makahanap ng sagot sa mga tanong. Kailangan ko syang makausap kung bakit nya kailangan patayin kami ni Daddy. 

Pagbaba ko ng hagdan, Nadatnan kong nakaharang ang mga tauhan ni Black sa Pintuan. Para bang may binabantayaan sila, at kahit na anong mangyari ay di pwedeng lumabas ang sino man binabantayan nila. 

Hindi ko sila pinansin at diretchong naglakad papunta sa pintuan. Pero humarang ang isang Security sa harap ko. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ?" Tanong ko. Lahat sila ay diretcho lang ang tingin, para bang kahit na anong sabihin ko ay hindi sila makikinig. 

"Utos po sa amin na wag kayong palabasin kahit na anong mangyare." And that shock me. Utos ? Nino ? Ahh Si Black. Sya lang naman ang sinusunod ng mga to ee. Pero bakit ? Hindi pa ba namin napatunayan na hindi kami kasabwat sa mga banta sa buhay nya ?

"I don't care ! Move, or else i'll kick our ass off !" Pero hindi pa rin sya umalis sa harapan ko. Hindi na rin sya nagsalita pa. Bagkus lumapit sa amin ang ilan pang tauhan, at pinaligiran ko. Ano bang problema nila !?


"You can't go" Napaharap ako sa taong biglang nagsalita. Si Michael, na ngayon ay may hawak na brief case at naka formal attire, parang aatend ito sa isang meeting o ewan. Seryoso rin ang itchura nito. 

"At bakit hindi ? Sa itchura ng bahay, mukhang wala na rin dito ang mga kasamahan ko, kaya bakit pa ako mananatili dito ?" Tanong ko. Pero imbis na sumagot, nagkibit balikat lang ito at lumabas na ng bahay. Sumama rin ang ilang security sa kanya. 

Mababaliw na ako !! I need to go ! Hindi ako pwedeng makalong sa lugar na ito. Kailangan kong makagawa ng paraan. I need to !! 

"Don't try to escape, It will not work."  Napatingin ako sa lalaking naglalakad pababa ng hagdan, Wearing his famous looks. Cold and emotionless.. "Bakit mo ba ginagawa ito ?" Tanong ko. Wala syang dahilan para gawin ito. 

"I Love You." 

"Ano ? Naka drugs ka ba ?" Tanong ko. Maniniwala sana ako kung may makikita akong kahit na anong emosyon sa kanya ee. Kaya lang wala !! Saan ka makakakita ng lalaking nag cconfess ng emotionless ???

"I'm not. Argus is. Look, I'm serious here, I know you're plan. And Michael will handle it. Let him handle Argus. And you ! Just stay he're. With me." After that umakyat na ulit sya. 

Ano daw ?? Nagulat ako ng biglang marinig ko ang sunod sunod na pag palakpak ng mga security na nasa likod ko. Lahat sila ay para bang nanamlo sa lotto. 

"Grabe Mam, ngayon lang namin nakitang ganon Lord !" Manghang sabi ng isang secu. "Anong ngayon ? Eh araw araw ganon ang itchura nun. Emotionless. Parang Robot !" Inis kong sabe. 

"Mam, Hindi sya emotionless, nahihiya lang. Saka Mam, yun ang pinakamahabang salitang narinig namin sa kanya. At take note Mam. Nag Iloveyou pa sayo. Ikaw lang kaya ang babaeng dinala dito ni Lord bukod sa Mama nya." Mahabang litanya ng isa pang secu. Yung totoo ? Security ba sila o reporter ?

"Shut up ! I don't care ! Wala akong panahon sa kalokohan ng Lord nyo ! Isa pa. Bakit ba lord tawag nyo sa kanya ? Ano sya Diyos ?!!" 

"Mam, Lord kase yun ang pangalan nya. Ayaw nya nagpapatawag ng Sir o Boss sa amin ee." Tsk as if care. At dahil alam kong hindi ako makaka alis dito. Umakyat ako sa taas at pinuntahan siu Black. As usual nasa Study Room nanaman sya. 

Nadatnan ko sya doong may kausap sa cellphone. Tinignan nya lang ako saka ito tumalikod at pinagpatuloy ang pakikipag usap sa Cellphone. Mukhang seryoso ito dahil nakakunot ang noo nito ng humarap sya. Umupo ako sa isa sa mga sofa at tinaas ang mga paa sa center table. Hindi ko na kailangan pang magpanggap dahil alam na naman nya kung sino ako. 

Ng matapos ito. Lumapit sya sa kinaroroonan ko at umupo sa usual sit nya. "Anong lakad ni Sir Michael ?" Tanong ko. 

"How are you ?"

"Makikipagkita ba sya kay Argus Ang ?"

"Do you feel better ?"

"Anong plano nyo sa kanya ?"

"What do you want to eat ?" 

Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman din patutunguhan ang pagtatanong ko. Tatayo na sana ako para umalis pero hinawakan nya ang kamay ko. At dahil don napatingin ako sa kanya. Pakiramdam ko may kuryenteng dumalay sa katawan ko mula sa kanya. Ang lakas din ng tibok ng puso ko. May sakit na ata ako ee. 

Gamit ang isang kamay ko, tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamy nya sa kamay ko. OO hindi ako kumportable na hawak nya ang kamay ko, pakiramdam ko hihimatayin ako sa kaba ee. Tumayo sya mula sa pagkakaupo at humarap sa akin. 

"Don't do anything. Everything is going to be fine. Just stay here. And i'll do the rest." 

After that umalis na sya at naiwan akong nakatunganga ddito sa loob ng SR. Ano iyon ???

Lord Devon Black (Demon#1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon