Syempre JOKE lang! Going back, ayun. Uhm, okay naman. Nanliliit ‘yung mata niya, syempre chinito. He’s chinese blooded. Tapos, naka-smile pa siya sa picture, malayong-malayo dun sa lagi kong naiimagine na salubong lagi ang kilay na masungit na seryoso dahil sa hard na personality. But Dwain will always be like that. Sa iba namang nakikita kong friends niya, ang bait niya. Ako lang talaga ang trip niya laging asarin. Adik talaga ‘yun. Pero balik tayo sa picture, mas naging malinaw na ngayon sa akin ang itsura niya.

Okay oo na, parang ang gwapo niya nga. Tsk.

DAYS PASSED. Dati, nagtataka ako sa sarili ko kung anong nangyayari. Ngayon, parang palala nang palala. May sakit ba ako? Ano ba kasing meron?

May biglang sumiksik sa utak ko. Mahal mo na.

Nasapok ko sa utak ‘yung... Teka ano ba ‘yun? Konsensya? Subconcious? Mind speaker? Ispiritu ng utak?

Mahal? Agad-agad? Ang LRT naman n’yan. Ang bilis. ‘Di ko nga crush, ‘di ko nga gusto, at ‘di nga ako infatuated sa kanya tapos mahal agad? Ni hindi ko nga alam paano magmahal. Wala pa akong karanasan. Alam ko lang i-define ang love sa mga essays pero sa realidad, napakahirap bigyang kahulugan. At sa tingin ko, hindi naman talaga dinedefine ang love.

Nagpapatawa si Mind. Ha-ha.

But one thing’s sure. I’m uncertain.

September 20. Friday
Uncertain

Dear Green,

            Green, dati naguguluhan ako, ngayon lalo akong ginagambala ng weird feelings na ‘to na hindi ko madetermine. Kumbaga sa Math, undefined. O baka sadyang kinalimutan ko lang ang formula kaya ‘di ko malaman ang tamang sagot. Na baka nagbubulag-bulagan lang ako sa totoong nararamdaman ko.

            Hindi ko na alam. Baka naman kasi dala lang ito ng closeness naming dalawa? Kaya akala ko, may nararamdaman na ako. Pero Green, ba’t ganun, madalas siyang pumasok sa isip ko. ‘Di niya nga ako pinapatulog eh. Paggising ko ng umaga, harushabu, siya nanaman ang una kong naiisip. Ang lala na yata ng kondisyon ko Green. Hindi maaari ito.

            Para bang “Dying to know, afraid to find out.” Ang hirap. Crush ko ba ‘yung tao? Gusto ko ba? Na-fall na nga ba? O dahil lang madalas ko ka-interact and I also enjoy his company eh akala ko may something feeling ewan na? Or worse nga, love ko na? Omygash, scratch the last. Ayoko. Lahat pala ‘yan, erase erase!!! Never! ‘Di pwede! Ayoko! Bawal! Aish, kita mo na. Green pwede bang damayan mo ako ngayon?

            Ayokong mahulog, lalo na... Sa kanya pa. Enemies nga kami ‘di ba? Lagi akong inaasar, hinahard, dina-down (pero pinapagaan niya rin naman ang loob ko, hala sige Ja ipagtanggol mo pa), inooffend, nine-nega, o hinu-hurt. Wala akong pinagsasabihan sa Eskepiks, dahil ayoko nang magka-issue pa, ayoko nang idamay pa sila sa kaewanan ko. Pero they know na may problema ako—pinipigilan ko ang uncertain feelings ko para sa isang tao. Bakit ko nga ba pinipigilan? Kasi natatakot akong malaman kung anuman ‘yun, tutal useless naman.

            Isang advice ang tumatak sa’kin mula sa Eskepik girls, si Ira. Sabi niya, “Ja, bago mo alamin kung anong klaseng feelings ‘yan, alamin mo muna kung may possibility na pwede kayo.”—napaisip naman ako dun na hindi ko dapat iniisip. Dun pa lang sa sinabi ni Ira, lalong ayoko nang malaman pa kung ano ‘to. Imposible kasi Green eh. Alam kong hindi ako ang ideal girl niya, malabo. Error ‘yun. Anlayo. Green, gawin mo na nga lang akong amnesia girl. Kahit ‘yung feelings ko na ‘di ko mafigure-out lang ang burahin mo.

            Gusto ko siyang tiisin minsan, na pag nag-GM siya ‘di ko rereply-an. Pero buset ba’t ganun, ‘di ko mapigilang ‘di mag-react? Ang isa ko pang kabaliwan, minsan naiisip ko kung... Posible kayang namimiss niya rin ako? Kahit as kadaldalan lang, o ‘di kaya bigla niyang akong maiisip (kahit dahil ampanget ko) tapos bigla siyang matatawa. Pero nako, syempre imagination ko lang ‘yan. Sino naman ako ‘di ba? Kapal ko lang Green.

Brainless HeartWhere stories live. Discover now