1 - Hugot

7.8K 472 99
                                    

A/N: To be honest, I've shied away from writing romcom stories about best friends, it seems everything has already been written, what's new to offer....

OOOPS! Otor, nag-usap na tayo. Tagalog nga diba, ano to? Oh eniweys ayun na nga kaya ito ang magiging hamon para kay otor sa kuwentong ito. May ibang cliche pa tayong isasama. Pero siyempre, mawawala ba ang mga paliko-liko? (twists and turns - Jusko, literal talaga!). O siya tama na ang pasakalye!

Ayan na naman sila.

Nilakasan ni Meng ang volume ng player ng phone para hindi marinig ang mga magulang na nag-aaway sa kabilang kuwarto. Hindi naman umaabot ng sakitan, wala lang talagang gustong patalo pag nagsagutan.

Halos isubsob na niya ang ulo sa binabasang libro. Oo, ang pangalawang nobelang ginagawan niya ng book report para kay Richard. Ang author? Secret.

Naririnig pa rin niya. Mataas na talaga ang mga boses nila. Sino na naman kaya ang may kasalanan ngayon?

Tiningnan niya ang wall clock sa dingding. 10pm Eh pareho lang naman silang ginabi ng uwi? Usapang pera na naman kaya? Credit card charges? O meron na namang aattendan na out-of-town conference na hindi naipaalam?

Pumikit siya sandali para ipahinga ang mga mata. Wala na rin naman siyang naiintindihan sa binabasa niya,

Middleclass family sila. Nasa gitna ang class. Hindi mahirap pero hindi rin naman gano'ng kayaman. Correction, nakaluwag-luwag dahil sa pagsisikap ng magulang na parehong professional. Accountant si Tatay, chemical engineer si Nanay. Kaka-graduate lang ni Kuya ng Economics.

At ako? Ayoko ng math. Period.

Ang gusto ko? Eto magbasa, sumulat, kumausap ng tao, lalo na ng mga bata. Magturo. Makialam. So ano dapat kurso kinuha ko? Gusto ko sana ng Education kaso wala daw pera doon. Kaya eto, nauwi ako sa Psychology na second choice ko. Kung bakit, mahabang kuwento, huwag n'yo nang alamin.

Mabalik tayo, ayun na nga. Dahil sa sariling pagsisikap, naipatayo itong up-and-down 3-bedroom na bahay, na inutang sa PAG-IBIG. Nakabili ng kotse si Tatay. May pakotse naman kay Nanay ang pinapasukan niyang kumpanya. Malamang sa susunod, magkakaroon na rin ng sasakyan si Kuya.

Sa madaling sabi. Umasenso. At malamang aasenso pa.

At doon pumasok ang problema. Akala ng mga mahihirap, konti lang problema nung may kaya. Sa pera, malamang konti lang. Pero hindi sa ibang bagay.

Oo nakakapag-aral siya sa magandang university. Nakakapagbakasyon sila paminsan-minsan. Nakapag-out of the country na rin sila. Di man mabili lahat ng luho dahil strikto sila nanay at tatay sa pera, hindi naman napapag-iwanan. Sakto lang. May phone, tablet. Bukod pa sa laptop.

Kaya lang may kulang.

Tama si megastar, the family that eats Lucky Me noodles together, stays together.

Kaso hindi kami gano'n. Una-una ng kain. First come, first served. Kawawa tuloy si manang sa pagluluto, paghahain at pagliligpit. Yes, may kasambahay kami. All around. Siya na rin halos nagpalaki sa akin. Si Manang Esmi. Short for Esmeralda.

A/N: Joke no. one, one, ONE! (ctto Baste) Este, hugot no. 1 pala. Brought to you by Lucky Me.

Biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. "Pasok!"

"Maine, may extra kang USB drive? Pahiram naman. Kailangan ko lang para sa presentation bukas."

"Jr. Financial analyst, walang USB drive?" Pero kinuha na niya sa bag niya ang thumb drive at inabot sa kuya.

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon