Chapter 24

151 6 0
                                    


End of Flashback😥💣

Athena Pov's

"Hindi mahalaga"saad ni Max na kinuha ang gamit ko sa sasakyan at siya na ang nagbitbit. Hawak niya ang kamay ko habang papasok sa loob ng Campus halos lahat sila nakatingin sa amin at tahimik na nagbubulungan sila pero diretso lang si Max sa paglalakad na pokerface kaya hindi nalang rin ako umimik.

Tumigil lang kami sa paglalakad ng makarating na kami sa loob ng office ko may klase ako pero mamaya maya pa yun.

"Hintayin mo ko mamaya..may 3 oclock class ako ikaw wala"saad niya na pokerface at kaharap ko ngayon nakaupo ako sa isang chair habang kaharap ko siya sa upuan. Hintayin bakit?!..

"Bakit kailangan pa kitang hintayin?"saad ko na ikinakunot noo niya.

"Tsaka kaya ko namang magdrive mag-isa"saad ko sa kanya na nabeast mode ata.

"Basta! Wag ka ng marami pang sinasabi di ba pupunta ka pa ng grocery"saad niya at tuluyan ng umalis at binaba ang gamit ko sa mesa ko.

Hayyy oo nga pala wala pa akong money para pang-grocery tsaka ano yung bibilin ko hindi naman pwedeng yung gusto ko lang.Kaya kailangan ko rin siyang tanungin.

Tumawag ako sa kanya pero di niya lang sinasagot ang tawag ko mga naka10 missed calls lang naman ako sa kanya kaya tinigil ko na napapagod din naman ako tao din ako di ako manhid.

"Thena"sigaw nila Pia na pawis kakatakbo siguro papunta dito.

"Bakit?"tanong ko sa kanila na napatayo pa para itanong kung bakit dahil ang gulo na naman nila.

"Kayo na ba uli?!"sabay nilang tanong sa akin kaya napabuntong hininga nalang ako at umiling.

"Ehh bakit kayo magkasama kanina"saad na naman nila sa akin.

"Ahhh??...wala! Samahan niyo nalang akong magpunta ng bangko kukuha lang ako ng pera ko dali! ..tara na"saad ko sa kanila at hinila na sila palabas para wala na silang marami pang tanong.

Max Pov's

Nangmaihatid ko siya sa opisina niya as President of this school naglalakad ako papunta sa room ko ng makasalubong ko si Ken na kagabi pa nangungulit kaya hindi na ako nagdiretso pa ng paglalakad at naglakad ako pabalik pero nahabol niya din ako. Tatalakan na naman nya ako di ba siya nagsasawa.

"Ano?!"tanong ko sa kanya na nakalagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ko at kaharap siya.

"Pinapasundo ka na may schedule ka ngayon..bat ba ayaw mong pumunta dun para rin naman yun sa kanya ahh..para din kay Athena ang ginagawa mo"saad niya na medyo naluluha na ang loko.

Ang ingay niya mamaYa may makarinig sa amin kaya hinila ko siya at dinala sa isang music room kung saan dalawa lang kami ang tao para wala ng ibang makarinig.

Ken Pov's

Hindi na yung tulad dati na Maxwell na kilala ko yung Maxwell na kayang lumaban hanggang kaya niya para sa taong mahal niya.

"Kung mahal mo talaga siya..titiisin mo ang lahat para makasama mo pa siya!"sigaw ko sa kanya na kakabakla man pero umiiyak na ata ako pero sabi nila ang tunay na lalaki umiiyak din kaya lalaki pa ako. Hihihihi...

"Paano?! Ha?! Ken hindi na pwede..hindi na kaya ng katawan ko"saad niya na napaluhod na rin sa kakaiyak at lungkot na lahat ng pinaghirapan niyang maging kanya iniwan niya ng hindi maipaliwanag.

"Kaya nga ginagawa natin ang lahat di ba!"saad ko sa kanya na hinawakan ang dalawang balikat niya at pinamukha sa kanya na hindi pa huli ang lahat para makasama pa ang mahal niya.

"Hindi na siya pwedeng maging akin uli"saad niya na ikinapagtaka ko anong ibig niyang sabihin kasabay nun ng pagkalugmok ng expression ng mukha niya na sobrang nabalutan ng lungkot at paghihinayang sa buhay.

