Chapter 32

43 3 0
                                    

Hanggang biyahe nagpapaliwanag ako. In short, nag aaway na kami medyo ag nakakalimutan namin na andito si Manong.. tama naman siya napahiya siya eh ano naman gagawin ko hindi naman siya nagtatanong tapos ako naman talaga gagawa! Inagaw niya lang.

"Ang sabihin mo gusto mo kong ipahiya don"siya at ayan na naman po siya.

"Kasalanan ko ba kasing di ka nagtatanong"ako pa

"Dapat kasi sinabi na agad!"siya kahit nagmamaneho siya ganyan siya.

"Ahh basta! Di ko kasalanan yon"ako pa at tumahimik na ko tinignan ko saglit si Manong at hiyang hiya na siya na andon siya.

"Sorry po"ako at tumingin nalang sa right side ko. Nakauwi kami na hindi kami nag uusap porke ganon lang masama na loob niya sakin pwes! mabuti na yang ganito di ko rin ata nasabi sa inyo na nung tuloy tuloy na yung pag asinta ko sa soldier kanina marami ng nanunuod. Kaya naging bulungan na bakit di daw yung lalaking ang gumawa. In short napagbulungan siya.

Nakarating kami ay natulog na agad ang lahat sa antok. Kaya natulog na rin ako.

Kinabukasan....

Minulat ko ang aking mga mata at wala na kong katabi sa higaan may naririnig na rin akong ingay na galing sa baba kaya bumangon ako at nagtungo sa banyo para mag ayos at bumaba.

Pagbaba ko kumakain na ang lahat nagtatawanan sila at ang ingay nagtatalo sila Patrick, Shawn, Dave kung sino daw ang masarap magluto lahat sila andon sa mesa kumakain na. Hinanap ko si Dylan wala siya dito kaya hinayaan ko nalang.

"Athena kain na"aya nila.

"Ate kain ka na masasarap luto nila"si jb ang dami na niyang nakain.

"Di na."ako tinuloy naman nila yung pagkain nila.

"Ahh hanap mo ba si Dylan?"si Toni di ko alam kung anong sasabihin ko. Eh bakit ko naman siya hahanapin.

"Hindi ahh"pagdeny ko e sa hindi naman talaga.

"Kumain lang kayo at mamaya baba na naman tayo para makifiesta"excited na sabi ni Shawn.

"Maki-fiesta?"tanong ko

"Oo sabi kasi ni Dylan fiesta daw  don sa dating nag-alaga sa kaniya dati. Lahat tayo inaya"dagdag pa ni Patrick

"Sigurado ako maraming pagkain don"si Pia

"Noodles lang kakainin mo ate"si jb

"Oo medyo busog pa kasi ako"ako at tinuloy na niya ang pagkain.

"Himala ata at di kayo magkasama ni Dylan, Zoe?"si Cassey napansin niya pa yon.

"Hoy! Bat ba nangangailam ka"sagot ni Patrick kay Cassey.

"Oh! Ayan na pala si Dylan"si Dave

"San ka galing"Shawn

"Sa baryo. Gumayak na kayo at makikifiesta tayo"siya at umakyat sa taas para gumayak na rin. Sumunod na ring naligo at nag ayos ang lahat. Pero naiwan si Toni.

"Zoe! Bat di ka pa gumayak?"Toni

"Kumakain pa ko "ako...mali naman kasing apurahin ko at mainit siya tsaka favorite ko kaya ito para akong nasa korean novela.

Toni Pov.

Iniwan ko siya kanina na kumakain nakagayak na kami ni jb andito kami sa baba inaantay yung iba.

"Ang Bilis ahh"si Shawn. Nakagayak na rin sila at nagkatinginan kami ni jb sa suot nila tumawa lang kami na palihim para kasi silang pupunta sa mall. Samantalang bukid ang pupuntahan namin dahil syempre probinsya yon.. bali si Dylan at Athena nalang ang hinihintay namin. Anyare na dun sa dalawa.

Im  His Wife Where stories live. Discover now