Chapter 13

311 6 0
                                    


Hinabol kami nung lalaking may taga dahil nakita niya yung anak niya at gusto niya yung patayin...pero hindi siya nakahabol dahil malayo na kami mabilis din kasing magpatakbo si Hanz...tumayo yung balahibo ko sa takot..akala ko aabutan kami huhh..god

Andito na kami ngayun sa ospital at hinihintay yung result ng doctor sana buhay pa yung ale katabi ko ngayun yung anak niyang lalaki na hanggang ngayun umiiyak pa rin...hindi namin siya mapipigil dahil siguro sa takot niya kanina...

"Makukulong ba tayo?"saad ni Pia na kinakabahan ngayun dahil kanina pa siya ikot ng ikot na parang na papraning na..

"Pwede ba hindi naman natin siya nabunggo..muntik lang"saad ni Hanz sa amin na ramdam namin na nagtatapang tapangan lang siya...

"Ate mabubuhay po ba ang nanay ko?"tanong ng bata sa akin nagtinginan naman kami dahil pare-pareho kaming hindi alam ang sasabihin..

"Uhmm...hindi pa kasi natin alam"saad ko sa bata at inakap siya para mawala ang pag-aalala niya...

"Sinong pamilya ng pasyente?"saad ng doctor na tumingin sa nanay ng bata..

"Kami po yung kasama..."saad ko sa doctor..tumayo ako at lumapit sa doctor

"She's now stable but she need to stay here for a few days...you can now talk to her but she need to rest"Saad ng doctor kaya pumasok na kaming lahat para tignan siya...inabutan pa namin siya na may malay lumapit naman kami sa kanya...inakap naman siya nung anak niya

"Nay!!! Wag niyo po akong iwan"*(sub)* saad ng bata na naka-akap ngayun sa nanay niya..at umiiyak pa rin

"Wala na ang kapatid mo Jb..."saad ng ale sa anak niya...

"At dahil yun kay tatay!"saad ni Jb daw nakatingin lang kami habang nag-iiyakan sila..bakit kaya gustong patayin ng Tatay niya sila ang sama naman niyang ama gusto ko sanang itanong kung bakit pero mahirap ng manghimasok sa buhay nila baka madamay pa kami lalo...

"Ahhh..aasikasuhin ko lang po yung bill niyo"saad ni Ken na inaya na si Pia para magbayad na sila...

"Salamat sa tulong niyo kung hindi dahil sa inyo baka napatay na kami ng asawa ko..tsaka wala kaming pangbayad sa bill dito sa ospital na ito...wala kasi kaming pera..."saad ni ale teka kanina pa ako ale ng ale ano bang pangalan niya..

"Ahh..wala po yun aleng___"saad ko dahil ko alam ang sasabihin kung name..

"Teri ang pangalan ko ija.."saad ni Aling teri nice name. .

"Bakit po ba gusto kayong patayin ng asawa niyo?"tanong ni Cassey kay Aling Teri siniko ko naman siya kasi dapat hindi na kami mahimasok sa kanila...baka sabihin pa nila chismosa kami..

"Ah..ang pinagpipilitan kasi ng asawa ko na hindi niya anak si Jb na anak ko daw siya sa ibang lalaki...kasi nung pinagbubuntis ko si Jb asa ibang bansa siya...kaya gusto niya kaming patayin porke daw na nasa ibang bansa siya...nanlalaki daw ako pero ayaw niyang maniwala na hindi ko yun ginawa"saad ni Aling Teri na maayos na ngayun...

"Ahh..ganun po ba tutulungan po namin kayong..mapakulong siya"saad ni Hanz may alam din pala itong magandang gawain akala ko nakain na ang utak niya meron pa pala...

"Salamat..."saad niya ngumiti nalang kami ng bahagya..

"Babalikan nalang po namin kayo bukas...kailangan na rin po kasi naming umuwi gabi na rin po kasi"saad ni Cassey sakto namang dumating na rin sila Pia na nagbayad ng bill...

Im  His Wife Where stories live. Discover now