"Anong ibig mong sabihin"saad ko sa kanya na may pagtataka pa rin.

"Hindi na pwede dahil may asawa na siya"saad niya na maslalong ipinagtaka ko paano ehh hindi namin alam.

"Kanino?"tanong ko na may malaking pagtataka sa sinabi niya.

"Di mahalaga basta wag na wag mong sasabihin sa kanya ang tungkol sa akin...dahil ayokong kaawaan niya pa ako na lalong ikasisira ko sa kaniya"saad niya na umalis na habang umiiyak kaya naiwan nalang ako dito.

Nangmakalabas ako sa music room pupuntahan ko sana si Thena pero naabutan ko lang siyang kasama sila Pia at Inna paalis may pupuntahan ata sila masaya siya. Di tulad nung dati nung naghiwalay sila ni Max. Kaya kahit na paalis na sila tinawag ko siya at lumapit sa kanila.

"San kayo pupunta?"saad ko na patakbong pumunta sa kanila.

"Sa bangko lang"saad ni Pia sa akin.

"Ipagdadrive ko na kayo"saad ko na kinuha na ang susi na hawak ni Thena at naglakad na papunta sa parking. Nauna na akong naglakad dahil ang bagal nila. Wala rin kasi akong klase.

Kanina pa tapos tsaka gusto ko lang talaga silang samahan.Katabi ko si Pia sa driverseat.

"Ako nalang bababa mag-isa"saad ni Athena kaya naiwan nalang kami dito sa sasakyan.

Athena Pov's

Ako nalang ang bumaba dahil wala naman na silang gagawin dun kukuha lang ako ng allowance ko ehh para pang-grocery.

Pagdating ko sa bangko dumiretso na agad ako sa babaeng andito bali kilala na nila ako dito dahil lagi kasi ako dito noon. Pero hindi tinatanggap yung card ko at nalaman ko na nasa iisang bank account na pala yung pera ko at kay Dylan hayy kaya wala akong perang pang-grocery.

Nakaupo ako sa isang upuan dito ng may lumapit sa aking isang lalaki na mukhang mayaman talaga ang itsura.

"Are you okey?"tanong niya kaya tumango lang ako.

"Here"saad niya na may hawak na pera at inaabot sa akin ang dami nun at bakit niya ako binibigyan ng pera.

"No thanks"saad ko sa kanya dahil ayokong tumatanggap ng pera lalo nat di ko kilala yung magbibigay tsaka di naman ako mukhang pera. Kaya ng tumanggi ako mabilis na akong bumalik at umalis kaya ng makarating ako sa sasakyan sinabi ko nalang na ibaba ako sa school na pinag-aaralan ni Dylan pero di ko na sinabi kung bakit at kung sino si Dylan madami silang tanong pero di ko nalang pinansin.

Na bakit daw ako nagpababa dito tsk. Nagpahintay nalang ako sa kanila sa sasakyan dahil kakausapin ko lang naman si Dylan saglit para sa money at para sa allowance namin. Pinapasok naman ako ng guard kasi nga kilala na niya ako dito dahil pangalawang punta ko na rin dito tsaka parang ako na rin ang may ari ng paaralan na ito dahil syempre asawa ko ang may ari ng school na ito charrot!

Pagpasok ko palang marami ng nakatingin sa akin na mga estudyante napansin siguro nila na hindi ako dito nag-aaral kaya sila nakatingin sa akin lahat pero di ko nalang pinansin dahil alam ko naman ang room ni Dylan kaya di ko sila kailangan, nakarating na ako sa room ni Dylan pero si Patrick lang ang inabutan ko dito na may kasamang mga babae na nakapalibot sa kanya kaya ng mapansin niya ako napatayo siya bigla at mukhang wala dito si Dylan.

" Ahh Athena anong kailangan mo " saad niya sa akin na palapit sa akin na medyo may pagkautal ng konti konti lang naman.

"Kailangan ko kasing makausap si Dylan, asan ba siya" tanong ko sa kanya na nilibot ko ang mata ko sa buong room pero wala nga siya dito san naman kaya nagsuot yung kapreng yun.

Next chapter 💗

Im  His Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon