"Ano yun?" turo ko sa isang di kalakihang building.

"Yan.. Hotel ng tito mo." oh, really. "Bago lang yan last year eh. Simula ng dumami yung turista dito dahil sa enchanted River ginawa niya yan." yan yung sinagot ni Carl.

"Ang yaman talaga nila noh?"

Tumango naman si Carl bilang pag-sangayon. "Nangungumusta nga pala si Mama sayo. Bumisita ka naman daw." Oo nga pala. Mama kasi ni Carl yung naging teacher ko sa 2nd year dati nong transferee pa lamang ako. Ang bait-bait non. 

"Sure!" nagsmile naman kami sa isa't isa, bago siya lumapit kay Orlando.

"sabi din ni Mama bumisita ka daw sa bahay.." bulong ni Jed mula sa likuran ko. Sinimangotan ko nga. 

Alam naman niyang hindi ganon kadali na pumunta sa bahay nila. Kasi Nandon si Chereese nakatira. Nag-explain naman ako sa kanya na hindi namin matitiis yung presence namin ni Chereese sa isa't isa kaya sa ayaw at gusto niya may mag-aalitan at mag-aaway talaga. 

Akala ko maiintindihan niya eh pero siya naman yung sumimangot. Saka tumingin sa ibang dereksyon. kaya napa-oo na lang ako.

"Basta kasama sila.." sabay turo ko sa mga barkada na nagpatiuna na sa paglaakad.

"Okay.." tapos hinila niya ako somewhere saka tumakbo. Kaya tumakbo na lang din ako. Alangan naman na tumayo na lang ako don eh di wasak yung tuhod ko.

Kung saan-saan kami nagsusuot. Liko dito. Straight. Lakad. Takbo ulit. Yung mga tao nga nagsisipaglingonan na samin. Yung iba nagbubulongan na lang. Ano kaya yung iniisip nila sa Eksena.

"Jed! pwede maglakad na lang tayo?" niakasan ko yung boses ko. Kaya lang hindi siya nakikinig at tumatakbo pa rin siya.

"Malapitt na."

Hawak-hawak niya pa rin yung kaliwang kamay ko kaya wala akong magawa kundi sabayan ang pagtakbo niya. I'm not sure kung saan na kami nakalimutan ko na kasi yung mga lugar dito.

Nong huminto siya nasa tapat na kami ng Foodshoppe I mean Carshop.. I actually don't know. Naco-confused ako.

"Ano yun?" tinuro ko naman habang nagalakad kami.

"Foodshoppe." tapos dumerecho na siya ng tingin. "na parang Cars yung theme. Gusto mong Pumasok?"

"wag na. Hindi ko dala yung pera ko eh."

"Para papasok lang naman. Wag kang mag-alala di ka pipiliting bumili diyan."

Ang Ganda ng design sa labas. Manebela na iba't ibang kulay. Saka yung waiting area na yung talagang upuan ng sasakyan na colorful. May mga tires din sa gilid-dilid. Parang nagpapark ka lang ng Kotse mo eh. Talagang Catchy sa mata ng mga tao. Lalo na't Neon colors yung mga ginagamit niya. 

"Good Evening Ma'am." bati ng crew. "Table for one??"

"No. She's with me." tapos ngumiti siya sa crew. 

"Ay. Sorry po Sir." Nagtaka naman ako don. Bakit parang takot yung crew sa kanya?

"Caresto as they say.." simula ni Jed. "It's actually Carlisle's Restaurant. He likes cars kaya deni-sign ko to para sa kanya." Saka lang bumalik sa isip ko na may restaurant na pala sila dati.

"Ang Ganda. Hindi ko agad nakilala." Really, hindi pampalubag loob lang yung sinabi ko.

Sa loob kung ano yung upuan ang ginamit nila yung pang-car talaga. Yung may stand na kung saan nakasabit yung side mirror. Yung lamesa eh Manebela yung Design. Yung Paligid nakakrelax yung kulay na ginamit nila. May mga road-road pa para ma-feel mo na nagbabiyahe ka talaga. Basta super. Sa Comfort Room naman Puro maliliit na mirror lang makikita mo na pinagdikit-dikit. 

"This is Cool! You really did a great Job." Sabi ko pagkalabas ko ng Comfort Room tapos inikot ko pa sa paligid yung paningin ko.

"Sino siya??" agad naman na nilingon ko yung pinanggalingan ng boses. 

Karga niya pala yung maliit na bata, na tinuturo ako. Nakasmile siya sa bata sabay sabi.. "Si Tita Jazmyn yan."

"Hi Tita Jazmyn. I'm Carlisle Jean." sabay smile at abot ng kaliwang kamay niya.. Ang cute nga eh.

"Hello Carlisle.." inistretch ko naman yung kamay ko sa kanya tapos nag-shake hands kami.

"Siya nga pala Jaz.. Si Carlisle.." tinignan ko naman siya saka sinabi ko na alam ko na. Nag-smile lang din siya.

"Anak ko."

Uh-oh. Nagfade yung smile ko non. I feel Jealous seeing this little boy. Ewan ko kung bakit. Siguro kasi Minsan Nangarap din ako ng ganito kacute na bata.

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon