Chapter 37

31 2 0
                                    

Matured content‼️

Athena Pov.

Umalis si Dylan after namin kumain dito sa mansiyon ng dinner kami lang nila kuya ang kumain wala ang mga mapagkunwari kung mga magulang. Umakyat ako ng kwarto at humiga ngunit kahit anong ayos sa paghiga ko ay di ko makuha ang tamang ayos para makatulog kaya ng makaramdam ako ng gutom bumaba ako naabutan ko don si Toni. Kumakain din siya.

"Gutom ka din ba"tanong niya sakin tumuloy naman ako sa fridge para kunin yung milktea at kumuha ako ng snacks sa cabinet.

Nagpaalam akong aakyat na sa taas kaya wala na siyang nasabi. Base sa naalala ko alam ko na alam din ni Toni ang lahat kahit bata pa kami alam ko dahil minsan nagiging saksi siya sa pagmamaltrato sakin ng magulang ko dati.

Kinain ko yon sa kwarto sabay nuod sa netflix yun lang kasi ang alam kung gagawin na hindi ako malulungkot walang pasok bukas kaya nag-iisip ako ng pwedeng gawin ng may biglang nagtext sakin.

Max.

         See you tomorrow.

Kaya nagreply ako ng smiling face. Then continue watching after nun nakatulog na ko.

Kinabukasan...

Dylan Pov.

Naligo ako ng bigla kung naalala na nagtext sakin si Amanda kagabi na umuwi na siya dito sa manila kakaiba siyang babae kaya minsan ayoko ng ganito nakakatakot siya. Minsan pag magkasama kami para siya wild na psycho ganon. Pero dedma kasi minsan maayos naman siya.

Nag-aya ako sa asawa na lumabas kami kaso may kailangan daw siyang gawin kaya andito lang ako sa bahay nakatenga bumaba ako para kumain ng apple.

"Ahh, Dylan may gagawin ka ba"bungad sakin ni Lian sa totoo lang mabait naman talaga siya e.

"Wala naman"ako

"Pwede mo ba kong samahan sa mall, balak ko kasing bilhan sila ng pasalubong"siya kaya nag-isip ako at pumayag kaya gumayak na siya.

"Tara na"ako kaya sumunod na siya sakin ilang minuto ang tumagal sa biyahe bago kami nakarating dun ko nalang siya dinala sa malapit sa shop ng ate ko. Sinabi ko nalang na babalikan ko nalang siya after niya mamili. Matagal ko na rin kasing hindi nakikita ang ate ko.

Athena Pov.

Nagtext sakin si Max na kung pwede daw na magkita kami kaya nung mag-aya si Dylan tumanggi ako kasi nauna si Max importante daw kasi ang sasabihin niya sakin kaya mas siya ang binigyan ko ng karapatan ngayon sa oras ko. Gusto ko na kasing malaman ng madalian ang katotohanan. Sabi niya magkita daw kami sa mall sa dating tagpuan.

Amanda Pov

Pagtapos ng maraming chapter ngayon lang ulit ako bibigyan ng pagkakaton para magsalita. Di ko inaasahan ang nalaman ko kanina sa babaeng kinaiinisan ko. Kwento ba naman sakin ng mga kaibigan kong mga baliw. Ang BOYFRIEND ko daw ay kasal na at sa babaeng kinaiinisan ko pa nung una di ako naniwala  pero ng magbigay sila ng proweba dun na ko naniwala. Pero ang akala kong panirang balita na bungad nila sakin ay biglang may kapalit palang good news. Ang sabi nila sakin kung gusto ko daw na maagaw si Dylan sa kaniya.
Bakit daw hindi ko siraan si girl sa kaniya di madali nung una dahil sabi ko paano. Nagsend lang sila sakin ng proof na sigiradong hindi lang nila pag-aawayan kundi baka maghiwalay pa sila.

Di ako makapaniwala na ganito pala ka walang kwenta ng babaeng ito kaya agad agad pag-kita ko sa video. Walang kundangan pinasa ko na kay Dylan.  At ilang sandali pa ay tumatawag na siya.

"Hello"ako
"Wala ka bang magawa sa sarili mo"siya
"Wala kasi e"ako
"Kung gusto mong siraan ang asawa ko sakin, sorry pero di ka magtatagumpay"sigaw niya
"Hahaha, kawawa ka naman"ako
"Bakit di mo hanapin ang asawa mo dyan sa mall! Di ba andyan ka din!"ako sabay baba ng phone.

Im  His Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon