Chapter 27:Competition

Start from the beginning
                                    

"Arrgh!! Oo na-"

"Brix? Agatha?"dali-dali kong winaksi ang pagkakahawak ni Brix sa siko ko at tumingin sa tumawag sa pangalan namon. Si Sam pala.

Dali-daling pumunta si Brix sa pwesto ni Sam at nilambing-lambing naman nito.

"Sweety pi, ito oh? Binilihan kita ng strawberry cupcake. Tara sa loob tikman mo ito. Kasing tamis ito ng pagmamahal ko sayo."what the?! Ang korne mo Brix! Shit!! Sweety pi? Saang lupalop nakuha 'to ni Brix na endearment?!

Ngumiti si Sam sa kanya kaya sa isip-isip ay napangiti din ako. Kahit na napaka ni Brix ay mahal na mahal pa rin niya si Sam at ganun din si Sam sa kanya. Bagay na bagay sila kaya masaya ako kung sila hanggang sa huli.

Nginitian ako ni Brix ng palihim na tinanguhan ko na lang bago sila pumasok sa loob ng room. Tsk! Tsk! Sana hindi na lang ako sumama sa kanya na bumili. Tuloy, nagkaroon na naman ako ng proproblemahin.

--

Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa garden ng school na ito nang makita ko ang mga estudyante na nagkakagulo sa isang bulletin board. Ano kayang meron doon at pinagkakaguluhan nila?

"Ay! Bet ko yan!"one of the girls exclaimed.

"Sus! Ba'ka screening pa lang bagsak ka na."sagot naman ng isa. Ano bang pinag-uusapan nila? Bakit may screening-screening?

"Ang hard mo teh! Ba'ka umiyak yang si Ren."sabi naman ng isang bakla.

Tss! Ano kayang meron? Hsst! Pakialam ko ba sa pinagkukumpulan nila? Napapilig na lang ako ng ulo bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang may humarang sakin. Sa tingin ko isa itong bakla, dahil sa postura niya at nakalipstick pa siya.

Tinaasan ko siya ng kilay at napangiti naman siya. Anong problema nito? Bakit ba humaharang ang baklang ito? Hindi niya ba alam na daanan 'to?

"Ay! Bet ko 'to!!"the gay exclaimed at napatingin naman samin ang ibang tao na naroon.

Pinagsasabi niya?

"Excuse me!"mataray kong wika habang nakacross arm pa 'ko. Pero parang wala lang 'yun sa kanya at nginitian pa ko.

"By the way, I am Maria Kervin Ganda Virgin, 19!!"wika niya sa tonong pangbeauty pageant.

"So? Im not interested on your name. So PLEASE, get out on my way!"I said in curmudgeonly way. I'm not on my best mode today kaya wag nilang painitin ang ulo ko.

"Sorry Ms.Agatha, but, I just want to ask you if you are interested to join in beauty pageant?"ramdam ko ang kaba sa bawat bitiw niya ng salita.

Ganito ba ako kasungit para kabahan sila? At ano ang sinabi niya? Interested in joining a beauty pageant? Ha-ha-ha! Nagpapatawa ba 'to? Suntukin ko 'to eh.

Hindi na ako magpapahumble pa dahil inborn talaga ang kagandahan ko, pero isali mo na ako sa lahat ng contest 'wag lang sa beauty pageant at swimming. Ba'ka magkagulo lang pagnagkataon.

"No. I'm not interested."sagot ko at akmang aalis na sana ako ng biglang may magsalita ulit.

"Nsk! Nsk! Nsk! Not interested? O takot ka lang na makalaban ako?"wika niya na nagpataas ng kilay ko. Ako? Takot siyang makalaban? Sabunutan ko kaya 'to at ng malaman niya?

Humarap ako sa kanya bago nagsalita.

"Alam mo? Wala akong pake sayo,CHLOE"enemphasize ko ang pangalan niya oara mabwisit siya. Napangisi na lang ako dahil sa saglit na pagbusangot ng mukha niya. At dahil, dakilang artista si Chloe ay nakabawi agad siya ng ekspresyon.

Clashmate1:Clash With Love✔Where stories live. Discover now